Chapter 18 : Love

543 41 2
                                    

[Tiffany's POV]

Para na akong tanga dito. Hindi ako mapakali. Ako na lang yata ang gising. Hindi kasi ako makatulog eh!

Tiningnan ko si Yoona at Taeyeon, tulog na eh!

Dahil hindi talaga ako makatulog ay bumangon nalang ako at lumabas ng kaunti sa kweba, magpapahangin, baka sakaling antukin ako.

Hays. Sumagi na naman sa isip ko ang problema naming tatlo. Paano ba to? Sana naman ay hindi agad mawalan ng bisa ang ginawa ko.

Naisip ko rin sa kaharian namin. Kamusta na kaya sila ina at ama? Sigurado akong hinahanap na ako ngayon. Hayst! Ano ba tong napasok namin?

"Gising ka pa?"

"Ay palakang naka-dapa!" nagulat ako nun. Tiningnan ko kung sino. Si Luhan lang pala, nagpipigli ng tawa.

"Nakakagulat ka naman.." natatawa kong saad.

"Sorry. Bakit nga pala gising ka pa?" tanong nya at tumayo rin sa tabi ko.

"Ah.. Eh.. Di pa kasi ako dinadalaw ng antok." sagot ko at ngumiti.

"Eh ikaw? Bakit gising ka pa?" balik kong tanong sa kanya.

"Nakatulog na ako kanina eh, kaso sandali lang. Tapos nagising ako, at ayun, di na ako makabalik sa tulog." sagot nya.

"Gusto mo maglibot-libot muna tayo? Baka sakaling antukin tayong dalawa." suggest nya kaya tumango lang ako at nagsimula na kaming lumipad.

"Saan kayang maganda pumunta?" tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid.

"Tara doon tayo! Para mahangin." bago ko pa man matingnan yung tinuturo nya ay hinila nya na ako.

And the next thing I new, we were on a cliff. Ang ganda dito.

"Ang ganda naman dito.." mangha kong saad. Kitang-kita kasi ang mga puno sa baba.

"Oo nga eh." pagsang-ayon nya at umupo, kaya umupo rin ako.

Napansin ko namang may tinititigan sya kaya tiningnan ko rin kung ano yun. Ah, sa langit pala. Ang ganda kasi eh.

"Tiffany, tingnan mo yun oh.." sabi nya at kinalabit pa ako kaya tiningnan ko naman yung tinuturo nya. Wahh! Ang ganda. Dalawang magkatabing bitwin na sobrang kinang.

"Ang ganda.." mangha kong saad.

"Oo nga. Parang ako at ikaw. Magkatabi." sabi nya kaya napatingin naman ako sa kanya at eksakto ay tumingin rin sya. Parang naging... slow motion.

Unti-unting lumapit ang muka nya sa mukha ko kaya napa-pikit nalang ako.

And finally, our lips met. His lips were soft and sweet.

"I-I'm... sorry.." sabi nya pero tumango lang ako as a sign na okay lang.

"Pero, Luhan... bakit?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.

Bumuntong-hininga muna sya bago nagsalita. "Tiffany, mahal kita."

"Luhan, mahal rin kita." I don't know why I said that, but that's how I feel.

Bigla nya akong hinila para yakapin kaya napangiti lang ako.

"Tara, maglakad-lakad nalang tayo.." sabi nya kaya tumango lang ako at hinila nya na ako sa kung saan.

Huminto kami sa harap ng isang well. Luma, pero maganda.

"Anong gagawin natin dito?" taka kong tanong. May kinuha naman sya na kung ano sa puno, dalawang magandang dahon pala.

"Magwiwish tayo." nakangiti nyang sagot at binigay sa akin yung isang dahon.

"Sige."

Sabay naming hinulog ang dahon sa well at pumikit tapos ay nagwish.

Sana ay matalo namin ang mga kalaban.

Bakit yun ang wish ko? For once in my life time, I don't want to be selfish.

Sabay na rin kaming dumilat.

"Anong winish mo?" tanong ko sakanya.

"Secret!" sabi nya at bumelat pa. Pasaway.

--------------------

A/N: Huhuhu. Sorry, short chapter lang to huhuhu. Atsaka sorry kung ngayon lang ako nakapag-ud, na-author's block eh.

Vote and Comment <3


An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now