Chapter 4 : River Of Wings

1K 50 6
                                    

[Taeyeon's POV]

Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan para sa royal family. Syempre, prinsesa ata ang kasama namin hehezz. Papunta kami sa River of Wings. Pero, yun man ang tawag, ang mga fairies na pumupunta doon ay tinatago ang pakpak.

Nung nakarating na kami ay andami na namang mga tao. Mukhang mga tao kasi nga nakatago ang mga pakpak namin, duhhh.

"Dun tayo bilis!" aya ko sabay hila sa kanilang dalawa papunta dun sa bench na nakalutang.

Umupo kami at nagharutan. At ang dalawang loko! Napagtripan na namang kilitiin ako.

"Wag nga!" pagpigil ko sakanila.

"KYAHHH!" 

Nagulat ako kasi parang hindi naman sahig yung nabagsakan ko.

"Aray.." Hala! Sino yung nagsalita?

Tumayo ako at, hala! Tao-- este fairy na nakatago ang pakpak pala yung nabagsakan ko.

"Hala sorry!" sabi ko at tinulungan syang tumayo.

Napatingala naman ako at nakita kong tawa nang tawa sila Fany at Sehun. Mga loko! Sila may kasalanan nito eh.

"Sorry talaga!" sabi ko ulit.

"Hindi, okay lang.." sabi naman nya tapos nagpagpag.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"I'm okay.." sabi nya at ngumiti. Hangkyut!

"Ahm.. Nabalian ka ba?" alala kong tanong. Baka kasi mamaya nainjure sya, mabigat pa naman ako.

"Hindi naman. Sige, mauuna na ko. Buti hindi ka bumagsak." sabi nya tapos nagbow at umalis na. Di ko man lang natanong yung pangalan.

Lumapit sa'kin sila Tiffany at Sehun.

"Hahaha! Epic Taeng!" tawang-tawang sabi ni Tiffany.

"Grabe kayo sa'kin. Tingnan nyo may nadamay pa!"

"Sorry naman. Malay ba naming may tao pala dun" sabi naman ni Sehun kaya inirapan ko sya.

"Kain tayo bili!" aya ni Tiffany sabay hila samin papunta sa restaurant. Pasalamat sila gutom na ako!

"Anong gusto nyo?" tanong ni Sehun.

"Uhmm.. Yung Sweet Leaf tea sakin atsaka yung floral donut." sabi ko.

"Yun nalang din sakin!" sabi naman ni Tiffany. Enebe, gaya-gaya! Hahaha. TaeNy is real eberibadeh.

"Oh, sige., magoorder muna ko." sabi ni Sehun at paalis na sana kaya kang biglang nagsalita si Ppanyang, "Se, lalabas lang muna kami. Tawagin mo nalang kami. Jan lang kami sa may river!" paalam ni Tiffany kaya tumango naman si Sehun.

"Sama ka?" tanong sa akin ni Ppani.

"Oo naman!" sabi ko kaya lumabas na kaming dalawa.

Nagulat naman ako kasi nandito kami pumunta sa may parang liblib na part ng river. Yung natatabunan ng mga puno at halaman, tapos parang iba yung atmosphere dito.

"Fany, bakit nandito tayo?" taka kong tanong.

"May ipapatry kasi ako sayo!" sabi nya at hinila ako sa may harap nung tubig.

"Anong meron?" taka ko pa ring tanong.

"Kasi, sabi nila.. Pwede mo daw malaman dito yung soulmate mo! Jan sa water oh!" sabi nya with matching alog pa.

"Ha? Pano naman?"

Bigla naman syang pumitas ng kumikinang na puting bulaklak dun sa may malaking puno. Daming knows.

"Ganito." sabi tapos hinulog yung bulaklak sa tubig.

"Ha?" taka kong tanong. Di ko gets eh, sarreh.

"Basta, kapag muka ang lumabas, ibig sabihin hindi mo pa sya nakikilala. Pero kapag pangalan, ibig nung sabihin, nagkita o nagkausap na kayo kahit isang beses at sandali lang." sabi nya.

