Chapter 32 : Wallpaper

663 46 8
                                    

[Tiffany's POV]

"Nichkhun, sige mauuna na kami.." paalam ko at ngumiti.

"Sige, ingat kayo" ngumiti rin sya.

"Tara na.." aya ko sa kanila at tumango naman sila. Nagpaalam na rin sila kay Nichkhun.

"Ay teka, may naiwan ako eh, sumakay na kayo, basta wag nyo lang akong iwan" sabi ko at mabilis na lumipad pabalik sa lugar kung nasaan kami kanina.

"Oh Tiffany, bakit? May problema ba?" tanong ni Nichkhun.

"May naiwan kasi ako eh.." sabi ko.

"Ahh ito ba?" tanong nya at inangat ang isang pouch tsaka isang cellphone. Akin yung pouch, pero hindi akin yung cellphone.

"Ahh eto lang yung akin" sabi ko at kinuha yung pouch.

"Ehh kanino tong cellphone? Baka sa mga kaibigan mo." sabi pa nya. Kanino kaya yan?

"Ah sige itatanong ko na lang kung sa kanila nga, tapos ibabalik ko na lang kapag hindi" sabi ko at ngumiti tapos kinuha yung cellphone.

Lumipad na ako pabalik pero huminto rin ako at naglakad na lang nung bigla akong nacurios sa cellphone. Sigurado akong hindi to kila Victoria, Yoona o Jessica, mukha kasing lalake ang may-ari. Baka kay Sehun? Di rin, kilalang-kilala ko ang cellphone nun eh. Baka kay Kris? Kaso di rin, nakita ko na cellphone nun eh. Hindi kaya, kay Luhan?

Inopen ko pero may pattern lock. Ay kay Luhan nga, picture nya yung lock screen eh. Ang gwapo nya. Hays.

Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin dahil hinulaan ko yung pattern lock. At first try, mali. Hinulaan ko ulit pero mali pa rin. Then, hinulaan ko ulit, this time tama na. Wow ang dali lang palang hul--

Oh my gosh. Namamalikmata ba ako? Ang wallpaper nya..

"That's mine.." nagulat ako nung biglang may umagaw ng cellphone. Pagtingala ko ay si Luhan. Lagot.

"Ahh n-naiwan mo ata doon. Ibabalik ko sana.." sabi ko. Uhh, ba't parang naiiyak na naman ako..

"Naiwan ko nga. Salamat." sabi nya at tumalikod tapos nauna nang maglakad. Samantalang ako nakatulala.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman siguro ako namamalikmata. Picture ko yung wallpaper nya.

**

"Hoy Tiffany! Ano ba yan? Kanina ka pa nakatulala jan ah" sabi ni Kris habang nakahilata sa kama ko. Kaming dalawa lang dito sa kwarto ko. Kanina pa sya nagkekwento pero wala rin naman akong naintindihan dahil kanina pa lumilipad ang isip ko. Hindi pa rin ako makaget-over sa nakita ko sa cellphone ni Luhan.

"Magkwento ka naman! Ano bang nangyare at bigla kang nagkaganyan? Bigla mo bang narealize na ayaw mo nang magpakasal kasi mahal mo talaga si Luhan? O baka naman nainlove ka na sa fiancé mo? O kaya--" bago pa man nya madagdagan ang mga sinasabi nya ay binato ko na sya ng throw pillow na sumakto pa sa mukha nya.

"Aray naman Ppanyang ah! Sa gwapo ko pang mukha talaga?" reklamo nya sabay irap.

"Ang OA mo kasi.. sige na, ikekwento ko na yung nangyare.." sabi ko. Umupo naman sya ng maayos.

"Kanina kasi, diba bumalik ako kasi may naiwan ako? Binigay sa akin ni Nichkhun yung pouch ko, pero meron ding cellphone. Sabi nya may naka-iwan daw. Kinuha ko nalang din para itanong kung kanino. Nung binuksan ko, may pattern lock, pero si Luhan ang lock screen kaya sigurado akong sa kanya yun. Sinubukan kong hulaan, hindi ko alam kung paano ko yun nahulaan, pero eksakto dumating si Luhan at kinuha ang cellphone.." kwento ko. Pero nakakunot lang ang noo ni Kris at parang hindi nasatisfy.

"Yun ang dahilan kung bakit ka natulala? Anong--"

"Pero kahit nakuha nya agad ang cellphone, nakita ko ang wallpaper. Sigurado akong ako yung wallpaper nya.." napanganga naman si Kris sa idinugtong ko.

"What the heck" gulat na gulat ang mukha nya na akala mo nakakita ng multo.

"Kahit ako hindi makapaniwala.. hindi ko alam kung anong gagawin ko" humilata ako at tumaob.

"Hay nako. Parehas lang kasi kayong dalawa, napakagulo, tsk. Pa-cr, ah?" sabi nya at dire-diretsong nagtungo sa cr. Bahala nga sya.

*vibrate*

Napabangon naman ako nung biglang may nagvibrate. Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa mini table, pero wala naman. Hindi ata akin yun. Hinanap ko sa kama at nakita ko ang cellphone ni Kris. Sa kanya pala. May nagtext.

Hindi ko na sana papansinin kaso wala palang lock tong cellphone kaya tiningnan ko na kung sinong nagtext.

From: Jessicachu :*

-Slr. Hindi ako pwede mamaya eh. Bukas na lang?

Huh? Aba, I smell something fishy. Back-read back-read.

To: Jessicachu :*

-Pwede ka mamaya? Kain tayo :*

Hay nako. Pasaway. Habang ako broken-hearted, may lovelife na pala ang dalawa.

"Hoy! Hoy! Hoy!" hinablot nya sakin ang cellphone nya pero binigyan ko lang sya ng ngisi.

"Bakit nagbabasa ka ng messages ko?!"

"Aba! Kasalanan ko bang walang lock yan?" nginisian ko pa sya lalo.

"Kailan pa naging kayo?" nakangisi ko pa ring tanong.

"H-hindi kami ah.." pagtanggi nya.

"Hmm.. Nililigawan mo?" tanong ko. Halata namang nagdadalawang isip sya pero tumango sya.

"Hay nako" pailing-iling akong naglakad palabas ng kwarto ko.

"Hoy san ka pupunta?" tanong nya.

"Magpapahangin.." simple kong sagot at lumipad na palabas, papunta sa garden.

Umupo ako sa swing at dinama ang ihip ng hangin. Pakiramdam ko mababaliw na ako. May epekto kasi sakin yung nangyayare kila Kris at Jessica. Naiinggit ako. Hindi kay Kris, hindi kay Jessica, kundi sa kanilang dalawa-- hindi pala, sa kanilang lahat. Halos ako na lang kasi ang walang love life. Hindi ko naman kasi mahal ang fiancé ko. Hays.

*vibrate*

Kinuha ko ang cellphone ko nung biglang may tumatawag.

Taengoo <3 is calling..

"Taengooooo~"

["Fany!~ Namiss ko boses mo ah. Kamusta na?"]

"Sus! Okay lang ano ba! Eh ikaw? Kayo ni Baekhyun? Hindi pa ba kayo uuwi?"

["Okay lang din! Sa isang araw na kami uuwi"]

"Malapit na pala! Bakit ka nga pala napatawag?"

["Ahh wala naman. Nangangamusta lang. So ano? Nagkita na kayo ng fiancé mo?"]

"Oo, kanina.."

["Mabait ba? Gwapo?"]

"Oo, mabait at gwapo"

["Oyy. Swerte mo naman pala"]

"Hahaha"

["Ay Fany-ah, sige bye na muna. May pupuntahan kami ni Baek eh. Sige babush! Muwah~"]

"Sige, bye. Ingat kayo"

Call ended

Uhhh lonely!

--------------------

A/N: Isang walang kwentang update na naman. Sorry~ Babawi na lang ako sa susunod na chaps.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now