Chapter 36 : His side

493 45 5
                                    

(Next Day)

[Kris's POV]

Pagkababa ni Ppanyang ng telepono kagabi, bigla kong naalala lahat ng alam ko. Nakaka-gulity dahil kinailangan ko munang magsinungaling sakanya, pero kailangan.

[Flashback; 2 Days after Luhan left]

*riiingggg*

Kinuha ko yung cellphone ko nang bigla itong magring, at nagulat ako sa nakita ko sa screen.

Luhan is calling..

Finally! Ilang beses namin syang sinubukang contact-in pero nakapatay ang cellphone nya. Agad kong sinagot.

"Luhan! Hoy nasaan ka?! Alam mo bang nag-aalala kaming lahat?!"

["Hahaha! Chill lang pre"]

"Chill? Anong chill?! Gusto mo bang makatikim ng sapak. Nasaan ka? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

["Sorry. Calm down, first. Ikekwento ko ang lahat, pero pwede ka bang mangako na wala kang kahit sinong pagsasabihan? Mangako ka na ikaw lang ang makaka-alam kung nasaan ako, at kung bakit. Ikaw ang napili kong sabihan kasi alam kong mapagkakatiwalaan kita. Pero sana maipangako mo rin na ikaw lang ang makaka-alam na nakausap mo ako."]

"Ha? Bakit naman Lu? Alam mo bang alalang-alala na sayo ang lahat? Lalo na si Tiffany! Halos mabaliw na yun."

["Ganun ba? Kamusta na ba si Tiffany? Hinahanap nya ba ako?"]

"Oo. Ipaliwanag mo nga sakin!"

["Oo, ipapaliwanag ko. Mangako ka muna."]

"Hays. Oo, pangako."

["Sige. Wala naman talaga akong balak na umalis, pero naisip ko na mas mabuti na nga. Nung araw na umalis ako, iniwan nyo kaming dalawa sa pinwestuhan natin. Umiyak sya, sinabi nya sakin lahat ng nararamdaman nya. Hindi ko na kinaya, hindi ko na sya natiis. Kasi matagal na namang nawala ang galit ko sakanya eh. Naalala mo nung nalaman kong magpapakasal na pala sya? Hindi na ako galit nun, makikipagbati na dapat ako, kaso nalaman ko nga yun. Kaya naisip ko na magkunwari nalang na galit ako sakanya. Napili kong ganun nalang para hindi na sya mahirapan. Kaso nangyari nga yun, at hindi ko kinayang makita syang nasasaktan at umiiyak lalo na kung dahil sakin. Dinala ko sya nun sa parking lot, sa van natin, para makapag-usap kaming dalawa. Hindi ko na kinaya, hindi ko na kinayang magpanggap. Naisip ko sana na magagawan naman namin ng paraan para mahinto yung kasal, kaso ayokong maging selfish. Kaya ang ginawa ko nalang, pinaramadam ko sa kanya na mahal ko sya, tapos pinatulog ko sya, at doon na ako umalis. Yun ang dahilan kung bakit ako umalis, dahil yun ang mas nakakabuti.."] muntik na akong mapanganga sa paliwanag nya, sabi ko na nga ba at may mabuti syang dahilan.

"Wow. Pero Luhan, hindi mo ba alam na sa ginagawa mong yan, lalo lang masasaktan si Ppanyang?"

["Alam ko. Pero alam ko ring kaya nya yun. Mas mahihirapan sya kung hindi ako umalis. Dahil maiipit sya sa sitwasyon."]

"May point ka. Grabe, hanga ako sayo Luhan. Nagpaka-mature ka. Kailan mo ba balak bumalik?"

["Hays. Hindi ko rin alam eh."]

"Pero, Luhan, sa tingin ko hindi mo pa rin dapat isuko ang pagmamahalan nyo"

["Hindi ko alam. Pagiisipan ko pa"]

"Sige, susuportahan kita kung ano mang maging desisyon mo"

["Sige, bye na muna Kris ah? Nga pala, magpapalit ako ng number. Para hindi na nila ako macontact. Tatawagan nalang kita sa bago kong number."]

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon