Chapter 22 : Party

509 37 0
                                    

[Third Person's POV]

"Hindi jan, doon nyo sa kabila ilagay." sabi ni Luhan kaya nilipat naman nila sa kabila yung telang malapit sa pinaka-unahan na parang stage. Sya kasi ang incharge sa stage na pinaka-importante sa partying ito.

"Hmm.. Mas maganda yung pink." sagot ni Tiffany kasi pinapapili sya sa dalawang kurtina. Hahaha, syempre pink pinili. Sya ang incharge sa mga bintana.

"Maganda yung kantang yan. Isama nyo." sabi ni Baekhyun. Sya kasi ang incharge sa pagpili ng mga gagamiting kanta.

"Patulong naman oh? Thanks." tanong ni Taeyeon kaya tinulungan naman sya sa pagpupulot ng mga natapon na petals. Sya ang incharge sa mga placings ng bulaklak.

"Ilipat na lang kaya natin to? Medyo nakaharang eh." sabi ni Sehun kaya tinulungan syang ilipat yung malaking vase na may mga bulaklak. Sya ang incharge sa mga vases, tables, chairs.

"Good job. Ang galing!" puri ni Yoona habang nakatingin sa mga nakasabit na laces. Sya naman sa mga lases at ribbons.

"This thing is as fab as me." saad ni Kris habang katabi ang malaking garapon ng juice kung saan may gripo sa baba. Sya ang incharge sa mga pagkain.

Oo, busying-busy sila ngayon sa pagaayos nitong venue para sa party maya-maya.

"Mahal na prinsipe, ayos na daw po ba ang lahat? Pwede na daw po bang magpapasok ng mga dark fairies?" tanong ng isang katulong kay Luhan kaya pumayag naman ang prinsipe.

Binuksan na nila ang malalaking gate ng venue at pinailaw ang mga bulaklak na may ilaw doon at nagpatugtog na bilang senyas na ibig sabihin ay pwede nang pumasok dahil magsisimula na ang party. Ang mga dark fairies naman na kanina pa nag-aantay sa labas ay nagsipasukan na sa loob.

"Welcome po! Salamat po sa pagpunta!" salubong nilang pito sa mga pumapasok.

Pumunta na silang pito sa table na pinakamalapit sa stage, at umupo. Yun kasi ang para sa kanila. Wait, have I mentioned na nakalutang ang mga lamesa at upuan? Kekeke.

"His majesty the king, and her majesty the queen.." nakatuon ang atensyon ng lahat sa malaking pintuan at pumasok na nga ang pinaka-inaantay ng lahat, ang hari at reyna. Nagpalakpakan ang lahat at nagbigay galang.

Umupo ang hari at reyna sa kanilang trono sa stage.

Maya-maya ay pinayagan na silang kumain at sumayaw. Ang ibang nagugutom na ay inuna muna ang pagkain habang ang iba naman ay ang pagsayaw.

At dahil nga napagod sa pag-aayos at pag-aasikaso ang pito ay kumakain sila ngayon habang nagkekwentuhan.

[Tiffany's POV]

Nang matapos kami kumain ay nagkwentuhan muna kami, tapos bigla na silang nagyayang sumayaw pero tumanggi ako, ganun din si Luhan. Bale kaming dalawa na lang ngayon ang naiwan dito sa table.

"Oy, bakit ayaw mong sumayaw?" tanong ko sakanya.

"Eh ikaw bakit ayaw mo?" balik nyang tanong kaya bahagya ko syang sinamaan ng tingin. Ako tong nagtatanong eh, binalik sa akin.

"Che! Ako kaya yung nagtatanong." sabi ko at nagpout. Tumawa naman ang baliw.

"Hahaha. Joke lang, ayokong sumayaw kasi ayaw mo." sabi nya at ngumiti. Kinilig naman daw ang pwet ng lola nyo.

Pero para akong naguilty na hindi ko maintindihan. Nakokonsensya ako sa pagpapanggap namin. Sabihin ko na kaya? I think this is the right time. Kailangan na nilang malaman.

"Uhmm.. Luhan.." tawag ko sakanya kaya tumingin naman sya sa akin.

"Hmm?" he hummed. Kinakabahan ako. Sasabihin ko ba? O hindi? Hays! Bahala na nga.

"Kasi ano eh.." nag-aalinlangan kong simula. Di ko alam kung paano itutuloy. Ano kayang magiging reaksyon nya? Napakagat tuloy ako sa labi ko habang nakatingin sa baba.

"Ano? Bakit? May problema ka ba?" alala nyang tanong pero umiling ako.

"Kasi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lahat kami ay napako ang atensyon sa stage dahil nagsalita ang reyna.

"May we have everyone's attention for a while?" tanong ng reyna kaya hindi ko na naituloy. Hays, buti nalang.

"Firstly, we would like to thank everyone who are here with us today. Salamat sa pagpunta at pagsuporta. Marami ring salamat sa mga tumulong para manalo tayo sa digmaan. Pero, syempre, most specially sa prinsipe at kanyang mga kaibigan. Napakalaki ng naitulong nilang pito para maipanalo natin ang laban. Can they come here on stage, please?" ani naman ng hari kaya nagkatinginan kaming pito at sabay-sabay na nagtungo sa stage.

"Si Luhan, ang ating prinsipe, si Kris ang ating dragon na ngayon ay normal na ulit na dark fairy, at ang kanilang mga kaibigan.." sabi naman ng reyna. Alternate? Huahua

"Let's all thank them for contributing a very huge part on the recent war. Kung wala sila, hindi rin natin alam kung maipapanalo natin ang laban." ani ng hari kaya nagpalakpakan naman ang mag dark fairies. Ang sarap sa pakiramdam na para kang isang artista, honored.

Bigla namang may lumapit na maliliit na fairies. Makukulay sila. Wow~ May ganito rin kami sa Light kingdom eh. Ang tawag jan ay enchanters.

Lumapit sa amin yung mga maliliit na fairy, a.k.a enchanters at naglagay ng koronang gawa sa bulaklak sa aming tatlong babae, at yung parang kuwintas na gawa din sa bulaklak (yung sa mga beach. you know xD) sa apat na lalake. Muli, nagpalakpakan ang mga tao, kaya naghawak-hawak kaming pito ng kamay at nagbow.

Pababa na sana kami sa stage nang biglang may sumigaw na nakakuha ng atensyon ng lahat.

"LIGHT FAIRIES SILA!"

No.. sana hindi tama ang naiisip ko.. Dahan-dahan akong lumingon.

--------

A/N: Short but very meaningful update. Ang very meaningful jan ay yung last part XD

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα