Chapter 1 : The Kingdoms

1.8K 67 8
                                    

[Tiffany's POV]

It's 7:00 am at kailangan ko nang bumangon.

Naghilamos at naligo na ako. Nagbihis na rin ako, tapos nilagyan ko ng glitters yung mga pakpak ko. White dress na may white flowers yung suot ko. Tapos suot ko ang flower crown ko.

Lumipad ako palabas ng kwarto ko at pababa ng hagdan.

"Magandang umaga po, kamahalan" Bati agad sakin ng mga maids pagbaba ko.

"Good Morning!" Bati ko pabalik sabay eyesmile. Tapos naglakad nalang ako papunta sa kusina.

"Anong gusto nyong kaining umagahan, mahal na prinsesa?" Bungad agad sakin nung chef.

"Strawberry cake nalang at prutas.." sagot ko naman. Nagbow lang sya at nagsimula nang maghanda.

Naglakad-lakad muna ko, tutal tatawagin naman nila ako pag handa na yung pagkain ko. Pumunta ako sa garden. Nakita kong maraming mga light fairies ang nandun din.

"Good morning, mahal na prinsesa!" sabay-sabay na pagbati ng karamihan sa kanila.

"Good morning din!" bati ko pabalik at nag-eyesmile.

Umupo ako sa upuan na para sa royal family lang. O diba sosyalin? Hahaha.

Nakita ko namang naglalakad ang bestfriend kong si Taeyeon papunta dito kaya tinawag ko na agad sya bago nya pa ibuka ang labi nya, "Taeyeon!"

"Hi Fany! Good morning!" bati nya sabay upo sa upuan na katabi ng akin.

"Good morning din, Taeng!"

"Ang aga mo ata?" sabay sipsip nya sa dala nyang gatas na naka-straw pa.

"Masama ba?" biro ko.

"Hindi naman.." sabi nya at nagtawanan kaming dalawa.

"Princess, your breakfast is ready.." sabi ng englisherang maid. Hinila ko naman si Taeyeon papunta sa dining area.

"Kain tayo!" aya ko sakanya sabay eyesmile.

Umupo na kami, at kumain.

~~

[Luhan's POV]

8:30 na at kakagising ko lang, medyo napuyat kasi ako eh. Agad naman akong naghilamos at naligo. Nagbihis ako, at inayos ang pakpak ko. Naka black polo ako at gray pants.

Agad naman akong bumaba.

"Good morning, kamahalan." Bungad sakin ng mga maids.

"Good morning" Bati ko pabalik sabay lipad papunta sa kusina. Gutom na ako eh.

Pagdating ko naman sa kusina nandun yung chef.

"Ano pong gus--" bago pa sya matapos magsalita ay sumingit na agad ako. Sus, kabisado ko na yang tanong nya araw-araw hahaha.

"Chocolate cake and coffee.."

"Sige po, kamahalan" natatawa nyang sabi.

Pumunta naman ako sa garden. Andaming tao este fairy doon, kaya pumunta nalang akong library.

"Good Morning Prince!"

Parang pamilyar yung boses na yun ah? Lumingon ako, uh-oh!

"Y-Yoona?"

"Hi Prince!" masigla nyang bati sabay lapit sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Bakit, ayaw mo?" sabi nya sabay nag-sad face. Natawa nalang ako.

"Halika, samahan moko magbasa." Sabi nya sabay hila sakin. Hinanap namin yung librong gusto nya tapos umupo kami at nagbasa.

Pagtapos ng ilang minuto, lumapit sa'kin ang isa sa maids, "Kamahalan, handa na po ang inyong almusal.."

"Ano ba yan? Panira naman ng moment.." bulong ni Yoona sabay pout kaya natawa ako.

"Kain nalang muna tayo, dalhin mo na yang libro" sabi ko kaya tumango sya tapos pumunta na kami sa dining area at kumain.

-------------------

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now