Chapter 23 : Revelation

485 35 1
                                    

[Third Person's POV]

"LIGHT FAIRIES SILA!"

Dahan-dahan silang lumingon.. and with that ang unang napansin nila Tiffany, Taeyeon at Sehun ay ang pakpak nilang tatlo. Nangyare na nga ang pinaka-kinakatakutan nilang mangyare. Ang bumalik sa dating kulay ang mga pakpak nila. Hindi kasi kayang tumagal ng kapangyarihang inilagay ni Tiffany.

"Mga hangal! Hulihin sila!" sigaw ng hari kaya wala nang nagawa ang tatlo kundi sumunod nalang sa mga kawal na nanghila sa kanila palabas. Habang ang mga dark fairies, lalong-lalo na ang tatlong kaibigan nilang tatlo ay hindi pa rin makapaniwala sa nakita nila. Hindi nila inaasahang nilinlang lang sila ng tatlo sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan nila. Pero, oo, tatlo lang, dahil alam na ito ni Kris, diba? Hindi nya lang talaga inaasahan na of all times, ngayon pa nangyari.

"N-Niloko nila tayo.." mahinang usal ni Luhan habang nakayukom ang palad.

"I should've expected this.." mahinang usal rin ni Baekhyun.

"W-Why?.. When?.. H-How?.. P-paanong.." hindi parin makapaniwala si Yoona.

"They helped us. Wag kayong magalit sakanila.." ani ni Kris kaya napatingin naman sakanya ang tatlo.

"You knew?" hindi makapaniwalang tanong ni Luhan. Tumango naman si Kris.

"Oo, Luhan.. Nalaman ko yun nung time na nakita mo kaming dalawa ni Tiffany sa kweba. At, hindi lang bastang light fairy si Tiffany, isa syang prinsesa.." sabi ni Kris habang nakatingin kila Tiffany na palayo na ng palayo.

"B-Bakit mo.. argh!" galit na galit ngayon si Luhan. Galit na galit sya dahil naloko sya, dahil niloko sya, dahil hindi man lang nya naisip na posible yun, at lalong-lalo na dahil kalaban pala ang taong mahal nya. Kahit kay Tiffany galit sya, galit sya dahil pati sya ay nagawang lokohin nito.

"Aray! Bitawan nyo ako!" sigaw ni Tiffany sa mga kawal na kumakaladkad sa kanila palayo.

"Bitawan nyo silang dalawa kung ayaw nyong masaktan!" sigaw rin ni Sehun.

Nang medyo malayo na sila sa venue ay biglaan silang binitawan ng mga kawal na dahilan para bumagsak silang tatlo sa sahig.

"Umalis na kayo! At wag na wag nyo nang susubukang bumalik pa, dahil kapag bumalik pa kayo, hindi na kaya makaka-alis ng buhay.." pananakot ng isa at umalis na silang mga kawal.

"A-Ano nang gagawin nating tatlo?" alalang tanong ni Taeyeon.

"S-Sorry.. Sorry talaga, hindi ko naman alam na hindi pala magtatagal yung ginawa kong kapangyarihan.." paumanhin ni Tiffany habang pinipigilang mapaiyak.

"Shhhh. Wala kang kasalanan Tiffany. Wag na tayong tatlong magsisihan, ang kailangan nating pag-isipan ay kung anong gagawin nating tatlo." saad naman ni Sehun.

"Prinsesa Tiffany? Taeyeon? Sehun?" napalingon silang tatlo nang may tumawag sa kanila.

"Irene?" sabay-sabay nilang tatlong tanong sa light fairy na nasa harap nila ngayon. Si Irene ay isa sa mga light fairies na labis na pinagkakatiwalaan ng hari at reyna ng light kingdom. Isa rin sya sa mga pinadala upang hanapin ang prinsesang si Tiffany at ang dalawa nitong mga kaibigan na sila Taeyeon at Sehun.

"Kayo nga.. Paano po kayo napunta dito?" tanong ni Irene at mas lalong lumapit sa tatlo.

"Mahabang kwento, Irene.. Eh ikaw, paano ka napunta dito?" tanong naman ni Tiffany.

"Pinapahanap na po kayo ng hari at reyna. Kailangan nyo na pong bumalik." aniya.

"Hindi pa kami pwedeng bumalik.." sabi ni Tiffany na ikinagulat naman ni Irene.

"Bakit po mahal na prinsesa?" tanong nya.

"Hindi pa tapos ang-- teka, hindi ba't isang evil fairy yun?" nahagip ng mata ni Tiffany ang isang kakaibang fairy na nagmamatyag sa labas ng venue. At sigurado syang isa yung evil fairy.

"Oo nga no? Pero hindi ba't napatay na natin ang lahat ng evil fairies?" sabi naman ni Taeyeon.

"Tatawagin ko na po sila.." ani ni Irene at lumipad pabalik sa pinanggalingan nya kanina.

"Hindi natin to pwedeng hayaan.." sabi ni Tiffany at lumipad pabalik sa venue.

"Tiffany!" tawag nila Taeyeon at Sehun. Gusto sana nilang pigilan si Irene pero mas pinili nilang puntahan si Tiffany.

"Tiffany, wag na, delikado." nang maabutan nila si Tiffany ay hinawakan nila ito sa braso na dahilan para mapatigil sya.

"Ganyan rin naman dati, diba? Anong gusto nyo? Wala na lang tayong gagawin?" sabi ni Tiffany na dahilan para mapa-buntong hininga ang dalawa. Binitawan nila si Tiffany at sumabay na rin sila kay Tiffany papunta sa venue.

Nagtago sila sa gilid ng venue na sapat lang para makita nila ang nga nangyayare sa loob dahil sa malalaking glass windows.

"Wag na po nating alalahanin ang nangyare kanina. Bumalik na po tayo sa party." ani ng hari kaya nagsibalikan na si ginagawa ang mag dark fairies sa loob ng venue.

Napansin ni Tiffany, Taeyeon at Sehun na pumasok ng palihim ang evil fairy at nagtago ito.

"Teka, hindi ba't yan yung pinuno ng mga evil fairies?" bulong ni Sehun.

"Oo nga no.." pagsang-ayon naman ng dalawa.

Nakatago pa rin ang evil fairy sa likod ng malaking statwa sa loob ng venue, at nagpakawala ng malakas na enerhiya na dahilan para manigas ang lahat ng nasa loob ng venue.

"A-anong nangyare?" ani ng hari at sinubukang makagalaw pero hindi nya magawa.

"Kagagawan siguro to ng tatlong light fairies na iyun!" bintang naman ng isang kawal.

Biglang lumabas ang evil fairy na ikinagulat naman ng lahat.

"Ano? Nagulat kayo no?! HAHAHAHA! Akala nyo siguro ay nagtagumpay na kayo. Puwes, nagkakamali kayo!" ani nya at handa nang magpalakawala ng isang malakas at malaking enerhiya. Pero agad na pumasok sila Tiffany, Taeyeon at Sehun, agad na humarang si Tiffany, kaya eksakto pagkawala ng evil fairy ng enerhiya ay sakanya ito tumama. Nagulat ang lahat sa nakita nila.

"TIFFANY!" alalang tawag nila Taeyeon, Sehun at Kris.

----------------

A/N: Medyo maigsi kasi pinutol ko eh. Kasi baka umabot ng 3,000 words kapag tinuloy ko pa dito, kaya sa next chapter na yung mahaba hahaha.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now