Ika-labing pito

Começar do início
                                    

"Gusto ko 'yan, Ate!" nagagalak na pahayag ni Jane. "Food court at auditorium lang ang napuntahan ko sa CMU noong nakaraang taong nagpunta kami, e," may panghihinayang sa kaniyang tono.

"Oh, you already visited..."

"Yes, Ate, noong lumaban sina Kuya ng quiz bee roon. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ko nakita ang isang magandang tulad mo noon, e," pambobola ni Jane at humagikgik pa.

Pakiramdam ko'y may kung ano kaming binabalikan sa nakaraan sa usapang ito. Tiningnan ko si Meriah at mukhang ganoon din ang iniisip niya. Nang bumaling ito sa aking kapatid ay hindi na maitago ang sumisilay na ngisi sa kaniyang labi.

"You're good with words, you know that?" aniya.

"Si Kuya lang naman ang hindi!" Humalakhak si Jane sa kaniyang sinabi.

Namamanghang sumulyap si Meriah sa akin, may multo pa rin ng pagkakangisi sa labi.

"Tigilan mo 'ko, Jane," tipid kong sinambit, halos simangutan ang kapatid.

Sakto ang pagtawag sa amin ni Manang Tasing para sa pananghalian upang matigil ang usapan. Mabuti na lang.

Chopsuey, menudo, at sinigang na hipon ang nadatnan naming nakahain sa hapag. May iba't ibang prutas din sa bawat pagitan ng mga nakahain na ulam at mayroong malamig na juice at tubig ang nakahanda sa gilid na bahagi ng mesa.

"Manang, pupwedeng maglaway muna?" biro ni Jane habang pinagmamasdan ang mga nakahain habang umuupo kami sa sari-sariling pwesto.

"Jane," maririnig ang babala sa aking tono nang bigkasin ang pangalan ng kapatid habang mataman itong tinitingnan.

Hindi pa namin kilalang lubusan ang mga tao rito. Maaaring hindi sila kumportable sa mga ganoong biro lalo na si Meriah.

"Mukhang ang sasarap kasi lahat, Kuya."

Hinawakan naman ako ni Manang Tasing sa braso, pinapahiwatig na walang dapat intindihin mula sa ikinikilos ng kapatid. Tipikal na pagsaway ng isang matandang babae.

"Masarap talaga iyan lahat, hija, kaya kumain ka ng marami," anang matanda, nakangiti habang nilalagyan ng kanin ang plato ng aking kapatid.

"Pupwede mo namang kuhanan ang lahat ng 'yan kung gusto mo," nakangiting sambit ni Kuya Lando.

"Yes, that's right," segunda ni Meriah. "Let's eat."

+×+×+×+×+×+×+×

"Pick what you want," I smiled at Jane as I spread out my hairclips. Lots of hairclips, I mean.

I can't say that it's a collection and I just use it occassionally when I think it suits with my outfit. And I don't mind giving it to anyone. I think buying those is just my way of appreciating its cuteness.

"Grabe, 'te! Ang dami nito at wala ka man lang ipit kanina?" she asked in amusement as she sat on my bed. Yeah, we're in my room. "Nahirapan kang pumili, 'no?"

"Hmm, maybe I forgot," I shrugged.

"Forgot? Sa dami nito ma-fo-forget mo pa ba 'to, Ate?"

A shy smile just crept on my lips.

"Try the pearly ones," I suggested when I saw her having a hard time on picking. It's just hairclips, you know?

"Parang ang mamahalin naman kasi, e," she admitted while holding two hairclips. "Ito, kulay gold," pertaining to what her left hand is holding. "O, ito naman silver," pertaining now to the clip on her right hand. She put it down and got another one. "O, ito mabigat pa! Pang-ipit pa ba 'to?" she almost chuckled. "Tapos may pearl at diamonds pa 'yong iba. Baka ma-hold up pa ako n'yan, e."

Patalsikin si Ms. Dayo!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora