Chapter 18

185 7 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 18

"Are you ok now?" bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Aiza.

"Yeah." sagot niya at pilit na ngumiti dito. Ngiting hindi man lang umabot sa mga mata niya.

"So, ano nang plano mo?" tanong nito.

Nanikip ang dibdib niya sa tanong nito. Ano nga bang plano niya matapos niyang malaman ang mga plano nina Kristof? Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga upang paginhawain ang sarili.

"Hindi ko alam." naguguluhang sagot niya. Agad siyang napatingala sa taas nang maramdamang nanunubig ang mga mata niya. Nagbabadya na naman ang pagbuhos ng luha niya. She wanted to curse and hate herself for crying that way. Pero masisisi ba niya ang sarili niya? Nagmahal at nagpakatotoo lang naman siya. Pero anong ibinalik sa kanya ng taong pinili niyang mahalin? Sakit, sama ng loob at luha. Ngayon ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa lalaki ay kinain at nilamon na ng poot at galit niya dahil sa ginawa nito. "Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon.. Ayoko siyang makita, makausap at makasama Aiza. Seeing him hurts me a lot. Ang sakit.. Sobra.. His presence around me kills me.."

Malungkot na niyakap siya nito. "Sshh.. Enough.." pang-aalo nito. "Pero kung ako lang naman ang tatanungin.. Sa akin lang ha.. Why don't you try to talk to him first? Baka kasi namisinterpret mo lang yung mga narinig mo."

Napailing siya. "No. Believe me Aiza, I know and I'm sure na ako ang pinag-uusapan nila."

"Then how can you explain all his actions towards you? Yung sayang nararamdaman niya kapag kasama ka niya, iba eh."

"Everything he showed to me are nothing but lies Aiza. Remember, he used to hate me a lot from the very start. Kaya nakakapagtakang bigla na lang siyang naging mabait sakin. Iyon pala may plano sila sakin. Ang tanga ko lang dahil napaniwala niya ako ng ganon kadali. Siya na ang pinakamasamang taong nakilala ko."

Napabuntong hininga ito. "I really don't know what to say. Pero isa lang ang sigurado ko. Hindi ganon kasama si Kristof."

Sana nga. Gusto niyang maniwala sa sinabi nito ngunit base sa narinig niyang usapan sa gym ay malabong mangyari iyon. Magkakasabwat ang mga ito para lokohin at gaguhin siya. Sigurado siya, pinagtatawanan na siya ng mga ito ngayon. At iyon ang hindi niya matanggap. Nagmukha siyang katawa-tawa nang hindi niya nalalaman. At naging tanga siya nang wala man lang kalaban-laban.

Mahigpit niyang ikinuyom ang mga palad sa naisip. Hinding-hindi siya makakapayag na siya ang uuwing talunan at luhaan. Dahil ipinapangako niya, gaganti siya sa mga ito. Gagantihan niya si Kristof.

He will pay for all the damage he has done to her. At sinisiguro niyang magtatagumpay siya sa paghihiganti niyang iyon. Ibabalik niya ang plano ng mga ito sa kanya.

__ __ __ __ __

"Hey, where are you?"

Iyon agad ang tanong sa kanya ni Kristof nang sagutin niya ang tawag nito.

"Nasa mall." sagot niya at napasulyap kay Aiza. Kanina pa sila nandoon. Gusto lang naman kasi niyang makapag-isip at makalimot.

"What are you doing there? Sinong kasama mo? Bakit ka nagcutting class?" sunud-sunod na tanong nito.

Hindi niya napigilan ang pagtikwas ng kilay niya. Ang kapal ng mukha nitong magtanong. Kung makaasta ito akala mo naman ay totoo ang mga ipinapakita nito.

"I got bored." walang ganang sagot niya.

"Who are you with?"

"With someone."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon