Chapter 1

1.2K 19 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 1

"Zean!" tuwang-tuwang tili ng kaibigan niya nang makita siya nitong papasok sa gate.

She rolled her eyes and silently cursed when she saw everyone looked at her direction. Nakakahiya talaga ang pinaggagagawa ng babaeng ito. She's an attention seeker and she do everything just to get everyone's attention. Pero ang problema, sa kanya naman nakatuon ang atensiyon ng lahat. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin at mapapalingon sa kanya?

Siya lang naman si Vhanezza Laureanne Marquez, the top student of third year, the managing editor of their school paper, a cheer leader and a reigning campus queen. She used to be a winner in every competition. And she's the student role model of their school. Kaya halos lahat na yata ng student sa pinapasukan nila ay kilala siya at hinahangaan.

Habang naglalakad siya sa hallway ay nakasunod lang ang tingin sa kanya ng lahat. Some stared at her with full of admiration and some looked at her with a frown and insecurities drawn in their face.

"Good morning my dear bestfriend!" tuwang-tuwang niyakap siya ng kaibigan nang makalapit siya dito. "I missed you."

"Drop it and stop the drama Natasha Zuerayne." she rolled her eyes. Nakasimangot na bumitiw ito sa kanya. "Kung makaakting ka diyan parang isang dekada tayong hindi nagkita eh magkasama lang tayo kahapon." naiiling na naglakad na siya.

"Ang kj mo talaga." nakangusong sumabay ito sa paglakad niya.

"Masyado ka na kasing oa eh." aniya at bahagyang natawa nang makitang lalo itong sumimangot.

"Anyway, is it true?"

"Ang alin?" nagtatakang tanong niya at bahagyang sumulyap dito.

"That Claude Dexhan Jimenez is courting you." tukoy nito sa team captain ng basketball team ng school nila.

Napahinto siya sa paglalakad dahil sa narinig.

"At saan mo naman napulot ang balitang iyan?" taas ang kilay na tanong niya.

"So totoo nga?" nanunukso ang ngiting tanong nito. "Kyaahhh! You look good together don't you know that? Gagawa na ba ako ng fansclub para sa loveteam niyo?"

"Magtigil ka nga!" saway niya at pinanlakihan ito ng mga mata. The thought gives her goosebumps. Maybe because Claude isn't her type. Gwapo naman ang lalaki at habulin ito ng babae pero ewan niya, wala itong dating sa kanya. "And one more thing, lilinawin ko lang ha? He's not courting me ok?" paglilinaw niya at muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Ay ganon?" tila dismayadong sabi nito. "Sayang naman, bagay pa naman kayo. Akala ko maiinlove na ang bestfriend kong may pusong bato."

"Compliment ba iyan? Salamat ha." sarkastikong sabi niya na ikinatawa nito.

"Eh bakit sa totoo naman. You never fall in love like everybody did. Ni crush nga wala eh." palatak nito. "Sandali nga muna," pinigilan siya nito sa braso. Hinarap siya nito at tinitigan ng tuwid sa mga mata. "Magtapat ka nga sakin babae ka."

"What?" taas ang kilay na tanong niya.

"Tomboy ka ba?"

Napabunghalit siya ng tawa sa tanong nito. "What a joke. Pero infairness mabenta siya ha!" tumatawang sabi niya na ikinasimangot nito.

"I'm dead serious gaga!" anggil nito sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa at pinamaywangan ito. "Porke wala na akong magustuhang lalaki eh lesbian na ako? Agad-agad? Don' t be so absurd. Lilinawin ko lang, I am not a lesbian."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon