Epilogue

721 38 15
                                    

(3 years later)

[Third Person's POV]

Pagkamulat ng kanyang mga mata ay ang sinag ng araw ang agad na bumungad sa kanya.

Lumingin sya sa kanyang tabi ngunit nagulat nang makitang wala ang asawa. Agad syang napatayo.

"Luhan?" ang tawag nya sa pangalan ng asawa.

"Nasaan naman kaya nagpunta yun?" tanong ni Tiffany sa kanyang sarili.

Kung nasaan sya? Nasa beach, sa mundo ng mga tao. Nagbabakasyon kasama ang asawa nyang si Luhan at ang mga kaibigan nila. Kung saan sya nakahiga kanina? Sa buhangin.

"Baka nagpunta lang sa cottage.." sa isip nya. Kaya naglakad sya papunta sa cottage nila.

Ngunit nagulat sya dahil wala syang nakitang kahit isang tao.

"Hmm? Saan naman kaya nagpunta ang mga yun?" taka nyang tanong sa sarili.

Tiningnan nya ang mga banyo sa taas, sa baba, pati ang mga kwarto pero wala talagang tao.

"Luhan? Taeyeon? Victoria? Jessica? Yoona? Sehun? Kris? Baekhyun? Nichkhun?" isa-isa nyang tinawag ang mga pangalan nila ngunit eco lang ang naririnig nya.

"Saan naman kaya nagpunta ang mga yun? Ba't nila ako iniwan doon?" taka nyang tanong sa sarili.

Lumabas sya ulit ng cottage at naglakad-lakad. Halos wala syang makasalubong ng mga tao.

"Ano bang meron?" tanong nya sa sarili habang naglalakad-lakad parin.

Nawalan na sya ng pag-asa at babalik na sana, nang may mapansin sya.

"Rose petals?" naglakad sya palapit sa mga rose petals na nakita nya sa buhanginan. Napansin nya ring marami pa ito kaya naisipan nya itong sundan.

Habang palayo ng palayo ang lakad nya ay may nagsimulang kumanta. Napahinto sya nang marinig nya yun.

"There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night"

Mas binilisan pa nya ang lakad dahil sigurado syang boses ni Baekhyun ang narinig nya.

"There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night"

Napahinto naman sya nang may kumanta ulit.

"Taeng?" muli nyang binilisan ang lakad dahil alam nyang boses ni Taeyeon ang kumakanta.

"I just can't believe that you are mine now"

"Boses ni Kris at Jessica yun ah?" isip ni Tiffany.

"You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore"

Kasabay ng pagkanta ng sabay-sabay nila Baekhyun, Taeyeon, Kris at Jessica ay ang paghinto ni Tiffany sa paglalakad dahil dito sya dinala ng mga petals.

"Anong meron?" taka nyang tanong habang nakatingin sa apat na kumakanta sa bandang gilid.

"All those years I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you"

Napatingin naman si Tiffany sa kabilang gilid at napangiti nang makitang kumakanta si Sehun, habang kasama sila Yoona, Victoria at Nichkhun.

"Every night,
I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine"

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now