Nang makapasok ako sa bahay ay sinilip ko muna si daddy kung ayos lang ba siya, napangiti naman ako nang makita ko siyang mahimbing na natutulog. Ang sarap ng tulog niya, para bang wala siyang problemang dinadala.

(📞: Are you still there kuya? Hoy!)

Mabilis ko namang pinunasan ang pisnge ko, tsh. Ba't ba ko naiiyak.

"Yes, I'm still here. And please, kelly, I don't want to talk about crazy things, like. You know.. Argh basta, nasisira ang mood ko."

(📞: Pero kuya, I just want to help her.)

Pumasok ako sa kwarto ko at basta nalang sinalampak ang katawan ko sa higaan ko. Tsaka ni-loud speaker ang cellphone ko.

"You know what Kelly, if mom wants me to forgive her, she should be the one talking to me not you.."

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kelly.

(📞: Okay fine, you win. I'll talk to mom and then, let see)

Ngumisi naman ako, "Let see if mom really wants to get my forgiveness.."

(📞: You're weird, alam kong nasaktan ka kuya at nahirapan. Syempre labas na kami ron, dahil nga ano. Anak kami sa pagkakamali ni mom but can you please, ahm forget it? At magkaayos ayos na tayo.)

Bumuntong hininga ako.

"Kung gano'n lang kadali, sana nagawa ko na." Kausap ko ngayon si Kelly and yes, kapatid ko siya sa ina. Kung ano mang nasa isip ni Yasmeen ay mali 'yun, Siya rin ang dahilan kung ba't hindi ako nakapunta dahil nakipagkita ako kay Kelly.

(FLASHBACK)

"Anak? Ayaw mo ba talaga akong sumama?" Napahinto naman ako sa pagsisintas sa sapatos ko at bumaling kay daddy.

I smiled.

"Hindi naman sa ayaw ko dad, mas maigi nalang na magpahinga ka rito. Baka kasi kung mapa'no ka pa ro'n eh, alam mo naman. Crowded doon." sabi ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni daddy.

"Okay, hindi na ako kokontra pa. Galingan mo anak! Sana kapag natapos ang contest na 'to, maipakilala mo na sa akin ang babaeng nililigawan mo." Tinapos ko muna ang pagsisintas ko bago magsalita.

"Oo naman dad, I'm sure na magugustuhan mo siya HAHAHA!"

"Oh really? Maganda ba siya?"

Hindi ko pa sinasagot ang tanong ni daddy ay napangiti na agad ako, nai-imagine ko kasi ang mukha ni Yas. Ang ganda, napaka-ganda. Kaya bagay na bagay sa'kin eh HAHAHA! Paano na lang kaya mamaya? Tiyak na ubod ng ganda ang future wife ko. Hayst, I can't wait.. Para bang gusto ko nang mabilisin ang oras. 'Yung gagraduate na kami ta's HAHAHA! Papakasalan ko na agad siya, wala ng boyfriend boyfriend. Mister agad. Sayang naman ang gwapo kong apelyido kung 'di si Yas ang hahawak.

Yasmeen Wilber Estacio.. Bagay na bagay nako!

"ANAK?" Bumalik naman ako sa realidad ng tapikin ako ni daddy sa balikat.

"Oh! Sorry dad, ano nga ulit 'yung tanong mo?" tanong ko.

Tumawa naman si daddy, "Tinatanong ko kung maganda ba 'yong nililigawan mo, no need for you to answer it. Base kasi sa mga ngiti mo kanina. Nakuha ko na ang sagot sa tanong ko. You're really in love son."

Ngumiti ulit ako.

"Am I? HAHAHA! Siguro nga dad, gan'to pala ang pakiramdam ano daddy, 'yung wala pa siyang ginagawa pero ang bilis na ng tibok ng puso mo." Ngumiti rin si daddy sa'kin at pinapat ang balikat ko.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon