Chapter 53

134 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST

by: Lhanz Artemis

Chapter 53

“YES FIONA?” sagot niya sa telepono nang tawagan siya ng secretary niya.

“Sir, phone call coming from Mr. Hernandez.”

Kumunot ang noo niya sa narinig na apelido. Himala tinawagan siya ng kaibigan.

“Would you like to receive it or should I tell him to call you later?”

“Put him through.” Naiintriga siya. Ano naman kaya ang sasabihin sa kanya ng mokong na iyon?

“Okay sir.”

Ilang sandali pa’y si Henry na ang nasa kabilang linya.

“Hello?”

“Hey Henry.” Bati niya nang magsalita ito sa kabilang linya.

“Hey dude, I just want to inform you about something.”

“About what?” nagtatakang inihinto niya ang pagbabasa ng mga data sa hawak na folder.

“Cheska called me and she asked me to change your position in our wedding.”

Kumunot ang noo niya. “Ano, gagawin niyo akong ring bearer niyo?”

“Gago!” napahalakhak ito.

“Ano nga kasi yun?” natatawang tanong niya. “Tatanggalin niyo ba ako for good?”

“Of course not. I will never do that.”

“Ah akala ko masama pa din loob mo sakin.” Tatawa-tawang sabi niya na ikinatawa nito.

“Baliw! Past is past. Nakamove on on na ako sa nangyari noon. And one thing, kasalanan ko din naman ang lahat. Anyway, about the sudden change in my wedding, sabihin na lang nating I’m doing this para bumawi sa mga naging kasalanan ko noon sayo.”

“What do you mean?”

“You’ll know later. All you have to do now is come with me.”

_ _ _ _ _ _ _ _

“MOMMY? Where are we going?” tanong sa kanya ni Gray habang lulan sila ng kotse niya.

“We are going to Tita Cheska’s designer.” Aniya at bahagyang napasulyap sa anak mula sa rear view mirror. Sa likod ito nakaupo dahil nasa tabi naman niya si Cheska. Nauna nang umuwi si Melissa sa bahay dahil kasama naman na siya ni Gray.

“Why?”

“Because,” nakangiting sabad ni Cheska at nilingon ito. “You’re mommy will be my maid of honor and you will be the newest ring bearer in my wedding.” Nanggigigil na pinisil nito ang ilong ng anak niya.

“Wedding? Di ba marriage po iyon?” usisa ni Gray.

“Yup.”

“Mommy? Kailan wedding niyo ni Daddy Austin?” baling sa kanya ng anak.

“Ha?” napamaang siya.

“I said, kailan wedding niyo ni Daddy Austin?”

“Hay naku, walang magaganap na kasal sa pagitan nila.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Cheska. Pinandilatan niya ito ngunit tinawanan lang siya nito.

“Ano po iyon Tita?” baling ni Gray dito. Mukhang hindi yata nito naintindihan ang sinabi ni Cheska.

Isang nagbababalang tingin ang ibinigay niya dito ngunit nginisihan lang siya nito.

“Ang sabi ko, your mommy and your daddy Austin will NEVER get married.”

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon