Chapter 38 : Preparation

430 34 4
                                    

(Next Day)

[Tiffany's POV]

"Ppanyang?" napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Victoria lang pala. I faked a smile.

"O, ayos ka lang ba? Kasal mo na mamaya tapos parang hindi ka okay. Pilit pa yang ngiti mo. Masama ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ni Victoria pero umiling lang ako.

"Naguguluhan na ako Tori, gulong-gulo na ako. Pati ang sarili ko hindi ko na maintindihan. Kahapon, napagdesisyonan ko na talagang magpakasal dahil yun ang tama, pero ngayon parang ayoko na naman." malungkot kong saad, kaya niyakap naman nya ako.

"Insan, I'm so sorry for you. Wala akong magawa para matulungan ka. Wag kang magalala, I'm not just your maid-of-honor, not just your cousin, but also your best friend. Handa akong makinig sa lahat ng gusto mong sabihin. Ilabas mo sa akin ang lahat ng nararamdaman mong ikinikimkim mo." pagcocomfort nya habang hinahagod ang likod ko. Napangiti na lang ako tsaka humiwalay sa yakap.

"Salamat insan ah? Don't worry, I'm fine." nakangiti kong saad, she smiled back.

"Tara na nga pala. Aayusan na tayo, lalo ka na.." sabi nya, I sighed and nodded. Ito na yun, there's no turning back now.

Pumasok na kami sa nilaang silid kung saan kami aayusan. Nakahanda na lahat, ang mga makeup, pati mga staffs at photographer. At higit sa lahat, ang wedding gown ko.

"Nasaan nga pala sila Taeyeon?" tanong ko. Kaming dalawa palang kasi ang nandito.

"Papunta palang sila." sagot nya at lumapit sa wedding gown ko.

"Wow, ang ganda naman nito Ppanyang! Bagay sakin to, hahaha!" biro nya habang tumatawa kaya ngumiti naman ako.

"Ikaw nalang magsuot." pabiro kong saad.

"Hahaha! Joke lang naman insan. Syempre sayo yan. Na-eexcite na akong makita ka na suot-suot tong gown. Ang ganda-ganda mo pa naman! Ang swerte-swerte sayo nio Nichkhun.. Pero alam mo insan? Nalulungkot ako kasi makikita ko ang pinakamamahal kong pinsan na magpakasal, at doon pa sa lalakeng hindi naman nya mahal. Ang gusto ko kasi insan, sa araw na ikakasal ka, gusto ko yung ngiting-ngiti ka, yung excited na excited with matching kaba. Kasi gusto ko pag nakita kitang ikakasal, yung masaya ka talaga. Ang ineexpect ko kasi si Luhan na.." alam kong may balak pa syang dugtungan pero hininto na nya nang makita nya ang reaksyon ko. Napatungo kasi ako lalo na nung marinig ko ang pangalan ni Luhan.

"S-sorry insan.. I didn't meant to mention his name." paumanhin ni Victoria, pero umiling lang ako at ngumiti ng pilit.

"Insan, namimiss ko na sya.." out of the blue kong sabi habang nakangiti ng pilit at maluha-luha. Niyakap nya naman ako at hinagod ang likod ko.

"Insan sorry. Sorry talaga dahil wala akong nagawa para matulungan ka.." she comforted.

"Wala yun, Tori, ito ang bunga ng padalos-dalos kong desisyon dati kaya kailangan ko itong panindigan. Masakit man para sakin, ako rin naman ang may kasalanan." bumitaw ako sa yakap at nginitian si Victoria.

"Mahal na prinsesa, pwede na po ba namin kayong ayusan?" napalingon kami nang may nagsalita na isang staff, I think she's one of those staffs who're in charge of makeup.

"Uhm. Yeah" I smiled.

"Ikaw po ba yung maid-of-honor?" tanong naman ng isa pang staff kay Victoria kaya tumango naman ito.

"Please follow me.." sabi nung isang staff kay Victoria kaya sumunod naman si Victoria sa kanya at umupo na si Victoria para ayusan.

"Sundan nyo rin po ako, kamahalan" sabi nung staff na lumapit sakin kaya tumango ako at sumunod sakanya. Pinaupo nya ako.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now