Chapter 8 : Knowing each other

631 43 0
                                    

[Luhan's POV]

Hindi ako makatulog kaya bumangon ako.

"Oy Luhan! Saan ka pupunta?" tanong ni Baekhyun, na kasama ko dito sa kwartong to.

"Hindi ako makatulog. Tara na! Dun tayo sa labas." aya ko. Nagpout ang bakla pero tumayo parin at sumunod sa akin palabas.

"O, kamahalan. Bakit po bumangon na kayo?" nagbow ang kawal.

"Hindi ako makatulog eh." sagot ko at nilibot ang paningin ko sa labas. Ang iba ay nagpapahinga, ang iba ay nagbabantay, ang iba ay naghahanda ng sandata, at meron ring ginagamot ang mga sugatan.

"Naghahanda na po ang ating kaharian, kamahalan. Dahil kahit anong oras ay maaaring sumalakay ang mga fairy ng kasamaan. Kailangan po nating maging handa." paliwanag ng kawal, na syang tinanguan ko lang.

"Nasaan sila ina at ama?" tanong ko.

"Nasa throne room po, kamahalan." sagot nya kaya tumango ulit ako.

"Baek, pupuntahan ko lang ang hari at reyna, babalik ako agad." paalam ko kaya tumango naman sya. Tapos ay lumipad na ako para sa throne room.

Kumatok muna ako at agad yung binuksan ng isang kawal.

"Mahal na prinsipe." at nagbow sya.

"Mahal na hari, mahal na reyna." lumapit ako at nagbow.

"Anak, ano na bang nangyayare doon sa labas?" alalang tanong ni ina.

"Kasalukuyan na po kaming naghahanda. Hindi po kasi namin alam kung anong oras ulit babalik ang ating mga kalaban." sagot ko.

"*sigh* Dapat ay tumulong rin ako." sabi ni ama habang nakatuon ang pansin sa parang screen na pinapakita ang pangyayare sa labas.

"Ama, hindi na po kailangan. Mas mabuti na pong dumito nalang kayo." sabi ko at ngumiti. Tumango-tango naman si ama.

"Ayos ka lang ba anak? Wala ka bang mga sugat?" alalang tanong ni ina, pero umiling ako.

"Wala po." sagot ko at ngumiti.

"Eh si Yoona, nasaan sya?" tanong ulit ni ina. Hays, si Yoona.

"Nasa kwarto ko po. Meron pong nagbabantay sa kanya."

"Ganun ba? Mabuti naman." sabi ni ina at ngumiti.

"Sige po mga kamahalan, mauuna na po ako." paalam ko at nagbow ulit.

"Sige anak, magiingat kayo." paalala ni ama kaya tumango ako at ngumiti. Tapos lumipad na ako paalis.

"Ano nang nangyare?" tanong ko agad pagkabalik na pagkabalik ko.

"Wala parin pong kahit anong senyas mula sa mga kalaban. Maaari pong nagpapalakas ang mga kalaban, kaya kailangan nating maghanda dahil panigurado ay mas malakas na sila sa kanilang pagbalik." sabi ng kawal kaya napatango nalang ako.

"Kailangan rin nating magpalakas." sagot ko dito. Nasaan na ba si Baek? Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko syang nakaupo sa isang tabi habang kausap ang isang babaeng naka-itim na maskara. Kaparehas ng maskara nya ang maskara ng sinagip kong babae kanina. Pero, sigurado akong hindi sya ang sinagip kong babae.

"Baek!" tawag ko at lumapit sa kanila.

"Oh, Luhan! Bagong kaibigan ko nga pala, si Taeyeon. Nakilala ko na sya nung pumunta tayo sa River of Wings. Hindi ko naman alam na Dark fairy rin pala sya." pagpapakilala ni Baekhyun doon sa kasama nyang babae. Nginitian ko sya.

"Nice to meet you kamahalan!" bati nya at ngumiti rin.

"Kasama mo ba yung dalawang naka-maskara na yun?" tanong ko at tinuro yung babaeng niligtas ko kanina at isang lalake na magkausap sa isang tabi.

"Ah, opo. Mga kaibigan ko sila." sagot nya.

"Tiffany, Sehun!" sigaw nya kaya lumingon yung dalawa. Teka, anong pangalan? Tiffany?!

"Halika kayo dito!" sabi nya kaya lumapit naman ang dalawa.

"Kamahalan, si Tiffany po at Sehun." pagpapakilala ni Taeyeon kaya nagbow naman yung dalawa.

"Teka, kayo yung nasa mall, diba?" tanong ko. Ngumiti ang tatlo at tumango.

"Hindi naman po namin alam na Dark fairy rin pala kayo, kamahalan!" sabi ni Tiffany at ngumiti.

"Teka, wag nyo na akong tawaging 'Kamahalan' ang awkward kaya! Magkakakilala naman na tayo, diba? Luhan nalang ang itawag nyo sakin." sabi ko at ngumiti kaya ngumiti naman sila pabalik.

"Bakit nga pala ngayon ko lang kayo nakita dito?" taka kong tanong. Totoo naman kasi, hindi ko inakala na Dark fairies pala sila dahil ngayon ko lang sila nakita dito.

"Ahh.. Ano po kasi.. malayo ang tirahan namin dito sa palasyo.. atsaka po, minsan lang kami lumabas." sagot ni Tiffany at ngumiti, kaya tumango lang ako.

"Eh bakit nga pala naka-maskara kayong tatlo?" taka kong tanong. Nakakapagtaka kasi eh!

Sasagot na sana sila kaso biglang dumilim.

O___________O

—————

A/N: Medyo short ud xD Hahaha sarreh. Pinalitan ko na rin yung bookcover hahaha. Ctto of the background na ginamit ko hahaha.

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Where stories live. Discover now