Chapter 29 : Her Decision

603 38 6
                                    

[Tiffany's POV]

Kasalukuyan kaming naka-upo nila Yoona, Sehun, Kris, Jessica, Victoria at..... Luhan. Nandito kami sa pwestong malapit sa stage. Wala pa sila Taeyeon at Baekhyun, dahil syempre, newlywed kaya huli.

"Fany, ba't ayaw mong kumain?" tanong ni Yoona habang ngumunguya ng chocolate. Mamaya pa kasi pwede kumain ng mga ulam, etc. Ang nakaserve lang dito ay mga cocktail foods.

"Ah.. Wala lang." sagot ko at ngumiti ng kaunti.

"May gumugulo ba sa isip mo? Parang antahimik mo ata.." ani naman ni Sehun habang kumakain rin ng chocolate. Umiling nalang ako. Sa totoo lang, meron eh.. Merong gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.

Palihim kong ibinaling ang paningin ko sa kanila isa-isa, since round table ito, bale katabi ko si Victoria sa right, katabi nya si Kris, then si Luhan, then si Sehun, si Yoona, at si Jessica na katabi ko naman sa left.

"Excuse lang, ah?" sabi ko kaya tumango naman sila. Tumayo na ako at pumunta sa cr, tapos humarap sa salamin.

Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na si Luhan. Hindi ko talaga inaakalang magagalit sya sa akin ng ganun. Mahal nya pa kaya ako? O baka naman nagkunyare lang syang galit sa akin, pero ang totoo ay hindi na nya ako mahal. Hays! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gulong-gulo na ako. Siguro nga tama na yung naging desisyon ko. Siguro tama nga na pumayag ako.

I sighed tapos ay nagretouch nalang ng kaunti at bumalik na sa upuan namin.

"Fany-ah, malapit na raw dumating sila Taeng at Baek.." bulong ni Victoria kaya ngumiti naman ako at tumango na lang.

Kumain lang sila ng kumain, at nagkwentuhan ng nagkwentuhan, ako nakikinig lang, at minsan nakikitawa. Hanggang sa may lumapit sa amin. I think she's a coordinator.

"Lumabas po muna kayo. Nanjaan na pala po kasi ang newlyweds, kailangan po ay kasama rin kayo sa ipapakilala" sabi nya kaya tumango kaming pito. At sumunod sakanya palabas. Pinapila nya kami, pero gaya nga sa simbahan, sabay na naman daw kaming papasok ni Luhan. Ugh, bakit ba kasi ganito? Hindi naman ganito sa ibang kasal ah. Nananadya ba talaga ang tadhana?

Mga ilang minuto kaming nakapila hanggang sa dumating na daw talaga ang dalawang lovebirds.

"Nanjaan na po ang newlyweds, kaya papasok na po kayo." sabi ng coordinator kaya tumango kami. Hindi naman kami ang una eh, flower girls muna, tapos bearers, blahblahblah basta marami pa bago kami.

Bumukas na ang pinto at tinawag na isa-isa yung flower girls, kaya naglakad na sila habang sumasayaw, ang kucute nga eh hahaha. Nakaka-excite tuloy ang magiging anak nila Taeng at Baek.

"Ang cute nila. Nakaka-excite tuloy magka-anak.." sabi ni Sehun kaya binatukan naman sya ni Yoona. Hahahaha.

"Tumahimik ka jan ah.." sabay irap ni Yoona kaya nagtawanan naman kami.

"Uhh.. Jess, magkatabi daw tayo.." napalingon kaming lahat nung nagsalita si Kris. Kasalukuyan nyang hinihila si Jessica papunta sa tabi nya. Lamnadis~

"Ehem" pekeng ubo naming lima. Lumingon naman sa amin ang dalawa.

"What?" sabay pa nilang tanong. Ngumiti lang kaming lima at umiling.

Maya-maya ay tinawag na sila.

"Ladies and gentlemen, now we have the bridesmaids and the groomsmen!" sigaw ng mc.

"Ms. Yoona Im and Mr. Sehun Oh" banggit nya sa pangalan ng SeYoon kaya naglakad na papasok ang dalawa habang sumasayaw. Kailangan daw sumayaw eh, psh.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now