Chapter 6

282 16 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

(A/N: I'm so happy and overwhelmed to receive wonderful feedbacks from you guys. Thank you for liking my story. I really appreciate all the efforts and patience you spent on waiting for my updates. Thank you a lot. ^_^
Well anyway, I just want you to know that this chapter will explain Kristof's attitude towards Zean. So, enjoy reading.. ;-) -Lhanz

Chapter 6

Nang mga oras na iyon ay pauwi na sila ni Kristof at kasalukuyan silang nakasakay sa kotse. Katulad kaninang umaga ay magkalayo sila ng upo at wala silang imikan. Dahil nabobored siya ay kinuha niya ang ipad niya just to kill her boredom.

She browse the gadget when suddenly, she decided to open her account in facebook. Halos isang linggo na din kasi siyang hindi nagpi-facebook. At katulad ng dati ay tadtad ng messages, notifications at friend request ang account niya.

Kinonfirm niya ang mga friend request ng mga kakilala niya. Nang matapos ay sinagot niya ang mga messages sa kanya. At ang huli ay tiningnan niya ang mga notifications. Wala naman siyang ibang makita doon kundi mga flood likes, shares at comments sa mga pictures at posts niya. Mayamaya'y natigilan siya nang makitang may mga pinost na picture ang isang kaklase niya sa wall niya kaya nagtatakang inopen niya iyon.

"What the h*ck!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya nang makita kung ano iyon. Picture lang naman iyon ng surprise sa kanya ni Claude at ng pagbigay sa kanya ng bulaklak ng lalaki. May caption pa iyon na puro heart emojis. "Kayla! Naku humanda ka saking babae ka!" nanggigigil na bulong niya.

Kung titingnan ang mga larawang iyon ay parang ang sweet nila doon at parang tinanggap niya ang offer nitong maging girlfriend siya nito. Kahit sino mang makakakita ng mga larawang iyon ay ganoon ang iisipin. Pero siyempre iba ang sinasabi ng larawang iyon sa totoong nangyari. At ang tanging nakakaalam lang nga katotohanan ay ang mga taong nakasaksi sa mga nangyari.

At dahil iba ang ipinapakita ang mga larawang iyon, katulad nga ng inaasahan niya ay marami ang napaniwala sa mga larawang iyon. Kaya hayun, umabot ng ilang libo ang likes, at daang shares at comments.

"Watch your word." sita ng katabi niyang lalaki ngunit hindi niya ito pinansin na tila ba hindi ito nagiexist sa mundo niya.

Tahimik niyang binasa ang mga comments sa naturang post.

'OMG! Claude and Zean? Kainggit! Whaahh!'

'Iihhh! Ang sweet naman ni Claude kay Zean. Grabe! Bagay na bagay sila! Naniniwala na ako sa destiny at forever!'

'Wow! Gosh! Best love team of the year! They just look good together.'

'Omo Zean and Claude? My dream love team in school! Kyaahh!'

'He's so d*mn sweet! At last! May nakahuli na sa mailap na puso ni Zean!'

'Ang swerte mo pareng Claude!'

'Ayieeh! Kakakilig naman silang dalawa! Parang koreanobela lang? Sana sila na forever!'

'They must be a match made in heaven! I just love the view!'

'Best couple in the universe! Sana kayo na forever!'

Naiinis na itinigil niya ang pagbabasa at pinindot niya ang profile niya. At ganon na lang ang pagtaas ng kilay niya nang makitang may pinost pala si Claude sa wall niya. Binasa niya iyon.

"I may not have your heart for now Zean but I'm hoping that one day, I will. You may reject me a lot of times but I will never give up on you. I will never stop until I get your love and attention."

"Tss! Desperate freak!" nangigigil na bulong niya. Binasa niya ang mga comments sa naturang post nito.

'She rejected you? Then that means the photos are not real? Awww! How sad and disappointing! I thought it's for real.'

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon