Chapter 27 : United

532 38 4
                                    

1 year later..

[Tiffany's POV]

"Hari at reyna ng kaharian ng light, tinatanggap nyo bang makasama, makadamay at makatrabaho ang kaharian ng dark sa hirap at ginhawa?" tanong nya kila ina at ama.

"We do." sabay na sagot nila at ama.

"Ngayon, hari at reyna ng kaharian ng dark, tinatanggap nyo bang makasama, makadamay at makatrabaho ang kaharian ng light sa hirap at ginhawa?" tanong naman nya kila tito at tita.

"I know pronounce light and dark.. as ONE!" lahat ay nagpalakpakan nung sinabi na yun ng isang mataas na multi-fairy. Kung baga sa mga kompanya, merged na ngayon ang light at dark kingdom. We can work as one, yehet diba? At parang kasal diba? Hahaha.

"WOOHHH!" hiyaw ng lahat habang sila ang dalawang hari at dalawang reyna ay naguusap-usap doon sa harap.

****

Parang kasal, pagtapos ng ceremony kanina ay may party. Naka-upo kami ngayon ng mga bestfriends ko sa isang round table (ehem ehem. floating). Katabi ko sa left ay si Victoria, sa right si Kris, katabi ni Kris si Taeyeon, katabi ni Taeyeon si Baekhyun, katabi ni Baekhyun si... sya, katabi nya si Sehun, katabi ni Sehun si Yoona, tapos katabi ni Yoona ay si Victoria.

"WOOOHH! Finally! Di na talaga ako makapag-antay bukas!" excited na hiyaw ni Baekhyun. Nako, kung alam nyo lang, kasal kaya nilang dalawa ni Taeng bukas.

"Sus! Porket ikakasal na kayong dalawa bukas eh!" kantyaw naman ni Kris.

"Aba, sino namang hindi maeexcite sa sarili nyang kasal? Diba baby Baek?~" pagpapacute ni Taeyeon at niyakap si Baekhyun. Niyakap naman sya nito pabalik. Jusko, pda.

"YUCK!~" sabi ni Victoria habang kunyareng nandidiri.

"Kayong dalawa, kung mag-gaganyanan lang kayo, lumayas kayo dito. Kasuka!" ani naman ni Yoona.

"Inggit lang kamo kayo! Victoria, maghanap ka na kasi ng boylet, at hoy Sehun, kailan mo ba kasi yayayaing magpakasal yang si Yoona?" tanong ni Taeng na ikinapula naman ni Yoona.

"Wag ka nga jan Taeng. Soon, okay? Soon." sagot ni Sehun, kaya lalo namang namula si Yoona. Hay nako, uunahan pa ako ng mga to. Samantalang ako wala pang boyfriend, hays.

"Tumigil nga kayong apat jan! May naiinggit dito oh!" nagulat ako nung nagsalita si Kris habang nakaturo pa sa akin.

"Hay nako wag mo nga akong idamay jan Kriseu! Hindi ako naiinggit no!" sigaw ko at hinampas sya. Wala eh, katabi ko tong matangkad na to.

"Aray naman!" reklamo nya kaya huminto na ako sa paghahampas sakanya at inirapan sya.

Napabaling naman ako ng tingin sakanya.. kay Luhan.. nagulat ako nung nakatingin sya sakin.. ay hindi, sa aming dalawa ni Kris ng malamig. Pero agad rin syang umiwas ng tingin.. hays.

"Oy ba't nakatulala ka na naman?" bulong ni Kris kaya nagising naman ako sa katotohanan.

"Walaaaa~" sagot ko at nag-eyesmile. Nagbago naman ang ekspresyon nya sa muka, naging ang-weird-nya-look hahaha.

"Ppanyang! Ppanyang!" napalingon ako kay Victoria nung kinalabit nya ako.

"Bakit, Tori?" tanong ko.

"Kanina nakatingin sayo si Luhan.. lalo na nung nag-asaran kayo ni Kris. Nagseselos ata. Ayiiee~" pabulong nyang pang-aasar kaya sinamaan ko naman sya ng tingin. Ayoko naman kasing mag-assume, bakit naman sya magseselos diba? Eh galit na galit nga sya sakin. Aray.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon