Chapter 17

231 7 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 17

Napasulyap siya sa mukha ni Kristof na nasa painting na ginawa niya. Nakalagay iyon sa isang sulok ng silid niya. Habang tinititigan niya iyon nang oras na iyon ay hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti. Kapag naaalala niya ang mga nangyari kanina ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng saya at kilig. Tila hindi pa rin siya makapaniwalang nililigawan siya nito at mahal siya nito kahit sa konting panahong pinagsamahan nila. Parang panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari. Kung panaginip nga lang lahat ng iyon, mas gugustuhin na lang niyang huwag nang gumising dahil alam niyang doon siya mas sasaya.

Napasulyap siya sa cellphone niyang nasa ibabaw ng sidetable nang marinig ang message alert tone ng cellphone niya. Dinampot niya iyon at tiningnan. Sumilay ang isang ngiti sa labi niya nang makitang galing kay Kristof ang message na natanggap niya. Binasa niya iyon.

-Still awake?

She replied Yes. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata at dinala ang cellphone sa tapat ng puso niya. Napaigtad na lang siya sa matinding gulat nang tumunog iyon. Kristof is calling her. Agad niyang sinagot iyon.

"Hello?" isang nagpipigil na ngiti ang gumuhit sa labi niya at kinikilig na niyakap ang isa niyang unan nang sagutin ang tawag nito.

"Hey, I'm outside your room."

"What?" napabalikwas siya ng bangon sa narinig. Napasulyap siya sa orasan at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang hating gabi na. "Anong ginagawa mo diyan? Hating gabi na. Pumasok ka na sa kwarto mo." pagtataboy niya dito.

"Later, buksan mo muna ang pinto. May ibibigay lang ako."

"Is it that important? Pwedeng bukas na lang?" natatakot lang kasi siya na baka may makakita dito at kung ano pang isipin sa kanila.

"It's important. So please just open the door. Please?" tila nagsusumamong pakiusap nito

"Fine." napabuga na lang siya at mabilis niyang tinungo ang pinto upang pagbuksan ito ng pinto. Nagsalubong ang kilay niya nang makita kung ano ang hawak at dala nito.

"Ipinagtimpla kita ng milk. Hehe." matamis ang ngiting sabi nito. "Sabi ko sayo eh, hindi ito pwedeng ipagpabukas kasi masisira at mapapanis lang ito."

Bago pa man siya makasagot at makapagreact at pumasok na ito sa loob ng silid niya nang walang sabi-sabi. Naiiling na isinara na lang niya ang pinto at sinundan ito. Inilapag nito ang dalang tray na may dalawang baso ng gatas at isang bowl na puno ng cookies.

Gusto niyang singhalan ito ngunit nang maisip na nag-effort itong gawin iyon para sa kanya ay lihim na lang siyang napangiti at nakaramdam ng kilig.

"Come on, let's eat." nakangiting sabi nito at umupo ito sa gilid ng kama niya.

"Ganyan ka ba kathoughtful at kasweet sa lahat ng niligawan mo?"

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito.

She rolled her eyes and sat beside him. "Lahat ba ng niligawan mo ipinagtimpla mo ng gatas?"

"Hindi sayo lang." natatawang sagot nito.

"Korni mo manligaw ah." natatawang pang-iinis niya.

"Di bale, sweet at thoughful naman."

"Yabang mo." kumuha siya ng cookie at kinagat iyon.

"Eh bakit, totoo naman." depensa nito.

"Whatever." she rolled her eyes. An act that made him laugh. "Saya mo ah."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon