Chapter 14 : He knows

666 42 2
                                    

[Tiffany's POV]

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa evil fairy na humila sakin habang pabalik kami ni Luhan. Sya yung isang nawawala, kasi pito sila, at anim palang ang napapatay namin.

"Hindi pa tapos ang laban. At ikaw ang napili kong makalaban."

"Bakit ako?" taka kong tanong.

"Oh c'mon! Akala mo ba hindi namin alam? Akala mo pati ang mga fairy ng kasamaan ay naloko nyong tatlo? Nagkakamali kayo! Dark fairies lang ang naloko nyo! Kasi alam naman namin." he was smirking. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Wag naman sana. Wag naman sanag alam nila na nagpapanggap lang kami.

"Na ano?" taas-kilay kong tanong.

He smirked once again. Lumapit sya sa may bandang tenga ko. "Na hindi naman talaga kayo Dark fairies. But the opposite, you're light fairies." kinilabutan ako. Anong gagawin ko?

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo ah!"

"Then why are you shuttering? Wag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagkakalat.. in one condition." tinulak ko sya palayo.

"Hindi ako intiresado! Magkakamatayan muna tayo!"

"Hindi lang yun.. Alam mo kung bakit ikaw ang pinili ko?" lumapit na naman sya kaya nagtayuan ang mga balahibo ko. Hinawakan nya ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw, nanigas ako.

"Kasi sa inyong mga nagpapanggap, ikaw ang kakaiba. Hindi ka lang basta light fairy, prinsesa pa." he smirked once again. Oh no! How on earth did he know?

"Sabing hindi ko nga alam ang mga sinasabi mo eh!" tinulak ko sya.

Again, for the nth time, he smirked. "Hindi ko naman ipagkakalat eh. In one condition."

"A-ano?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. I became interested and curious all of a sudden. Siguro.. ayaw ko lang talagang may maka-alam.

Lumapit na naman sya at hinawakan ang pisngi ko. "Be mine." he made his voice low kaya nagtayuan ang mga balahibo ko.

Pareho kaming nagulat at napalayo pa sya sa akin habang nakahawak sa braso nya dahil bigla-bigla nalang may maliit na apoy ang umatake at tumama sa braso nya, leaving it a wound.

"Kill me if you can.. but don't you dare touch her." malamig nyang sabi. Anong ginagawa nya dito?

Sandali syang nakipag-eye contact sa akin at muling bumaling sa kalaban. Ang... ang gwapo-gwapo nya.. ang ganda-ganda ng mata nya.. at... ang tangkad-tangkad nya.

"Ha. Dark dragon! It's a pleasure to meet you!" sarkastikong sabi ng kalaban kay Kris.

"Of course it's a pleasure to meet someone as fab as me.." naka-smirk na sabi ni Kris.

Nagpakawala ng isang malakas na enerhiya ang kalaban pero bigla itong naglaho.

Kris smirked. "Sige lang." sabi nya.

Nagpakawala na naman ang kalaban pero wala itong epekto kay Kris.

"Now it's my turn.." cold na sabi ni Kris at nagpakawala ng isang malaking apoy kaya agad na naging abo ang evil fairy. Napanganga naman ako. Ganun ba talaga sya kalakas?

"Hey, are you okay?" lumapit sya. Tumango lang ako.

"Why aren't you talking?" taka nyang tanong.

"Uhmm.. K-kanina ka pa ba dyan?" nahihiya kong tanong.

"Uhm yeah. Nakipaglaban pa ako sa walang kwentang gagong evil fairy na yun. You were there, right?" he jokingly said. Mahilig rin pala tong magjoke, cute.

"Ah.. N-no.. I mean, bago ka pa man magsalita, kanina ka pa?"

"Yeah.." he casually said na ikinagulat ko. Does that mean na narinig nya lahat?

"N-narinig mo lahat?"

"Of course." w-wala lang sa kanya?

"P-pero--" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay sabay kaming napatingala. Kumulog at Kumidlat ng malakas.

"Psh. Mukang uulan pa.. halika!" nagulat ako nung bigla nya akong hinawakan sa kamay at lumipad ng mabilis. Pero kahit na ang bilis nyang lumipad, ay naabutan pa rin kami ng ulan.

The next thing I knew, nasa isa kaming kweba.

"Hayst bwiset. Bwiset na ulan." usal ni Kris habang nagpapagpag. Habang ako nakatulala. Mag crush na ata ako sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko sa may bandang puso ko.. it's not beating fast.. hays!

"Ikaw, nabasa ka ba?" baling nya sa akin pero umiling lang ako.

"Oh wait, balik tayo sa topic.. Oo, kanina pa ako doon. Narinig ko lahat." he smiled. Ngumiti sya? Ha? Bakit? He's weird ah.

"Hindi ka ba galit sakin? Hindi mo ba ako kinamumuhian? Kasi nagpang--"

"The first moment I met your eyes, alam ko na. Alam ko nang isa kang light fairy." bahagya akong nagulat sa sinabi nya. Alam na nya? Paano?

"Just by looking at someone's eyes, nalalaman ko kung anong klaseng fairy yun." ngumiti sya ng kaunti.

"H-hindi ka galit?" nahihiya kong tanong.

He smiled again. "Nope. Besides, I'm thankful.. Kasi kahit hindi namin kayo kauri, willing pa rin kayong tumulong."

"Ahhh.." awkward.

"Bakit ba ang tahimik mo? Sa nakikita ko, hindi ka naman ganyang klase.."

"Nahihiya kasi ako sayo.." bigla naman syang tumawa dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa? huhubells

"Psh. Bakit ka naman nahihiya? Dahil alam ko na? Don't worry, I can keep secrets. Hindi ko ipagsasabi, magtiwala ka.. Besides, we're friends, right?" napatingin naman ako sakanya. Magkaibigan naman kami.

"Ah.. Y-yeah.." sabi ko at nageyesmile.

Nagulat ako nung may nakita akong sugat sa may braso nya.

"Oh! Ba't may sugat ka?" alala kong tanong at kinuha yung braso nya. Hindi naman masyadong malalim, pero malaki.

"Ahh. Wala yan. Kanina sa digmaan.." sagot nya at ngumiti na parang nagsasabi ng 'wag-kang-magalala'

"Masakit?" tanong ko.

"Well, magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong hindi."

"Ah.. teka.." sabi ko at pinatong yung palad ko sa sugat nya. Well, I can heal too. Hindi mawawala yung sugat, pero mababawasan yung sakit at malilinis ang sugat.

"Yan.." sabi ko at pumunit ng kaunti sa damit ko tapos binalot sa sugat nya.

"Hey, you don't have to do that! Yung damit mo.."

"Okay lang." sabi ko at ngumiti tapos nagthumbs-up sign.

"Ah teka.. about nga pala sa digmaan.. Wala na ba ang mga kalaban?" tanong ko.

"Oo, umalis na naman sila. And I volunteered to guard the six of you.. Kaso naligaw ako kasi di ko naman alam kung nasaan kayo.."

"Teka, you're a princess, right?" tanong nya kaya tumango naman ako. He smiled, kaya ngumiti rin ako, until our eyes met. Ayan na naman ang magaganda nyang mata.

"My eyes are weird, aren't they?" natatawa nyang saad pero umiling ako.

"Ang ganda kaya! Silver.." sabi ko habang naka-eyesmile.

"Kris... Tiffany..."

Sabay kaming napalingon.

--------------------

A/N: With a touch of KrisFany hohoho! Midyo leym hahaha.

Vote and Comment

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now