Chapter 15 : Jealous?

625 42 2
                                    

[Luhan's POV]

"Nasaan na kaya si Tiffany?!" alalang tanong ni Taeyeon.

Sabay-sabay kaming napatingala nung bigla kumulog at kumidlat.

"Hayst! Uulan pa yata. Wrong timing naman!" inis na sabi ni Sehun.

"Kailangan pa rin nating mahanap si Tiffany! Baka napano na yun." alala paring sabi ni Taeyeon kaya niyakap naman sya ni Baekhyun.

"Wag ka nang masyadong mag-alala, baby. Ligtas yun si Fany, sya pa!" pagcomfort ni Baek. Tong dalawang to, ang cheesy.

Hindi nagtagal ay bumuhos na ang ulan.

"Omg! Nababasa ako!" sabi ni Yoona habang sinusubukang takpan ang sarili nya para di sya mabasa.

"Ang arte mo!" iritadong sambit ni Sehun.

"Pake mo ba?! Eh sa ayokong nababasa ako eh!" sabay irap ni Yoona. Isa pa tong dalawang to.

"Maghiwa-hiwalay nalang tayo para mas madali nating mahanap si Tiffany." suggest ko.

"Sige, magkasama kami ni Taengoo ko!" sabi agad ni Baekhyun at umakbay kay Taeyeon.

"Sayo ako sasama ah!" sabi ni Yoona at kumapit sa braso ko.

"So pano naman ako? Loner?" poker face na tanong ni Sehun.

"Kaya ko naman yung sarili ko Yoona eh, doon ka nalang muna kay Sehun."

"What?! Ayoko nga sa pangit na yan!" reklamo nya at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa braso ko.

"Sinong pangit? Ako, pangit?! Kung andito lang talaga si Fany! Di na ako loner!" inis na sabi naman ni Sehun. Hindi ko alam na magiging ganito tong dalawang to, bangayan, haha.

"Tama na nga yan! Lumalakas na ang ulan, sumilong muna tayo." sabi ko kaya sabay-sabay naman silang tumango at naghanap kami ng malapit na kweba.

"Mamaya na lang tayo maghiwa-hiwalay kapag medyo humina na ang ulan." sabi ko.

"Eh Luhan, paano si Tiffany?" alalang tanong ni Taeyeon.

"Sige, dito na lang muna kayong apat, susubukan kong mahanap si Tiffany." sabi ko at ngumiti kaya tumango naman si Taeyeon.

"Ingat ka. Salamat!"

"Teka, teka! Luhan, umuulan oh! Delikado kaya! Tsaka kung aalis ka, sasama ako sayo!" singit bigla ni Yoona.

"Yoona, kaya ko to. Dito ka na lang muna." sabi ko at ginulo ang buhok nya.

"Luhan, ako na lang." sabi naman ni Sehun pero umiling ako.

"Wag na, dito ka lang. Kayong dalawa na muna ni Baekhyun ang bahala kila Yoona at Taeyeon, ha?" saad ko at ngumiti. Bumuntong-hininga lang si Sehun at tumango.

"Sige, aalis na ako."

"Lulu, ingat ka ah!" bilin ni Yoona kaya ngumiti lang ako at tumango tapos lumipad na paalis.

I sighed. Alalang-alala na rin ako para kay Tiffany eh, kaso hindi ko naman alam kung saan sya hahanapin. Sana naman walang masamang nangyare sakanya. Hays.

Paano naman ako makakapaghanap ng maayos nito? Hindi nga ako makakita ng maayos dahil sa ulan eh.

Luminga-linga ako sa taas. Teka-- kweba ba yun?

Lumipad agad ako sa kwebang nakita ko at hindi gaya ng inaasahan ko ang nadatnan ko. Anong ginagawa ni Kris dito? Bakit magkasama sila? At bakit parang... nasaktan ako?

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now