Chapter 12

252 9 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 12

Habang nakakapit siya kay Kristof nang mga oras na iyon ay nakatitig lang siya sa batok nito. Bakit ba ang cute ng batok ng hinayupak na ito? Napanguso na lang siya nang wala sa oras. At saka isa pa, nagtataka siya. Mabagal lang itong magpatakbo ng motor hindi kagaya ng iba na akala mo'y sumali sa isang motorcross.

"Saan mo unang gustong mamasyal?"

Ang tanong na iyon ni Kristof ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Bahagya siya nitong nilingon ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa daan.

"Pwede bang sa mall muna tayo? Nagugutom kasi ako." sagot niya.

"Ok." tipid na sagot nito at nagpatuloy sa pagdadrive.

Ilang sandali pa'y nakarating sila sa isang sikat na mall. Matapos nitong iparada ang motor nito sa parking lot ng mall ay sabay na silang pumasok sa mall. Dahil sa dami ng tao doon ay hindi nila napansin ang ilang mga pares ng matang nakasunod sa kanila.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito.

"Pwedeng sa Mcdo?" tanong niya at tila nagmamakaawang napatingin dito.

"Ok." sagot nito bagay na nagpangiti sa kanya.

"Yes! Thank you!" tuwang-tuwang pasalamat niya at parang batang tumakbo siya papasok sa nasabing fastfood.

Nangingiti at naiiling na lang na sinundan siya nito. Nakatalikod na siya noon kaya hindi niya nakita ang amusement na nakalarawan sa mukha ng binata. Na tila ba nagustuhan nito ang childish personality niya.

Nang makapasok siya sa loob ng Mcdo ay agad siyang naghanap ng bakanteng mesa. Lumawak ang ngiti niya nang may makita naman siyang bakanteng mesa sa may gilid. Agad niyang tinungo iyon at saka umupo. Nakangiting hinanap niya ng tingin si Kristof at nang matanaw niya ito ay nakangiting kinawayan niya ito upang makita siya. Habang hinihintay niya itong papalapit sa table niya ay nangalumbaba siya at pinagmasdan ito.

She won't deny the fact that he's freakingly handsome. Hayun nga at halos ng mga babaeng teenagers na nasa loob ng Mcdo ay napapalingon dito. He's really a head turner. High school palang ito ngunit ang mature na nitong tingnan. At dahil iyon sa height at katawan nito. He just look like a college because that.

Lumipat ang tingin niya sa mga mata nitong iyon. At nang may mabasa siya doon ay unti-unting nabura ang mga ngiti niya sa labi. It's too obvious that he looks happy and contented. Kung bakit? Iyon ang hindi niya alam.

"Yeah, kapag magkasama kami ikaw lagi ang laman ng bibig at isip niya. Why? Simple logic. Because he likes you."

"Believe it or not, that's the truth."

"Make him happy Zean. You're the only person who have the ability to make him feel that."

Natigilan siya nang muling maalala ang mga sinabing iyon ni Jyzer. Kung totoo man ang sinabing iyon ni Jyzer, then it only means that the happiness she saw in Kristof's eyes is because of her. Then no doubt, Kristof really likes her.

Halos ay dumagundong na ang dibdib niya sa matinding kaba nang mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan but she can't helped herself to feel that. Sa isang iglap ay tila ba unti-unting bumalik ang lahat ng mga naramdaman niya kanina noong sabihin sa kanya ni Jyzer ang mga bagay na iyon.

"So, what do you want to eat? Ako na magoorder."

Tila noon siya natauhan at nagising sa reyalidad. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niyang nasa harap na pala niya si Kristof at nakaupo na ito sa upuang nasa harap niya.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon