"Ah, oo sana," sagot ko.

"Then, do it," tugon niya bago muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Oo, para umuwi na si Mama rito sa Pilipinas," wala sa isip kong sinabi.

Huli na nang maisip kung ayos lang ba na nagbabahagi ako sa kaniya nang matagpuan ko ang kaniyang paningin sa akin.

"Oh, she's on abroad. I see, " aniya.

Tumango ako at nagpatuloy.

"Factory worker siya," hinanapan ko siya ng kakaibang reaksyon matapos kong sabihin iyon.

Bukod sa napahinto siya ay wala naman siyang ibang ekspresyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay seryoso na ang mga mata niya ngunit mababakasan ng kaunting pag-aalala.

"How is she? I mean, u-uhm... where's your father? How about your brothers? Sisters?" bahagyang tumaas ang kaniyang tono sa tuluy-tuloy niyang pagtatanong, tila interesado sa kung ano.

"Interesado... sa akin?" kung wala lang kaharap, hindi malayong tawanan ko ang sarili dahil sa naisip. "Ulol, James, tigilan mo," pinigilan ko ang matinding pag-iling upang tugunan ang pagpipigil sa mga lihim na naiisip.

"Basta para sa kapakanan namin, ayos lang siya–'yan ang lagi niyang sinasabi sa amin," seryoso kong pahayag. "Hindi ako kumbinsido. Alam ko namang wala lang siyang ibang pagpipilian."

Sideline sa catering services ng kakilala ang naging kapitan ko noong hindi pa maayos ang pasweldo kay Mama sa ibang bansa. Sa ganoong paraan, naitatawid ko ang natitirang padalang pera ni Mama hanggang sa katapusan ng buwan dahil sa dagdag na tulong ng aking pag-sa-sideline sa catering.

"How about your father?" pag-uulit niya, bakas ang pagtataka sa boses.

"Sa langit, nanonood sa'min."

Nabigla siya.

"O-oh, sorry!" May bahid na ng pag-aalala ang paraan ng pagtingin niya sa'kin. "Gosh, bad mouth," rinig kong bulong niya sa kaniyang sarili. Nang makabawi ay muli siyang nagtanong. "So, you aren't only child? 'Cause you said so earlier."

"May bunsong kapatid," pagkumpirma ko. "Si Jane, dito rin nag-aaral."

"That's nice," nakangiti na siyang muli. "So... are you being a good brother?" Awtomatikong napaangat ang magkabila kong kilay dahil sa hindi inaasahang panunukso galing sa kaniya.

"Ano'ng sa tingin mo?" Ramdam ko na ang hindi mapigilang ngisi sa aking labi.

"Tss." Nakatingin man sa hawak na papel, kita pa rin ang paglawak ng kaniyang ngiti kasabay ng bahagya at mabagal niyang pag-iling na para bang nanunuya at hindi kumbinsido.

Nakaramdam na naman ako ng kakaiba habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang siyang nakitang nakangiti talaga. Klase ng ngiti na walang pag-aalinlangan, hindi tipid at walang pagpipigil.  Mabuti ay hindi siya sa akin nakatingin dahil 'tang-ina, ito yata 'yong pakiramdam ng kinikilig. Walang'yang bibig 'to, kahit ano'ng pigil ang aking gawin hindi ko mapigilang hindi mangiti niya. Mukha siguro akong tanga rito, 'tang-ina talaga.

Maya-maya pa'y natanaw ko ang tatlong paparating na kaibigan kaya biglaan ang naging bahagya kong pag-ubo upang ayusin ang aking sarili. Napatuwid ako sa pag-upo at sapilitang itinigil ang kusang pagsilay ng ngiti.

Napalitan naman ng tipid at naninimbang na ngiti ang kaninang malawak na ngiti ni Meriah nang dumating sina Jef, Nat at Andeng. Nakatayo sila sa aming gilid.

"Katatapos lang namin mag-tally ni Kelsey," anunsyo ni Jef. "Ito ring dalawa," pagtutukoy niya sa dalawang kaibigan.

"Patapos na rin kami," pahayag ko at sinulyapan si Meriah. Maging siya ay nabigla sa sabay naming pagtitinginan.

Patalsikin si Ms. Dayo!Where stories live. Discover now