"Talaga? Eh ikaw? Natry mo na?" tanong ko.

"Hindi pwede eh." sagot nya. Bakit naman hindi?

Meron pala syang alam na ganito eh! Loka talaga tong babaitang to.

"Royals. Royal family cannot try it. Kapag ako yung nagtry, magiging gold ang water. A sign of royalty, bawal ang mga royals.." sabi nya at nakapout. Ay! Sayang naman.

"Eh, pano mo nalaman to?" tanong ko. Alam na alam kasi nya eh jajaja.

"Dun sa libro na para sakin lang. Yung parang encyclopedia ng fairies."

"Cool! Sige, anong gagawin ko? Pano ko malalaman?" interesado kong tanong. Wala, gusto ko lang talagang malaman wahahaha. Malay nyo pogi pala.

"Basta, sabihin mo to.. 'Let me see who my soulmate is. The one I'm destined to. Nesoulmatetaeyeonkim' Kuha mo?" sabi nya kaya tumango ako tapos pumikit at sinabi yun. Pagtapos ay dumilat naman ako at biglang nagliwanag yung tubig at may lumabas na pangalan.

"Baekhyun Byun." pagbabasa ko sa nakasulat. Teka, di ko to kilala ah!

"Aha! Ibig sabihin nakilala mo na sya!"

"Ha? Eh wala naman akong kilalang ganyan yung pangalan eh!" sabi ko. Totoo naman eh! Sino kaya yun?

"Hmm. I think, gaya nga ng sabi ko kanina. Kahit sandali baka nakausap mo na sya. Maaaring di mo pa alam ang pangalan nya."

"Eh? Pano yan?" tanong ko ulit.

"Wala lang. Edi hanapin mo sya! Atlast alam mo na!"

"TaeNy! Nasan na ba kayo?"

Napalingon naman kami ni Tiffany. Hinahanap na kami ni Sehun. Tumakbo kami pabalik dun sa restaurant.

"Hoy! San ba kayo galing?" alalang tanong sa amin ni Sehun.

"Ah. Basta dun lang. Kain na tayo!" sabi ni Tiffany at nagsimula nang kumain kaya kumain na rin kami.

~~

[Baekhyun's POV]

Kasalukuyan akong nasa River of Wings ngayon, kasama ko si Luhan. Kanina nga may babaeng bumagsak sa'kin eh. She looked familiar tho.

"Nagugutom na ako!" reklamo ko.

"Kain ka dun oh!" sabi ni Luhan sabay turo dun sa restaurant.

"Ah sige. Bibili nalang ako ng isang Donut Leaf." sabi ko tapos pumasok dun sa restaurant.

Nagorder ako at umupo sa isang seat na malapit lang sa cashier. Nung dumating na yung order ko, syempre kumain na 'ko.

Bigla namang may tumayong maliit na babae at magccr ata. Napadaan sya sakin tapos ay huminto.

"Teka! Ikaw yung kanina diba? Sorry nga pala ulet. I'm Taeyeon Kim, you are?" sabi nya sabay lahad ng kamay. Ah, sya pala yun! Atsaka sya rin yung nakita ko sa mall nung isang araw.

"I'm B---" Naputol yung sinasabi ko kasi bigla tumunog yung fairy phone ko. Nagtext si Luhan.

From : Luhannie

-Baek, lumabas ka na ngayon din! May emergency sa kingdom! Kailangan na natin makauwi as soon as possible!

Nanlaki naman ang mata ko.

"Ah Taeyeon, nice to meet you! Pero kailangan ko nang umalis! Next time nalang ulit!" sabi ko at tumakbo agad palabas.

"Teka, anong pangalan mo?!" rinig kong sigaw nya pero di ko na sya nagawang lingunin, kasi mukhang importante talaga yung sinasabi ni Luhan eh.

"Kamahalan!"

"Let's go!" sabi kaya tumakbo na kami dun sa sasakyan.

--------------------

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now