Chapter 65 - Finale

443 12 1
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 65
THE FINALE

(A/N: This is it pansit! Finale na! Enjoy reading guys.. :-)

"MOMMY.."

Napatingin siya kay Gray nang marinig ang pagtawag nito sa kanya. "Yes baby?"

"He's here.."

Napatingin siya sa tinitingnan nito at napaayos siya ng upo nang makita niyang nakatayo si Austin sa harap nila matapos itong ihatid ng guard na nagbabantay sa mga inmates. Tila nag-aalangan pa itong lumapit sa kanila ni Gray ngunit binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti.

"Have a seat."

Tumalima ito sa sinabi niya. Tahimik niyang pinag-aralan ang mukha nito. Malaki na ang ipinayat nito at may tumubo na ring balbas sa mukha nito. Maliban doon ay humaba na rin ang buhok nito. Malayo na ito sa Austin na nakasama at nakilala niya. It's been 3 months pagkatapos itong damputin ng mga pulis noon. After a couples of trial ay nahatulan itong guilty sa salang inihain dito ni Kristof at ng pamilya ni Dr. Villanueva.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila na pinutol nito.

"What are you doing here?"

Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang titigan ito sa mga mata.

"I decided to visit you here sa una at huling pagkakataon. I just want to tell you that.. I forgive you. Pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanang nagawa mo."

Natigilan ito. Marahil ay nagulat ito sa sinabi niya. matagal bago ito nakahuma. "Why?" may bikig sa lalamunang tanong nito. "Bakit mo pa ako nagagawang patawarin sa kabila ng lahat ng kasalanan ko?"

"Because you deserve to be forgiven." Nginitian niya ito. "Alam ko at nararamdaman ko, na kahit hindi mo sabihin sakin, pinagsisisihan mo ang lahat ng mga nagawa mo. Alam ko rin na kaya mo pang magbago pagkatapos ng lahat ng ito. At alam ko na may natitira pang kabutihan sa puso mo. Masyado ka lang nabulag sa nakaraan mo. Dahil naghahanap ka ng pagmamahal na hindi mo naramdaman noong iwan ka ng mga magulang mo. Austin, you're an amazing guy. Marami pang babae ang kayang tanggapin ka ng buong-buo sa kabila ng lahat ng pagkakamali at kakulangan mo. Marami pang babae ang kayang mahalin kung ano at sino ka. Basta handa ka lang baguhin ang sarili mo. At handa ka lang patawarin ang sarili mo. Hindi pa huli ang lahat Austin."

Napayuko ito nang unti-unting pumatak ang mga luha sa pisngi nito. "You know what I love most about you? Iyang kabutihan mo. Ikaw lang ang babaeng nakilala kong ganyan. Sa kabila ng lahat ng nagawa ko, sa laki ng kasalanang nagawa ko sayo, nagagawa mo pa rin akong patawarin. You're one of the person I know who have the purest heart on earth. And I'm so sorry if I broke your heart a lot of times. Actually, I'm not expecting that you'll forgive me. Mula nang pumasok ako sa lugar na ito, tinanggap ko nang ayaw mo na akong makita dahil hinding-hindi mo na ako mapapatawad pa."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Naisip ko kasi, all of us deserves a happy life. And I will never have that life hangga't may nararamdaman akong galit sa ibang tao. I need to move on from the past Austin. At hindi ako makakamove on hangga't hindi ko natututunan kung papaanong magpatawad. So here I am now, forgiving you with all my heart and soul to be happy again. Alam ko naman kasi na hinding-hindi ako magiging masaya hangga't may nararamdaman akong galit sa puso ko."

"I'm so sorry Zean.. I'm so sorry if I made you suffer.. I'm so sorry if I hurted you a lot of times.. I'm so sorry for everything.." umiiyak na pagsusumamo nito.

Tumayo siya at niyakap ito sa huling pagkakataon.

"I forgive you Austin. Pinapatawad na kita kaya sana matutunan mo ring patawarin ang sarili mo. Hindi pa huli ang lahat."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon