"Sige gurl, nilalanggam na kami rito. Mauna na kami ha!"

"Tama tama beshy, mauna na kami bago kami papakin ng mga langgam HAHAHA!" Kumaway naman sila.

"Siraulo kayo, sige mag-ingat kayo.." sabi ni Yasmeen. Nang makaalis sila Luka ay bumaling naman ako kay Caleb, ano? Hindi ka pa ba aalis?

"Ahh, Yasmeen, I think I need to go, see you tomorrow!"

"Sige Caleb, mag-ingat ka!" Nagkawayan naman silang dalawa. Sweet mukhang kawayan :p

Nang makaalis si Caleb ay agad kong niyakap ng mahigpit si Yasmeen.

"U-uy, Madungis pa ako!"

Ngumiti lang ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya, "Damn, I really really like you Yas.." Sa pagsabi ko non ay naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

"I like you too Levi.." Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinitigan ko siya saglit, bago ko siya halikan sa noo.

"Date tayo?" tanong ko.

Ngumiti naman siya, "Gusto ko 'yan!" Pinagsiklop naman namin ang mga kamay namin bago naglakad. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya, natatakot ako sa sayang nararamdaman ko dahil baka may kapalit 'tong matinding kalungkutan. Ayoko ng bumalik pa ro'n.

SOBRA akong nag-enjoy sa date namin. Kumain kami sa labas at muling tumambay sa tambayan namin, tsaka nagkwentuhan ng mga kung ano-ano. Hindi man siya gano'n kabonggang date pero masasabi kong the best 'yun.

"Amm Levi, h'wag mo sanang mamasamain itong tanong ko ha?"

"Oo naman, ano ba 'yun?"

Napabuntong hininga naman siya, "Ahh, sino bang kasama mo sa bahay niyo?" Sa tanong niyang 'yun ay natigilan ako. Sigurado akong sinabi ito sa kaniya ng kapatid niya, hayst.

Pilit naman akong ngumiti, "Si daddy Yas, bakit?"

"Kumusta naman kayo?" Tinitigan ko siya at nababasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Siguro dapat ko na ring i-kwento.

"A-ayos lang naman, may sakit si papa eh. Kung itatanong mo naman kung na sa'n si mommy, hahaha ayon, nasa ibang pamilya na." Natigil ako sa pagsasalita dahil nararamdaman ko na ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.

Napaubo ako at ngumiti kay Yas, "Mahal na mahal ni daddy si mommy, pero iniwan niya kami eh. Sanay ako sa buhay sa syudad, pero ayaw kong iwan si daddy dito. Sinanay ko ang sarili ko, aaminin ko sa'yo, may sama ako ng loob sa nanay ko. Noong bata pa ako lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ba't niya kami iniwan, kung bakit mas pinili niyang makasama ang lalaking 'yun.." Naging taksil ang mga mata ko dahil tumulo na ang luha ko sa pisnge ko at naramdaman ko nalang na nakayakap na sa'kin si Yas.

"Shh, h'wag mo ng ikwento, naiintindihan ko. Sorry, binuksan ko pa ang topic na 'to.."

"No, it's okay with me, gusto ko ring makilala mo ako Yas," Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling nagkwento.

"Ayon nga, I'm just 7 years old that time nang iwan kami ni mommy, basta nalang siya umalis. Hindi sinabi sa'kin ni daddy na naghiwalay na sila ni mommy no'n, ilang taon ding hindi ko nakasama si mommy pero noong 12 years old na ako bumalik siya, buntis na siya no'n. Doon ko ring nalaman na may iba na siyang pamilya pero dahil mahal siya ni daddy, tinanggap ulit niya si mommy. Noong mga time na 'yun may sama na ako ng loob sa kaniya. Tapos mga ilang linggo lang ang lumipas iniwan niya na naman kami, hanggang ngayon hindi ko alam kung ba't ginagago niya kami ni daddy, dahil nga umalis na naman siya, nagkasakit na si daddy no'n. Nagsimula na rin akong magtrabaho para makapag-aral ako kasi talagang bumigay na ang katawan ni daddy. Kaya naman hindi ko siya mapapatawad, how dare her to hurt my dad a dozen times, ang sama ko di'ba? Pero wala eh ang sakit sakit lang kasi bakit niya 'to ginagawa sa'min?" Tuluyan na akong bumigay, dahil bumabalik na naman sa'kin ang mga ala-alang nagpapabiyak ng paulit-ulit sa puso ko, kung pa'no kami pinagpalit ng sarili kong nanay sa ibang lalaki.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon