Chapter 28 : BaekYeon's Wedding

665 39 8
                                    

(Next Day)

[Third Person's POV]

Busy silang kahat sa araw na ito, because it's Taeyeon and Baekhyun's special day! Magiging Mrs. Byun na po si Taeyeon.

Kasalukuyang minamake-upan sila Taeyeon, Tiffany, Yoona, Victoria at Jessica. Yep, kasama na nila si Jessica. They became close to her yesterday. Si Tiffany ang kanyang maid-of-honor habang sila Yoona, Victoria at Jessica naman ay bridesmaids. Excited na excited na si Taeyeon.

Their motif is pink and turquoise.

"Miss Taeyeon, wag po kayong masyadong malikot."

"Miss Tiffany, yung hairstyle nyo po magugulo."

"Miss Yoona, wag nyo na po kamutin yung kilay nyo."

"Miss Victoria, ulitin po natin yung eyeshadow nyo."

"Miss Jessica, natanggal po yung designs sa pakpak nyo."

Nagkakagulo na dahil pare-parehas silang hindi mapakali dahil sa excitement.

"Taeng, sino ba yung best man?" tanong ni Tiffany kay Taeyeon. Tiffany's aware that the best man would be her partner.

"Sino pa ba? Edi si Luhan~" nanlaki ang mga mata ni Tiffany dahil sa sinabi ni Taeyeon.

"Ha? Eh d-diba.. sya yung makakapartner ko?" tanong nya.

"Yep! Ayaw mo nun?" tuwang-tuwang saad ni Taeyeon at tumawa pa ng mapang-asar kaya hindi tuloy sya mamake-upan ng maayos.

"Hays. Konting tiis nalang.. Makakapag-move on na ako. Konting tiis nalang makakalimot na ako.." isip ni Tiffany.

Kasalukuyan namang tapos na sila Baekhyun, Luhan, Sehun, at Kris. Dahil nga best of bestfriend nya si Luhan, ay si Luhan ang best man. Groomsmen naman sila Sehun at Kris. At kung si Taeyeon ay excited na excited, si Baekhyun naman ay kabadong-kabado.

"Huy Baek anong problema mo?" tanong ni Luhan sa nakatulalang si Baekhyun kaya nagising naman sa katotohanan si Baekhyun.

"Ha? W-wala, kinakabahan lang ako." sagot nito na halatang kabado.

"Sus! Wag kang kabahan." sabi ni Luhan at pinat ang balikat ni Baekhyun kaya tumango-tango naman si Baek.

"Ay nga pala Baek, sino bang maid-of-honor? Diba sya yung makakapartner ko?" tanong ni Luhan.

"Sino pa ba? Edi ang best friend ni Taengoo!" sagot ni Baekhyun.

"Ha? Sino?" inosenteng tanong ni Luhan, kahit sa totoo ay may ideya na sya kung sino.

"Si Tiffany." sagot ni Baek, habang may namumuong ngiti sa labi.

"Sya?" kunot-noong tanong ni Luhan kaya tumango naman si Baekhyun.

"Luhan naman, isang taon na ang nakalipas, galit ka pa rin sa kanya?" tanong ni Baekhyun na dahilan para maging cold ang aura ni Luhan.

"Baek, ang araw na ito ay espesyal para sa inyo ni Taeyeon. Wag na nating pag-usapan ang mga ganyan." cold na sabi ni Luhan kaya napabuntong-hininga na lamang si Baekhyun.

"Oy tara na daw! Pupunta na daw sa venue." sulpot ni Sehun kaya sumunod na ang dalawa at sumakay na silang apat na lalake sa sasakayan na dinadala ng mga kabayong may pakpak.

Hanggang sa nakarating na sila sa venue, which is a garden like place na kaharap ay dagat. A very beautiful view. Dito rin nga ang reception eh.

****

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now