Chapter 33 : His Feelings

585 44 9
                                    

(2 days later)

[Taeyeon's POV]

"BAEKKKKK!" sigaw ko. Antagal-tagal kasi nitong si Baekhyun sa banyo. Nakakainis, ako kanina pa bihis, sya naliligo pa lang.

"Wait lang Taeng, malapit na akong matapos" sigaw nya pabalik. Uhhh. Alam nyo ba kung ilang beses nya nang sinagot yan bawat sigaw ko? Hay nako.

Maya-maya, ay sa wakas after 12345678910 years, tapos na sya.

"Antagal mo naman Baek!" reklamo ko sabay irap.

"Sorry na po, ASAWA KO" binack hug nya pa ako kaya wala rin, nawala rin agad yung inis ko.

"Hay nako. Sige na nga, magbihis ka na po.." sabi ko at tinanggal yung pagkakayakap nya tapos ay hinalikan ko sya sa pisngi.

"Yieee. Kilig naman ako" sabi nya na parang kinikilig talaga. Tapos kumuha na sya ng susuoting damit.

"Nga pala Baek, sa mall na lang daw tayo magkita. Baka nga papunta na si--" napahinto ako sa pagsasalita nung lumingon ako sakanya. Parang nag-init yung muka ko.

"Huy Baek! D-dun ka nga sa b-banyo magb-bihis.." ani ko. Dito kasi nagbihis sa harap ko.

"Sus. Pabebe ka pa. Nakita mo naman na to. Natikman pa!" nakangisi nyang sabi kaya agad ko syang binato ng unan. Bwiset to. Pero sa bagay tama naman sya, ahihihi.

**

[Tiffany's POV]

"Nasaan na ba sila Taeng?" inip na inip na tanong ni Jessica.

"Nako, nako, matatagalan pa yung dalawang yun. Sabi naman kasi sainyo mamaya na tayo pumunta dito sa mall eh." sabi naman ni Yoona habang nagsecellphone.

Nga pala, nandito kami sa mundo ng mga tao, as usual, pag dito, syempre wingless hahaha. Dito namin aantayin sila Taeng at Baek, galing sa honeymoon nila hahaha. Actually, ako ang namilit sa kanila na magpunta ng maaga dito eh. Wala kasing magawa dun sa palasyo. At syempre, kompleto kami ngayon: ako, si Yoona, Jessica, Victoria, Kris, Sehun, Luhan at yung fiancé ko, si Nichkhun.

"Hay nako, tara Starbucks na muna tayo. Sinong sasama?" tanong ni Victoria. Nagtaas naman agad ng kamay sila Yoona at Jessica.

"Kayo ayaw nyo?" tanong ni Victoria sa aming mga hindi nagtaas ng kamay. Umiling sila, except sakin. May iba akong reason wahaha.

"Tinatamad ako eh, bilhan nyo nalang ako. Alam nyo naman yung paborito ko diba?" sabi ko kaya wala na silang nagawa kundi pumayag, dyosa kasi ako.

Paalis na sana ang tatlong bruha nang may sumingit na dalawa.

"Teka, sama na pala kami!" SABAY na sabi nila Kris at Sehun. Tsssss! Makikipagdate lang to kila Jessica at Yoona eh, jusko. Hindi ko na sana sila papansinin kaso bigla kong napansin na tatlo na lang pala kaming natira dito. Dahell! Awkward to.

Nilabas ko nalang yung cellphone ko at naglaro ng kung ano-ano.

"Tiffany, excuse lang ah?" nagulat ako nung biglang tumayo si Nichkhun. Hala! San pupunta to? Ayokong maiwan kasama si... basta sya.

"Ha? S-saan ka pupunta? Sama ako!" tumayo na ako at hahabol na sana sakanya kaso..

"Ha? Magccr lang ako. Sandali lang ako." sabi nya tapos ngumiti at umalis na. Noooo.

Dahan-dahan akong lumingon at gaya nga ng inaasahan ko, nakatingin sya sakin.. coldly. Sandaling nagtama ang mga mata namin. At sa sandaling yun bigla kong naalala lahat ng masasayang araw namin, pati ang lahat ng sakit. Bakit ba pagdating sa pagmamahal ang babaw ng luha ko? Maluha-luha na naman ang mata ko.

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now