Chapter 10 : Dark Dragon

723 41 14
                                    

[Third Person's POV]

Lahat sila ay napahinto sa kanilang ginagawa dahil sa kadilimang bumalot sa kanilang kapaligiran. At alam narin nilang gawa ito ng kanilang kalaban, at alam rin nilang bumalik na naman sila.

Kahit sobrang dilim ay ginawa nila ang kanilang makakaya para ihanda ang kanilang mga sarili at pumwesto.

Pero, lahat sila ay napanganga noong muling bumalik ang liwanag. Hindi gaya ng inaasahan nila ang nakita nila.

Walang mga kalaban. Ngunit, sila ay nabawasan ng sobra sa dalawangpung manlalaban. Nilinlang sila. Nilinlang sila ng fairies ng kasamaan.

"Nilinlang nila... tayo." hindi makapaniwalang saad ni Luhan. Lahat sila ay hindi makapaniwala.

"Pabawas na tayo ng pabawas.." saad ni Luhan habang nakatingin sa kawalan.

"A-ano na pong gagawin natin kamahalan?" tanong ng isang kawal.

"Hindi tayo pwedeng sumuko... hindi." hindi parin makapaniwala si Luhan sa nangyare. Masyadong mabilis ang pangyayare.

"Masyado rin tayong kaunti at mahina para makalaban silang lahat.." saad ulit ni Luhan na ikinagulo naman ng ilan.

"Ano pong ibig nyong sabihin, mahal na prinsipe?"

"We have no other choice.." lahat ay inantay ang kadugtong ng pahayag ni Luhan.

".... but to wake up our sleeping dragon." ikinagulat ng lahat ang dugtong ni Luhan. Well, except kila Tiffany, Taeyeon at Sehun na walang ideya kung ano ang dragon na yun.

Ang Dark Dragon. Isang dragon ng mga Dark fairies. Kakaiba at walang katulad ang lakas nito. Isa itong fairy na nagpapalit ng anyo at nagiging dragon. Nakatago ito at talaga namang pinoprotektahan ng mga Dark fairies. Ang dragon na ito ay nabuo daang taon na ang nakalipas. Hindi maaaring laging gamitin ang dragon na ito. Kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga nila dito. At sa bawat isang gamit sa dragon na ito ay papalitan ang fairy na nagkakatawang dragon, at magiging isang normal na fairy na lamang ang dating dragon. Kaya sobrang maingat ang pagdedesisyon kung gagamitin ba ito.

"Po?! Kamahalan, isang sagradong desisyon yan." gulat na reaksyon ng isang kawal.

"Hindi naman kasi pwedeng hayaan nalang nating maubos tayo." seryosong sabi ni Luhan.

"Maghanda na tayo. Puntahan na natin ang dragon. Ngayon na." sabi ni Luhan. Sabay-sabay nagbow ang ilang kawal.

"Masusunod po, kamahalan." sabay-sabay nilang sabi at isa-isang naghanda ng mga kailangang dalhin.

"Baekhyun, I'll leave you in charge for a while. Sandali lang kami." bilin ni Luhan kay Baekhyun habang nakahawak sa kanang balikat nito.

"Sige, magiingat kayo." sabi ni Baekhyun at ngumiti, kaya nginitian sya pabalik ni Luhan.

Nang bumalik na ang mga kawal ay sabay-sabay silang lumipad, habang si Luhan ang nasa gitna upang sya ay maging ligtas. Hindi man masyadong maliwanag, dahil madaling-araw palang, ay wala lamang iyon sakanila.

Nahihiya namang lumapit si Taeyeon kay Baekhyun.

"Ah.. B-Baek, pwede magtanong?"

"Sure." nakangiting sagot ni Baekhyun.

"Uhmm.. Ano yung dragon na yun? Sorry, wala kasi akong alam." nahihiya nyang tanong. Natawa naman ng kaunti si Baekhyun.

"Dark dragon ang tawag doon. Isa yung fairy na nagiging dragon. Walang kapantay ang lakas nya at nakatago sya at pinoprotektahan." paliwanag ni Baekhyun kaya napatango-tango naman si Taeyeon. Ngayon alam nya na.

