Chapter 58

136 3 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 58

(A/N: At dahil mas marami akong time magsulat ngayon, every other day ang updates ko. Anyway, this is a very long chapter. I tried to cut it but I changed my mind.. Why? Well, I think you need to find it yourself. Those who are asking about Gray's identity. The answer is already here in this chapter. So, enjoy reading.. :-* -Lhanz

"ZEAN hija."

Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang pagtawag sa kanya ng mommy niya. Nang mga oras na iyon ay tahimik siyang nakatanaw sa palubog na araw sa bahaging kanluran ng dagat pasipiko. Kakarating lang nila sa Pangasinan. Habang abala ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit sa hotel na tutuluyan nila ay mas pinili na lang niyang pumunta doon upang magpahangin at upang libangin ang sarili sa napakagandang tanawin na iyon. Napakasarap pakinggan ang mga huni ng kulisap at ng banayad na paghampas ng tubig sa mga bato sa pampang.

Nginitian niya ng bahagya ang ina nang umupo ito sa tabi niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ka ba anak?"

"Wala naman mommy. May iniisip lang ako."

Napatango-tango ito.

"Iniiwasan mo ba si Kristof?"

"Po?" maang na napalinga siya dito.

"Napapansin ko lang nitong mga nakalipas na araw ay umiiwas ka sa kanya." Nginitian siya nito. "Hindi ako manhid anak. Bakit hindi mo subukang makipag-ayos sa kanya?"

Sa tingin niya ay okay naman sila ng lalaki. Hindi lang niya alam kung anong klaseng pag-aayos ang gusto ng mga ito. Napabuga siya.

"Is that the reason why you invited him to come with us?"

"I will only lie to you if I say no. Honestly, we still want him for you."

Napabuga siya. "Mommy, alam niyo naman ang dahilan kung bakit ayaw ko nang mapalapit pa sa kanya. M-May sarili na akong pamilya. Ayoko ng gulo."

"So, you still want to marry the guy you're telling us?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Sa kaloob-looban niya ay tila may gustong tumutol sa ideyang iyon.

"Ilang beses na ba naming sinabi sayo na hindi kami makakapayag na mapunta ka sa lalaking hindi pa namin nakikita at nakikilala? You can't have our approval Zean."

Natigilan siya sa sinabi nito. Ilang beses na niyang sinabi sa parents niyang ikakasal na siya, but they always decline that. So, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang desisyon ng mga ito. Tutol pa rin ang mga ito sa pagpapakasal nila ni Austin. At tila kahit anong gawin niya ay never na papayag ang mga ito sa kasal na iyon. Lalo siyang nakaramdam ng takot dahil doon.

"You'll meet him soon." Hindi niya alam kung kailangan pa ba niyang ituloy at gawin iyon. But she need to and she have to. Kailangan niyang gawin iyon upang hindi maghinala si Austin na nakakatunog na siya sa ugali nito.

"Kahit na. Meeting him once will never be enough for us to say yes. We can't just give you to a man we don't know personally. Hindi ko alam ang budhi ng lalaking iyan at kung maganda ba ang intensiyon niya sayo."

"Mom, he's the one who helped me noong mga panahong nagkasakit ako. Hindi pa ba sapat iyon para sabihing maganda ang intensiyon niya sakin?" And now she think she's still fooling herself. Maganda nga ba ang intensiyon nito? Sa nakita niyang awra nito kahapon, she doubt.

"Yeah, he's the one who stole you away from us." Pagtatama nito na ikinatahimik niya. "Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang kapangahasang ginawa niya nang ilayo ka niya sa amin. Sino siya para gawin iyon? At anong karapatan niyang gawin iyon?"

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon