Chapter 16

228 7 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 16

"Hoy Zean!"

Natigilan siya at natauhan nang maramdamang may tumulak sa kanya. Nagtatakang napalingon siya sa katabing mga kaibigan. At halos ay nagsalubong ang kilay niya nang makitang taas ang kilay at tikom ang bibig na nakatitig ang mga ito sa kanya.

"What? Why are you looking at me like that?" nakatikwas ang kilay na tanong niya sa tatlo.

"Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala diyan." puna ni Cheska.

"Seryoso, anong iniisip mo at may pangiti-ngiti ka pang nalalaman diyan? Hmm?"

Namula ang mukha niya sa tanong ng mga ito. Seriously? Ngumingiti siya habang tulala? Ngali-ngali na niyang batukan ang sarili dahil sa nalaman.

"Ahmm." mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Malay ba niyang natulala siya at napansin iyon ng mga ito. "Wala." pagsisinungaling niya.

"Naku! Showbiz lang ang peg. Alam ko na kung bakit." ani Leah. "Siguro naaalala niya si Kristof. Ayiieehh!" kinikilig na dugtong at tudyo nito.

Lalong namula ang mukha niya sa sinabi ng kaibigan. Ok, she admit it. Iniisip nga niya si Kristof.

"Magtapat ka nga samin. Kayo na ba ni Kristof?" diretsahan at walang kapreno-prenong tanong ni Cheska.

Nanlaki ang mga mata niya. Kaloka ang tatlong ito. Kung makapagtanong sa kanya tinalbugan pa si Kris Aquino at Boy Abunda. Direct to the point. Kung hindi lang niya kaibigan ang mga ito ay baka pinagbuhul-buhol na niya ang mga ito.

"Di pa nga siya nanliligaw sakin, kami na agad?" nakangusong tanong at maktol niya.

"Aba wagas makapagcomplain!"

"Alam na this!"

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga ito. Kumunot ang noo niya. Ano na naman bang naiisip ng mga ito?

"Pinagsasasabi niyo diyan?" salubong ang kilay na tanong niya.

"You like him."

"What?!" nanlaki ang mga mata niya.

"What ka diyan! Hoy Zean anong akala mo samin manhid at tanga? Huwag ka nga!"

"Oo nga! At pwede ba huwag kang magdeny diyan. It's too obvious my dear."

Natigilan siya sa sinabi ng mga ito. Totoo nga ba iyon? Na gusto na niya si Kristof? Napaisip siya ng malalim at pilit na inalala ang lahat ng mga nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito.

Yeah she admit masaya siya kapag nasa tabi lang niya ito. Na kinikilig siya sa tuwing nagiging sweet ito sa kanya. Na gustung-gusto niyang pakinggan ang boses at mga halakhak nito. Na gustung-gusto niyang makita at titigan ang mga ngiti at ang gwapong mukha nito.

Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman lahat ng iyon sa isang lalaki. Yung pakiramdam na parang buo ang araw niya sa tuwing kasama niya ito. Ngayon lang siya nagkaroon ng pakialam sa isang lalaki.

Marahil ay tama nga ang mga kaibigan niya. Na may gusto na siya kay Kristof. Na kahit sa konting panahon lang ay agad siyang nahulog dito. She fell for him without a warning. At hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot sa reyalisasyong nahuhulog na siya dito.

"Oh ano na? Natahimik ka na diyan." puna ng tatlo sa kanya.

Tila noon lang siya natauhan. Nahihirapang napabuntong hininga siya. "Siguro nga, gusto ko na siya. Pero di ko alam natatakot at nababahala pa din ako kahit pa inamin na niya noon na gusto niya ako."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon