Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Pinagbutihan pa sana? Itong luto nya ay pinagbutihan na nya?" bulong ni Aaron na punong-puno ng pagkadismaya sa mukha. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Flaire ang mga sinabing iyon ni Aaron kaya tiningnan nya ito ng masama at hinablot pa ang damit nito.

"May sinasabi ka ba dyan, Lumen?!"

 

"Ah, hehe. W-wala naman." sagot ni Aaron at tinaas pa ang mga kamay na simbolo ng pagsuko.

"Ayos lang naman Flaire. Pinaghirapan mong lutuin ang mga pagkain na ito kaya kakainin namin itong lahat. Salamat ha."

 

"waaaahh...napakabait talaga ni Sky. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya." sandaling naglakbay sa mundo ng pantasya itong si Flaire.

" Ang mabuti pa ay umayos na tayo. Papunta na dito sila Sensei."

 

Maya-maya pa nga ay dumating na sina Mizuki at ang dalawa pang matanda.

Nakakapagtaka at hindi pa nauupo ang matatanda at nanatiling nakatayo sa gilid ng hapagkainan. Hindi rin mabasa ang kakaibang reaksyon sa kanilang mga mukha. Nakasimangot naman sina Aaron at Rockie at medyo alanganing magsimulang kumain. Sina Mizuki at Sky naman ay puno ng pagtataka sa mga mukha. Hindi nila alam kung ano bang nangyayari sa mga matanda pati na din kina Rockie at Aaron. Si Flaire naman ay tahimik lang na nakayuko at kulang na lang ay matunaw sa init ang hawak nyang kutsara.

"Ah...eh..hehe teka...sino ang nagluto ng pagkain?" napapakamot ulong tanong ng lolo ni Mizuri.

"Sigurado ba kayong pagkain yan?" tanong naman ni Mang Merkyuryo at tinignan ng maigi ang pagkaing nakahain sa lamesa.

Bigla na lamang nabalot ng awkward na aura ang buong silid kainan. Lalong yumuko si Flaire ng nanginginig ang mga balikat. Sina Aaron at Rockie naman ay lalong sumama ang timpla ng mukha.

"Eh?" nasabi na lang ni Sky at alanganing ngumiti.

"Ha?" takang tanong ni Mizuri ng may inosenteng mukha.

---------------

"Ehem. Ehem." basag ni Mang Merkyuryo sa katahimikan.

Lahat sila ngayon ay mga mukhang ewan na nakatayo sa kaninang malinis at maayos na silid kainan. Ngayon kasi ay halos sunog na ito. Mabuti na lang talaga at naagapan nila Mizuri, Sky at Rockie ang apoy na nagmula kay Flaire. Gamit ang kanilang nga kapangyarihan ay inapula nila ang mabilis na pagliyab ng apoy sa buong silid.

"P-Pasensya na po talaga kayo, Mang Merkyuryo." puno ng kalungkutan na hingi ng paumanhin ni Flaire.

"Ayos lang hija. Pasensya na din kung na-offend kita." awkward na sabi ng matanda.

Matapos makakain ng agahan, (na niluto na ni Mizuri) ay napagpasyahan ng dalawang matanda na mamili ng mga bagong gamit para sa aayusing silid kainan. Naiwan naman ang mga bata sa dojo para ayusin ang muntik ng matupok na silid at mag-ensayo na din pagkatapos.

Lady of the Blue Moon LakeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