Chapter 3 : They met

1.3K 55 5
                                    

[Tiffany's POV]

Nakakaloka naman dito sa kwarto ko. Kanina pa kasi ako nakaburo dito, sobrang boring!

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Taengoo.

To: Taengoo <3

- Psst.. Bored ako, mall tayo sa mundo ng mga tao. Gamitin natin yung portal.

Yes, hindi kayo nagkakamali sa mga binasa nyo. Oo, may cellphone kami and other gadgets. As I said nakakapunta kami sa mundo ng mga tao by hiding our wings. At meron din kaming pera gaya ng mga tao. Dun kami pupunta sa mall ng mga tao, hindi sa mall ng mga light fairies. Halos pakpak lang ang pinagkaiba namin sa mga tao. Ayy, hindi, may kapangyarihan din pala kami, di gaya ng mga tao.

Di nagtagal ay nagreply si Taeng.

From: Taengoo <3

- Okayyy! I'm excited! Sama natin si Sehun? Ako na magtext, punta nalang kami dyan, now na.

To: Taengoo <3

- Okeeh. Antayin ko kayo, don't forget to bring money!

~~

[Sehun's POV]

Pinulot ko agad yung cellphone ko dahil may nagtext. Si Taeyeon.

From: Taengoo-liit

- Psst! Mall tayo sa mundo ng mga tao, kasama si Fany, don't forget to bring money! Punta ka dito para sabay tayong pumunta kay Fany.

Natawa naman ako. Syempre sasama ako, si Fany kasama eh. Oo, may gusto ako dun kahit bestfriend lang ang turing nya sa'kin. Sadlyf.

Nagbihis na agad ako at nagdala ng pera at cellphone.

Nang makarating ako sa bahay nila Taeyeon, nag-doorbell ako.

"Liit?" sigaw ko sa labas ng pinto nila. Hindi naman kami royal gaya nila Tiffany, pero may pagka-mayaman.

Maya-maya ay lumabas na sya.

"Maka-insulto ka naman.." sabi nya at nagpout.

"Wag ka ngang magpout, lalo kang pumapangit.." pang-aasar ko. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Joke lang, halika na nga." aya ko, tapos lumipad na kami papunta sa palasyo.

~~

[Tiffany's POV]

Nakabihis na ako at naka-handa na yung bag ko na may lamang pera at cellphone. Sila Taeyeon at Sehun nalang ang inaantay ko. Antagal naman nila. -3-

"Fany!" sigaw nilang dalawa. Andito na sila, sa wakas!

"Ang tagal nyo!" reklamo ko.

"Sorry Fany, halika na.." sabi ni Sehun sabay akbay sakin, walang malisya ah! Bestfriend ko yan mula pagkabata.

Nagpaalam muna kami kila ina tapos pumunta sa portal.

"Let's hide our wings.." sabi ko, at gaya nga ng sabi ko, sa isang iglap ay nawala na ang mga pakpak namim, tapos pumasok na kami sa portal.

About 2 minutes lang ang inabot at naka-labas na kami sa portal. Lumabas kami sa loob ng isang kwarto-- kwarto sa isang store na along the road lang. Alam nyo yung may mga "Authorized Personnel Only"? Ganun tong kwarto na 'to. Yung mga saleslady kasi dito at yung may-ari, fairies din. Tinatago lang din nila yung mga pakpak nila. Ordinary fairies sila, malayo sa kaharian namin ang kaharian nila, pero kilala na kami dito dahil palagi kaming dumadaan dito.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now