Chapter 19 : Accidentally

610 39 17
                                    

[Sehun's POV]

Hmmm... Matutulog na lang ako ulit. Bwiset eh, sarap ng tulog ko pero nagising ako. At sa sobrang antok ko ay di ko maidilat ang mga mata ko kaya babalik na lang ako sa tulog.

Nagulat ako nang niyakap ako ng katabi ko sa kanan, kaya yumakap nalang ako pabalik.

Pero teka-- SI LUHAN ANG KATABI KO AH!

Sabay kaming napadilat at hindi pala si Luhan.

"AHHHHH!" sabay naming hiyaw at diring-diring lumayo sa isa't-isa. Napatingin rin kami sa mga natutulog na sila Kris, Taeyeon at Baekhyun. At aba, parang hindi sila naapektuhan ng sigaw namin ah. Atsaka, asan sila Tiffany at Luhan?

"Bakit mo ako niyakap?!" inis na inis kong tanong kay Yoona.

"Eh ano ba kasing ginagawa mo jan?! Diba si Luhan ang nanjan?!"

"Aba! Ewan ko ba kung saan yun nagpunta!" inis kong sagot.

"Eh bakit ba yumakap ka rin?!" sigaw nya. Ang lakas ah!

Agad kong tinakpan ang bunganga nyang maingay at hinila palabas ng kweba.

[Yoona's POV]

Yuck! Kadiri! Kadiri talaga! Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa bibig ko habang hila-hila nya ako. Pero malakas sya kaya di ko matanggal.

Nang makarating kami sa labas ng kweba ay tinanggal nya na ang kamay nya sa bibig ko.

"Yan, dito na tayo magusap. Dito na tayo magsigawan. Ang ingay-ingay natin doon eh, baka magising pa natin sila." sabi nya kaya inirapan ko lang sya.

Saan ba kasi nagpunta sila Fany at Luhan? Kung di lang sana umalis yung mga yun, edi hindi sana nangyayari samin to ngayon ng panget na Sehun na to.

"Bakit ba kasi yumakap ka rin?!" pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at umirap.

"Eh kasi nga gusto kong matulog! Malay ko ba kung sino yung yumakap sakin!" sagot nya.

Hay nako. Imbis na inaantok pa ako, nawala tuloy lahat ng antok sa buong katawan ko.

"Hays! Saan ba kasi nagpunta ang dalawang yun?!" sabay pa naming sabi kaya sandali kaming nagkatinginan pero sabay ring nag-irapan.

"Teka, lumayo ka nga sakin!" inis kong sabi dahil magkadikit na kaming dalawa.

At eksakto paglingon ko ay--

Nagdikit ang mga labi namin. O to the M to the G!

Bigla nyang hinawakan ang magkabilang gilid ng pisngi ko habang ako naman ay napahawak sa batok nya.

"WHAT THE--"

Sabay kaming napahiwalay ni Sehun.

[Kris' POV]

"Bakit ba kasi yumakap ka rin?!" Hays jusko. Sino ba yung maingay na yun? Minsan na nga lang mapasarap ang tulog ko eh.

"Eh kasi nga gusto kong matulog! Malay ko ba kung sino yung yumakap sakin!" hays! Di ko na to kaya!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang paningin ko. Tatlo na lang pala kami dito. Nasaan na sila Tiffany, Luhan, Yoona at Sehun?

"Hays! Saan ba kasi nagpunta ang dalawang yun?!" sino ba yung kanina pa nagsisigawan na yun? Galing sa labas eh.

"Teka, lumayo ka nga sakin!" dahan-dahan akong naglakad palabas.

At nung nakalabas na ako ay napanganga ako.

"WHAT THE--" grabe! Spg!

Napahinto silang dalawa sa paghahalikan.

"Ahh.. ano.. Inaantok na ako eh.. matutulog na ako! Bye!" ngumiti ng pilit si Yoona at agad na tumakbo papasok sa loob ng kweba.

Tumingin naman ako kay Sehun at mukhang hindi pa sya nakakarecover mula sa nangyare dahil nakahawak pa sya sa labi nya.

Nang mapansin nya namang nakatingin ako sa kanya ay tinanggal nya ang kamay nya sa labi nya at umubo ng peke.

"Uhmm.. Ako rin, matutulog na ako. Matulog ka na rin mamaya ah!" sabi nya at pumasok na sa kweba.

Napa-iling-iling na lang ako. Itong dalawang to, magka-away pa kunyare, may tinatago rin pala.

Ang tanga ko kasi! Bakit ba kasi nagsalita pa ako. Di tuloy nila natuloy, pfft.

"Oh, Kris, ba't gising ka?" napalingon ako sa nagsalita. Si Tiffany pala. Magkasama sila ni Luhan. Saan naman kaya nanggaling ang dalawang to?

"Ahh.. Wala naman. San kayo nanggaling?" tanong ko.

"Naglakad-lakad lang. Para dalawin ng antok." sagot ni Tiffany at ngumiti.

"Pasok na tayo?" aya ko at tumango naman silang dalawa.

[Yoona's POV]

Umupo ako sa pwesto ko habang naka-hawak sa labi ko.

I just can't believe na nagkiss kami ni Sehun! Omo! First kiss ko pa naman yun. At ang masaklap, ay nakita pa ni Kris. Baka mamaya kung ano pang isipin nun, eh aksidente lang naman.

Paulit-ulit pa rin yung nagfaflashback sa akin at kasabay rin nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Huhuhu! Bakit ganito?

Maya-maya ay pumasok na rin si Sehun at umupo rin sa pwesto nya, na halos katabi ko lang kaya umiwas ako ng tingin.

"Ah Yoona, sorry.. aksidente lang yun.." sabi nya kaya tumango lang ako. Marunong rin pala magsorry ang pangit na to?

Maya-maya ay dumating na si Kris ag kasama nya na sila Luhan at Tiffany. Pansin ko pang nakatingin ng mapang-asar sa amin si Kris kaya umiwas lang ako ng tingin.

"Oh, Yoona, Sehun, gising rin pala kayo?" bungad ni Luhan kaya nginitian ko lang sya.

"Ahh Fany-ah, saan kayo nanggaling?" tanong ko.

"Naglakad-lakad lang. So pano yan, tulog na ulit tayo? Tingnan nyo yung BaekYeon oh, ang layo na ng narating! Hahaha!" sabi ni Tiffany at tumawa pa kaya tumango lang kami.

--------------------

A/N: Medyo short din huhu sarreh.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now