"Ah! Salamat ah." pagpapasalamat ni Taeyeon at ngumiti.

Nang makarating si Luhan kasama ang mga kawal sa lugar na pinaroroonan ng dragon, ay bumaba sila at tumapak sa sahig, dahil sila ay nasa sulok ng parang bundok. Kung ikaw ang makakakita ngayon ay aakalain mong normal lang ito na lugar dahil wala namang ibang nandito kung hindi mga bato, pero hindi.

"Kamahalan.." tawag ng isang kawal kay Luhan at inabot sakanya ang maliit na blade. Kinuha ito ni Luhan at itinapat sa kanyang bandang pulsuhan at hiniwa yon, pero syempre, mababaw lang ang pagkakahiwa nya na sapat lang para may lumabas na dugo. Pinatulo nya ito sa sa sahig, kung saan maraming mga bato.

Lumiwanag ng sandali at pagkawala ng liwanag ay mayroon nang kweba sa likod ng mga bato.

"Mahal na prinsipe." bati ng mga dark fairies na nandoon at nagbow.

Kinailangang magpatulo ni Luhan ng dugo doon bago lumabas ang kweba, dahil nakatago ito. Dugo lamang ng isang royal ang makakapagpalabas ng kweba.

"Ano pong sadya ninyo dito?" tanong ng isa.

"Sinasalakay ang ating kaharian. Hindi na namin kakayanin dahil kakaunti nalang ang natitira. Kailangan namin ng tulong ng dragon." nagulat man ang mga nagbabantay ay sinunod parin nila ang prinsipe. Pumasok si Luhan sa loob ng kweba.

Nakita nya sa bandang dulo, kahit madilim, ang dragon na mahimbing na natutulog. Umiilaw lang ang logo nito sa noo, at naka-kadena ang leeg nito.

Ginamit ni Luhan ang kapangyarihan nya para masira ang kadena nito.

Dahil sa gulat ay agad na sabay minulat ng dragon ang kanyang dalawang mata na kulay puti.

Nang makita nya ang prinsipe ay agad syang tumayo at nagbow. Napangiti si Luhan.

Iniba nito ang kanyang anyo at binalik sa pagiging isang dark fairy.

"Long time no see." sabi nito at nagsmirk.

"It's nice to see you again." sabi rin ni Luhan at ngumiti ng matamis.

"Anong meron? Kailangan nyo ako? O binibisita lang?" tanong nito.

"Kailangan ka namin. Sinasalakay ang kaharian natin." sagot ni Luhan. Napasmirk naman ulit ang lalakeng ito.

Sabay silang lumabas ng kweba at agad na sabay-sabay nagbow ang mga kawal/dark fairies. Ang dark dragon ay halos kapantay narin ng mga royal. Ginagalang sila dahil sa kanilang kalakasan.

"Tara na?" aya ng lalake kaya tumango si Luhan.

Bumalik sa pagiging dragon ang lalake na ikinamangha ng mga fairy nilang kasama.

Sumakay si Luhan sa likod ng dragon atsaka mabilis na lumipad ang dragon papunta sa kaharian nila. Sobrang bilis.

Namangha ang mga dark fairies sa nakikita nilang parating.

"Make way!" sigaw ng isang fairy kaya umalis naman sa daan ang mga nakaharang at doon lumapag ang dragon.

"Great dark dragon!" sambit ng lahat at nagbow sabay-sabay.

Bumaba si Luhan at bumalik naman sa pagiging fairy ang lalake na ikinamangha ng lahat, lalo na ng mga kababaihan.

"Ang gwapo nya.." ito ang nasa isip ng mga kababaihan pati narin sila Taeyeon at Tiffany. Totoo naman kasing napakagwapo ng nilalang na nasa harap nila.

----------

A/N: Corni again xD Masyado nang fictional to! Hahaha. May dragon pa huahua.

Pero anyways, sino sa tingin nyo yung dragon? Comment down kung sino sa tingin nyo yun. Ang unang makakuha ng tamang sagot ay idededicate ko sa next chapter.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now