Unrevealed Scene

692 29 9
                                    

[Scene from Chapter 30]

[Third Person's POV]

"Salamat.." sabi ni Luhan. Tumango lang si Tiffany at niligpit ang first aid kit.

"Mauuna na ako" walang emosyong sabi ni Luhan at lumabas na.

"S-sige.." 

Sumandal sa pinto si Tiffany at dahan-dahang umupo sa sahig. Hindi nya na napigilan ang paghikbi. Nasasaktan na sya. 

Pero rinig na rinig ni Luhan ang mga paghikbi nya. Hindi naman kasi umalis si Luhan. Sa halip ay nanatili syang nasa pinto, pinakikinggan ang babaeng mahal nya.

"Bakit ganun? Bakit kung kailan narealize ko na sa sarili ko na ayos lang naman sakin ang ginawa mo. Bakit kung kailan nawala na lahat ng galit ko at miss na miss na kita, tsaka pa nagkaganito? Bakit kinailangan mong pumayag na magpakasal sa iba?" mahinang sabi ni Luhan. Ayaw nyang marinig ito ni Tiffany, dahil ayaw nyang malaman nito na nasa labas pa sya at nakikinig. Ayaw nya ring malaman nitong hindi na sya galit. Gusto nya kasing tapusin na lang ng tuluyan ang ugnayan nilang dalawa kahit masakit rin para sakanya, dahil nalaman nyang magpapakasal na pala si Tiffany. Ang mga ginawa nya kanina? Pagpapanggap ang lahat ng yun, nagpanggap lang sya na cold, at nahirapan sya sa pagpapanggap. 

"Bakit ba ganito? Bakit ba nasasaktan ako?" iyak ni Tiffany habang pinapadyak-padyak pa ang mga paa. Pero tahimik lang na nakikinig si Luhan.

"Luhan, mahal na mahal kita.." nang marinig ni Luhan ang mga katagang binitawan ni Tiffany ay lalong nanlambot ang kanyang puso. Sa katotohanan, hinawakan nya na ang door knob at bubuksan na sana ang pinto kaya lang, naalala nyang nakasandal dito si Tiffany. Kaya minabuti na lang nyang manatili.

Tuloy-tuloy lang sa pagiyak si Tiffany, rinig na rinig ni Luhan ang bawat hikbi nya.

"Stop crying.. wag ka nang umiyak.. nasasaktan din ako pag umiiyak ka" he whispered. But he made sure that she wouldn't hear him.

He started singing softly, he knows she won't hear him.

Narinig nya ang unti-unting paghina ng mga hikbi ni Tiffany, hanggang sa tuluyan na nga syang nanahimik.

"Is she asleep?" taka nyang tanong. Dahan-dahan nyang pinihit ang door knob. Hindi nya na binuksan ng sobra ang pinto dahil natutulog dito si Tiffany, nang kasya na sya ay pumasok na sya. 

Umupo rin sya sa sahig at nilapag ang ulo ni Tiffany sa lap nya. Hinawi nya ang buhok nito at tinitigan ang mala-anghel nitong mukha.

"Mahal ko, sana maging masaya ka sa naging desisyon mo ah?" sabi nya at hinalikan ang noo nito.

Binuhat nya si Tiffany ng bridal style at lumabas na sa clinic. Naglakad sya palabas pero bago pa man sya makalabas ay nakasalubong nila si Kris.

"Oh Luhan? Anong.. nangyare?" gulat at takang tanong ni Kris.

"She feel asleep on the clinic.. sa sahig" sagot ni Luhan.

"Ah. Sige, dadalhin ko na sya sa palasyo." kukunin na sana ni Kris si Tiffany pero nagsalita ulit si Luhan.

"No, let me. Gusto kong ihatid sya." sabi ni Luhan kaya ngumiti nalang si Kris at tumango.

"Sige. Gamitin nalang natin yung kotse ko." sabi ni Kris kaya tumango naman si Luhan. Bukod kasi sa mga lumilipad na karuwahe, meron rin silang mga lumilipad na kotse.

Sumakay na sila sa kotse at nagsimula nang magdrive si Kris, habang si Luhan naman ay nasa back seat, nakahiga sa lap nya si Tiffany.

Nang makarating sila sa light kingdom ay agad silang pumasok at dinala si Tiffany sa kwarto nito. Hiniga ni Luhan si Tiffany sa kama nito.

"Kris, salamat sa paghatid ah?" sabi ni Luhan habang nakangiti.

"Wala yun. Tatambay na ako dito, eh ikaw?" tanong ni Kris.

"I would love to, pero hindi pwede. Basta Kris, pag nagtanong si Tiffany kung sino ang nagdala sa kanya dito, sabihin mo ikaw ah? Wag mong sasabihin na ako." nakangiting sabi ni Luhan. Gusto sanang magtanong ni Kris kung bakit pero alam nyang hindi rin sasabihin ni Luhan ang dahilan kaya tumango nalang sya.

"Sige, mauuna na ako." sabi ni Luhan.

"Sige sabay na tayo, doon an lang ako sa garden mag-aantay." sabi ni Kris kaya tumango si Luhan.

Nang makalabas na sila ay umupo si Kris sa swing.

"Gamitin mo nalang muna yung kotse ko.." sabi ni Kris at binato kay Luhan ang susi ng kotse nya. Sinalo naman ito ni Luhan tapos ngumiti.

"Salamat, Kris."

"Walang anuman. Ingat ka." sabi ni Kris kaya ngumiti lang ulit si Luhan at umalis na.

-----------------

A/N: actually, irereveal ko dapat dati tong scene na to as a flashback from Kris, kaso hindi ko na nahanapan ng tyempo.

Vote and Comment <3


An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now