Chapter 62

160 3 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 62

"BAKIT kailangang mangyari sa akin lahat ng ito?" umiiyak na tanong niya habang nakasubsob sa mesa ng bar counter sa bahay ni Jyzer.

Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Zean ay agad siyang nagtungo doon upang maglabas ng sama ng loob. Lasing na lasing na siya pero wala na siyang pakialam. Gusto lang niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. He needed someone to talk to. Kailangan niyang mailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang masiraan ng ulo. He wanted to make himself okay. Pero kahit anong iyak at paglunod sa alak yata ang gawin niya ay hindi man lang nakatulong iyon sa kanya. Ni hindi man lang guminhawa ang nararamdaman niya. Ni kahit siguro lumuha siya ng dugo ay hindi man lang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam nga niya habang mas tumatagal ang oras ay mas lalo lang lumalala ang sakit sa dibdib niya.

"Naging masama ba akong tao? Malaki ba ang naging kasalanan ko sa mundo para mahirapan ako ng ganito? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Bakit sa lahat ng tao, bakit ako pa?"

"Tama na iyan pare," naaawang tinitigan siya ng matalik na kaibigan. Gustuhin man nitong akuin ang nararamdaman niya'y hindi nito iyon magawa. Wala itong magawa kundi ang damayan at pakinggan siya.

"Ang sakit-sakit na.. Sa sobrang sakit parang mas gugustuhin ko na lang mawala sa mundo.. Para hindi ko na maramdaman pa yung sakit. Para mawala na yung sakit." He feels so hopeless and empty because of the pain he's feeling inside him. Ni kahit anong gawin niya'y wala man lang siyang magawa para mawala at matanggal iyon. Iniwan na siya ng babaeng pinakamamahal niya. At wala nang mas sasakit pa doon. It felt like half of him was dead.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Magpakatatag ka nga. Be a man bro." Napailing-iling ito. "I know how much you love Zean pero yung gawin mo iyan sa sarili mo, hindi na tama iyan. Death is not a solution and it will never be."

"The pain is killing me. It's breaking me into pieces. Mahal naman niya ako eh. Pero bakit napakadali sa kanyang isuko ako? Bakit napakadali sa kanyang bitawan at talikuran ako?"

"Sa tingin ko naiipit lang siya kaya niya nagawa ang desisyon na iyon. Mahal niya si Gray. And she doesn't want to lose that kid."

"Kaya ano? Kaya ako ang isinuko niya? Just because she doesn't want to hurt Gray she gave me up without even minding my feelings?" buong hinanakit na tanong niya. "Sobrang sakit ng ginawa niya nang hindi man lang ako ang pinili niya."

"Kahit sino man sa inyo ang piliin niya ay may masasaktan pa din siya. If she chose you, masasaktan niya si Gray. At the end hindi rin siya magiging masaya sayo kasi alam niyang nasasaktan ang anak niya."

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.

"I understand Zean.. Kung ikaw ang pipiliin niya, masasaktan si Gray. Gray is too young to understand everything that's why she decided to gave up on you. Kasi alam niyang kahit masaktan kayong pareho, maiintindihan mo siya. Maiintindihan mo ang desisyon niyang umalis sa buhay mo dahil mas malawak ang pang-unawa mo." Napabuntong-hininga ito."Alam kong masakit para sa inyong dalawa ang mga nangyayari pero sana ay tatagan niyo ang loob niyo at maging masaya para sa pinili niyong buhay. Ang mabuhay ng tahimik para sa kaligtasan ng lahat. Ang mabuhay ng tahimik para sa ikabubuti niyong dalawa."

Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya dahil sa sinabi nito. Masakit ang mga nangyayari pero iyon ang kailangan niyang tanggapin.

"You're a strong guy Kristof. Even if you get hurt a lot of times, at the end of the day you will overcome this storm. No matter how much bullet you're going to take. No matter how much bruise and wounds you get, trust me you will survive in this battle. You can live without her."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon