Chapter 34 : Where is he?

493 39 6
                                    

[Tiffany's POV]

*knock*knock*knock*

Nagising ako ng dahil sa mga katok. Napadilat ako. Nandito parin pala ako sa van. Teka.. asan si Luhan?

"Ppanyang!" napalingon naman ako sa bintana, andon na yung mga kasama ko, kumakatok. Andito na rin sila Taeng at Baek. Pero nasaan si Luhan? Gusto ko agad syang makita. 

Napatingin ako sa gilid ko, andito yung susi ng van at may heart shaped na paper. Nasaan na ba talaga si Luhan?

Binuksan ko ang pinto.

"Ppanyang! Ba't naman jan ka natulog? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?" niyakap agad ako ni Taeng.

"Namiss kita Tippany!" sabi nya. Ngumiti lang ako.

"Namiss din kita." tapos humiwalay na kami sa yakap.

Tumingin ulit ako sa paligid, pero wala talaga si Luhan.

"Nasaan si Luhan?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila bigla.

"Hindi mo ba alam kung nasaan? Ang sabi nitong si Nichkhun, iniwan nya lang daw kayong dalawa para magcr, tapos pagbalik nya wala na daw kayo." sabi ni Victoria. No! Saan nagpunta si Luhan?!

"K-kasama ko sya kanina. Nakatulog ako dito. Paggising ko wala na sya." sabi ko.

"Ano bang nangyare Ppanyang?" tanong ni Yoona pero umiling lang ako. Alalang-alala na ako. Sabi ko wag nya akong iiwan, pero bakit wala sya?

Kinuha ko ulit yung paper heart. May nakasulat pala.

I love you so much... sorry

-LH

No. no. no! Saan nagpunta yun? Akala ko okay na kami. Okay na kami eh! Pero anong nangyayare ngayon?

"Tiffany okay ka lang ba?" tanong nila, pero umiling ako. Hindi ako magiging okay hangga't di ko nakikita si Luhan. Bakit nya naman ako iiwan?

**

(1 month later)

Isang buwan na ang nakakalipas mula nung bumalik sila Taeng at Baek, at mula nung magkaayos kami ni Luhan, pero mula nun, hindi na namin sya nakita pa. Hindi na umuwi si Luhan. Wala kaming ka-alam-alam kung nasaan sya at kung bakit sya umalis. Pero ito ako, araw-araw paring umaasa na babalik agad sya. Araw-araw ko syang namimiss. Kasi saan naman sya pupunta diba? Bakit nya naman ako iiwan? Atsaka itong paper heart na hawak ko, bigay nya to eh. Pero bakit? Bakit may 'sorry'? 

"Anak.." napalingon ako at nakita ko si ina na pumasok sa kwarto ko.

"Ina.. wala pa po bang update tungkol kay Luhan?" tanong ko.

"Wala pa anak, hinahanap pa rin sya." sagot ni ina kaya napasimangot ako. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na sya bumalik.

"Anak, nasa baba si Nichkhun. Punt--" hindi ko na pinatapos si ina sa sinasabi nya.

"Ina, ayoko na. Ayoko na pong magpakasal. Si Luhan ang gusto ko" sabi ko.

"Anak naman, nakipagkasundo ka na eh. Pero anak, paano kung hindi na bumalik si Luhan?" sabi ni ina. Iniisip ko palang, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang wala si Luhan. Parang mas pipiliin ko pa yung galit sya sakin, at least alam  kong ligtas sya at nakikita ko parin sya, kaysa naman yung ganito.

"Ina naman, babalik si Luhan. Babalik sya" niyakap ko si ina at umiyak. Hindi ko alam kung ligtas ba sya, kung masaya ba sya, kung nakakakain ba sya, o kung buhay pa ba sya. Bakit naman ganon? Kaka-ayos palang namin ni Luhan, nawalay na agad kami sa isa't-isa.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now