Ika-labing isa

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, may sadya lang po ako," hindi kumportable kong sagot bago sulyapan ang bahay.

Sadya. Talaga lang, ha? Panindigan natin 'yan.

"Tara, tara. Samahan na kita papasok," anyaya nito sa akin na nag-uumpisa nang lumakad papasok sa tarangkahan. Tahimik lang akong sumunod.

Nasulyapan ko mula sa papasok ng pintuan ang apat na pares ng mata sa sala. Pinagtuonan ko ng pansin ang mga tingin niyang gulat. Hindi inaasahan na makita ako rito.

"James!" nautal man ay malakas ang naging pagtawag ni Meriah. Marahil ay nagtataka sa pagparito ko nang hindi niya nalalaman.

"Umupo ka muna, hijo, susundan ko lang si Manang sa kusina," ani Kuya Lando at nagtungo sa kusina.

Nakatayo pa rin ako rito sa papasok sa pinto, hindi na masalubong ang mata ni Meriah.

"Matutulungan mo kami, James?" namamanghang tanong ng isang council mula sa aming department. Si Levy.

"Siya na ba 'yong tinawagan mo?" anang isang council at bumaling kay Meriah.

"No!" may kalakasan ang naging pagtanggi nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga kasama. "I– I mean... hindi siya, but why are you here, James? I didn't expect you to be here!"

"Ah, ano..." Pinasadahan ko ng tingin ang apat na naghihintay ng sagot. "Narinig ko lang na may problema," sagot ko sabay iwas.

"And you're here to?" she immediately asked with a hint on her eyes.

"Help, syempre! 'Di ba, James?" puno ng pag-asa ang mga tingin ni Levy, ang council na ka-department namin.

"Ah, oo." Tuluyan na akong pumasok at aktong uupo na sa upuan.

"I'm here!" Nahinto sa ere ang aking pag-upo nang lingunin ang pintuan dahil sa deklarasyon ng pagparito. Ganoon din ang iba, nakatingin sa kaniya na tuluy-tuloy ang pagpasok dito. "Here's the delivery!" Napansin namin ang hawak niyang simple ngunit malaking paperbag. Kapansin-pansin din ang suot nito. Naka-uniporme siya.

"Thank you so much, Chust!" Tumayo si Meriah at niyakap ang kaibigan. "You just saved these men's ass!"

Kailangan pa ba ako rito? Mukhang hindi naman na. Ah, hindi. Hindi talaga ako kailangan dito. Sarap mag-aksaya ng oras.

"Is that true?" tanong ni Chustine na unti-unti ang naging pagngiti sa tatlo na napatayo naman bigla.

"Maraming salamat, p're!" Nagkamayan naman sila at nagpakilala sa isa't isa.

"James!" baling ni Chustine sa'kin.

"Chustine," sambit ko at tinapik siya sa balikat.

"Kasama ka pala rito?"

"Ah, tutulong lang sana dapat," nagawa kong itago ang pait sa sinabi. Napaiwas na rin ng tingin.

"Oh, tamang tama. Hindi pa naman talaga tapos ito, e," aniya at tumingin sa tatlo bago nagpatuloy. "Ididikit pa 'yong mga pangalan sa medal kapag inilabas na ang resulta ng placers."

"Syempre, kaya na namin 'yan. Iyon nga lang," napatingin sa relo si Levy. "Baka patapos na 'yong kumpetisyon."

"Oh, shit! Tumatawag si Pangulo!"

Nabigla ang tatlo kaya napatayo.

"I think we need to go back," ani Meriah.

Ano'ng naging silbi ko rito? Wala.

Napailing ako at napansin ang pagtingin ni Chustine sa relo niya.

"Sasama muna ako sa inyo. Mamaya pa naman ako pupunta sa CMU."

Patalsikin si Ms. Dayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon