Chaper 51

127 6 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 51

“UGH.. MY HEAD..” Nakangiwing sinapo niya ang masakit at kumikirot na ulo. Ano ba kasing ginawa niya at ganon ang pakiramdam niya? Pilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi at natigilan siya nang maalala niyang matapos siyang magpakalasing sa bar ay pinuntahan niya si Zean para bigyan ito ng closure. Masakit man para sa kanya ang gawin at ibigay iyon ay wala siyang magagawa dahil mayroon na itong iba. Obviously ay nakamove on na ito at hindi na siya ang kailangan nito. He doesn’t have a choice but to let her go.

“Can I sleep beside you for the last time?” mabilis niyang iminulat ang mga mata nang bumalik sa alaala niya ang mga binitiwan niyang mga kataga. Halos ay napigil niya ang paghinga nang unang tumambad sa kanya ang payapa at maamong mukha ni Zean habang mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Pakiramdam niya’y nawala ang kalasingan niya at tuluyang nagising dahil sa nakita.

“What the hell have I done? Are you nuts? Have you gone crazy to ask that stupid favor?” Halos ay murahin na niya ang sarili niya nang mga oras na iyon. Hindi naman kasi tama ang ginawa niyang tumabi sa pagtulog nito dahil una sa lahat, hindi na sila. At ikalawa, dahil may sarili na itong pamilya. Wala na siyang mukhang maihaharap pa dito dahil sa kapangahasan niya. Sino siya sa buhay nito para hilingin ang gaanong klaseng bagay dito? He was just her ex.

Bago pa man ito magising ay dahan-dahan niyang kinuha ang palad nitong nakayakap sa tagiliran niya. Kung wala lang talaga itong pamilya ay iisipin niyang mahal pa din siya nito. Pero hanggang imagination at pangarap na lang siya. Ang masakit pa doon, ay baka ang akala nito ay ang asawa nito ang katabi nito ngayon sa kama.

Nang muli niyang maramdaman ang malambot na palad nito pagkatapos ng ilang taon ay tila may lungkot na lumukob sa kanya. Matagal-tagal na rin niya itong hindi nahahawakan, ngayon lang ulit. At sa tingin niya’y iyon na ang huling pagkakataon.

“This will be the last time that I will hold and stare at you this close, so I’ll just take this chance,” bulong niya at nanlalabo ang mga matang tinitigan niya ang hawak niyang kamay nito.

Natigilan siya at napasulyap sa kabila nitong kamay. Nagtatanong ang mga mata at kunot-noong napatingin siya sa natutulog pa ring babae. Maraming mga katanungan ang gumugulo sa isip niya. Marami siyang gustong itanong dito ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang pagtatanong dito.

“Zean..”

“Hey!”

Naramdaman niyang may tumusok sa noo niya.

“Hey mister uncle!”

Muli na namang may pumindot sa noo at sa pagkakataong iyon ay mas malakas na iyon.

“Ouch..” nakangiwing daing niya.

“If you didn’t stop staring intently at my mom, I will really pluck your eyes with my own fingers.”

Bahagya niyang iniangat ang tingin at natigilan nang tumambad sa kanya ang dalawang maliliit na daliring iyon na nakaturo malapit sa mata niya. Inilipat niya ang paningin sa nagmamay-ari ng mga daliring iyon at halos ay napabalikwas siya ng bangon nang makita niya ang anak ni Zean na salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa kanya.

“What are you doing here?” gulat at nanlalaki ang mga matang tanong nito.

“I should be the one asking you that.” Napahalukipkip ito. “What are you doing inside my mom’s room? And why are you sleeping together?” tinaasan siya nito ng kilay.

Napalunok siya at mabilis na nag-isip ng maidadahilan. Ano ba ang sasabihin niya sa batang ito? Kung sabihin man niyang may relasyon sila dati ng nanay nito ay siguradong magfre-freakout ito lalo na’t nanay nito ang pinag-uusapan. And one more thing, he will never understand everything. So it will be useless if he explain it to him.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon