Prologue

4.5K 90 6
                                    

Prologue (Revised: 11/02/16)

Ang Dark Fairies at Light Fairies ay magkaaway na simula noon pa. Marami naring mga digmaan na nagaganap.

Dahil ito sa isang araw. Noong unang panahon, pinakamatalik na magkaibigan ang mga Dark at Light Fairies. Walang gulo, walang away.

Ngunit isang araw, pagsilang ng reyna ng Dark Fairies sa kanyang unang anak ay may pumatay rito. Nakita ng isang alipin ang pagpatay sa sanggol, at isang Light Fairy ang gumawa nito.

Pero ang totoo, ang Fairy na pumatay sa anak ng reyna ay hindi isang Dark Fairy o Light Fairy, kundi isang Evil Fairy. Nais nitong pag-awayin ang mga Dark at Light fairies kaya sya ay nagpanggap na isang Light Fairy at pinatay nya ang sanggol.

Galit na galit ang reyna ng malaman nya at sinugod nya ang mga Light Fairies. Itinanggi naman ito ng mga Light Fairies, at dahil doon, ang unang digmaan sa pagitan ng Light at Dark fairies ay naganap. Isang away ang hindi na muling naayos pa.

Ngunit nang makalipas ang maraming taon, nagsilang ng isang prinsesa ang kasalukuyang reyna ng Light Kingdom at nagsilang naman ng isang prinsipe ang kasalukuyang reyna ng Dark Kingdom.

Si Tiffany ay ang prinsesa ng Light Kingdom na lumaking masayahin at puno ng pagmamahal, at si Luhan naman ang prinsipe ng Dark Kingdom na lumaking matapang at mabait.

Paano kung hindi inaasahang magtagpo ang landas nilang dalawa? Nang walang kaalam-alam sa plano ng tadhana sa kanilang dalawa.

Paano kung mahalin nila ang isa't-isa?

Magiging dahilan ba ang pagmamahalan nila upang muling magkaayos ang dalawang kaharian? O magiging dahilan ba ang away sa pagitan ng kanilang kanya-kanyang kaharian upang matapos ang kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa?

Paano kung may magpanggap at magsinungaling ng hindi sinasadya?

Mapapatawad ba sya ng taong kanyang minamahal? O magiging dahilan ba ito para tuluyan nang maglaho ang pagmamahalan nilang dalawa?

When two different fairies from two different kingdoms, meet. Will they be able to prove how unstoppable love is?

-----------------

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now