Chapter 25 : Awake

570 38 3
                                    

[Tiffany's POV]

Hmm.. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko pa masyadong maaninag ang paligid kaya pumikit ako at dumilat ulit. This time, mas malinaw na.

Teka, kwarto ko to ah? Paanong andito ako sa kwarto ko? Tumingin ako sa may bintana. May araw, halatang umaga pa lang.

Bumangon ako at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Grabe namiss ko tong kwarto ko ah.

Lumabas ako ng kwarto at napahinto ang ilang katulong nang makita ako. Halata rin ang gulat sa kanilang mga muka. Namiss ba nila ako? Haha.

"M-mahal na prinsesa, Good morning po!" bati nila.

"Gising na po pala kayo.." sabi naman ng isa. Nginitian ko lang sila at lumipad na ako pababa, tapos ay dumiretso sa dining room. At labis kong ikinagulat ang nakita ko.

"Anak, gising ka na pala! We're so glad." tumayo si ina at ginuide ako paupo sa upuan. Katabi ko si ina, habang kaharap ko naman sya.

"Good Morning po!" bati ko sa hari at reyna ng dark at nagbow. Oo, nandito sila ngayon, kasama sa hapag kainan, at hindi ko alam kung bakit.

"Good morning din hija, maraming salamat ulit sa pagtulong mo sa amin.." sabi ng reyna at ngumiti kaya ngumiti lang din ako, tapos ay nagsimula nang kumain.

"Anak, alam mo bang namiss ka namin?" napahinto naman ako dahil sa sinabi ni ina.

"Po? Bakit naman po?" tanong ko. Bakit naman nila ako namiss? Ano bang nangyare kahapon? Wala akong maalala eh? Ang naaalala ko lang ay yung nag-usap kami, tapos nawalan ako ng malay.

"Dalawang linggo kang walang malay, anak.." nagulat ako sa sinabi ni ina. Dalawang linggo?!

"P-po? Paano po yun nangyare?" taka kong tanong.

"Epekto na rin siguro ng kapangyarihan ng evil fairy, hija.." sabi ng reyna ng dark kaya tumango na lang ako at ngumiti tapos ay kumain na ulit.

"Tapos na po ako. Maauna na po ako.." nagulat ako nung bigla syang tumayo at naglakad na paalis.

"Luhan!" tawag sa kanya ng hari ng dark. Oo, si Luhan, sya ang kaharap ko kanina. Nasasaktan pa rin ako dahil galit sya sa akin.

****

Nang matapos akong kumain ay dumeretso ako sa garden at di ko man inaasahan, pero andoon sila Taeyeon, Sehun, Baekhyun, Kris at Yoona.

"Tiffany?!" sabay-sabay nilang sigaw.

"GISING KA NA?!" tili ni Taeng at lumapit sa akin tapos niyakap ako.

"Hindi Taeng, tulog pa ako. Paano mo kaya ako kausap at kayakap ngayon kung tulog pa ako?" pamimilosopo ko kaya humiwalay sya sa yakap at nagpout.

Bigla namang lumapit sa akin ang apat at niyakap ako.

"Woahh.. Matutumba na ako, guys." natatawa kong saad, kaya humiwalay naman sila.

"Fany-ah namiss ka namin!" nakapout na sabi ni Yoona.

"Okay ka na ba?" tanong naman ni Sehun.

"Malakas ka na ulit?" tanong naman ni Baek.

"Bagay ba sa akin yung suot ko?" lahat kami ay napatingin kay Kris dahil sa tanong nya.

"What? Bago kaya tong damit ko." painosente nyang sabi kaya napa-tsk na lang kami.

"Sa library tayo?" aya ko kaya tumango naman sila tapos lumipad na kami papunta sa library.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay naghanap ng sarili upuan ang SeYoon, pati ang BaekYeon. Bali iniwan nila kaming dalawa ni Kris. Ang babait no? Ganyan ba ang namiss ako? Hahaha.

"Pasaway." umiling-iling si Kris at hinila ako tapos umupo kami sa vacant seat.

"Okay ka na ba talaga?" tanong nya habang nagbabasa ata sa pinulot nyang libro.

"Oo, kaso Kris, nagbabasa ka ba talaga? Bakit baliktad?" tanong ko habang pinipigilang tumawa. Eh sa baliktad talaga yung libro eh. Chineck naman nya at agad na binaliktad tapos ay umirap.

"Sinadya ko yun. Ang mga genius, kayang magbasa kahit baliktad." palusot nya, sus.

"Kriseu, ano nga palang nangyare nung two weeks na tulog ako?" tanong ko. Huminto naman sya sa pagbabasa at sinara ang libro tapos nilapag sa lamesa.

"Ike-kwento ko sayo ang buong pangyayare.. Ehem.. Tinuro ko sayo si Luhan, tapos ayun, pinuntahan mo. Nag-usap kayo sandali tapos bigla syang nagwalk-out tapos nahimatay ka kaya tumakbo ako palapit sayo at binuhat ka papunta sa ospital. Ang sabi okay ka daw, kailangan mo lang ng sapat na panahon para maipon ang lahat ng lakas na nagamit mo sa pagtalo dun sa evil fairy.. Tapos ayun, doon ka na sa kwarto mo nagpahinga ng dalawang linggo.. Wala namang masyadong nangyare. Basta nagkabati-bati na ang mga light at dark fairies.." mahaba nyang sagot. Tumango-tango na lang ako.

"Ano ba yan? Ang haba-haba ng sinabi ko tapos tumango ka lang?" inis nyang sabi kaya tumawa naman ako.

"Pero, si Luhan nga pala, anong ginawa nya nung mga araw na yun?" pinagsisisihan kong tinanong ko pa yun dahil bigla na namang may kumirot sa puso ko.

"Madalas syang missing in action. Hindi namin alam kung saan nagpupunta.. Hindi pa ba kayo nagkaka-usap?" aniya pero umiling ako.

"Galit sya sa akin Kris eh." malungkot kong saad habang nakatungo.

"Galit? Ha? Bakit naman?" taka nyang tanong.

"Dahil tinago ko daw sa kanya.." malungkot kong sagot.

"Sus, di ka rin matitiis nun. Mahal na mahal ka kaya ng gunggong na yun.." sabi nya kaya napangiti naman ako. Sana nga mahal nya pa rin ako.

"Salamat Kris ah? Buti nalang talaga at anjan ka." sabi ko at ngumiti. I'm thankful that he's there to make me feel better.

"Wala yun! Magbespren tayo diba? Kailangan mo ako ngayon, lalo na't may mga lovelife yung butihin nating mga kaibigan.." sabi nya at sabay kaming tumawa.

------------------

A/N: Short update ulit sarreh hoho. Malapit na talaga sya matapos ToT. Pero may mga bagong characters sa upcoming chapter hihihi.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now