Chapter 29

160 5 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

(A/N: Sorry ngayon lang nakapag-update. Promise, tatapusin ko na ito para makapagproceed na tayo sa story ni Drew.. ;-)

Chapter 29

"Ano na? Matagal pa ba iyan?" naiinip na sumilip sa pinto si Cheska.

She rolled her eyes and sighed heavily. Tiningnan niya ng matalim ang dalawang kaibigang nasa harapan. "Bakit ba kasi kailangan pa akong ayusan?" naiiritang tanong niya at bahagyang tinabig ang kamay ni Leah.

"Natural! Makikipag-date ka di ba?"

She rolled her eyes again. "Yun na nga eh! Date lang ang pupuntahan ko, kung ayusan niyo ako parang pupunta ako sa party at lamay!" napahalukipkip siya nang wala sa oras.

"Lamay talaga?"

"Eh ang kapal ng mga inilalagay niyong eyeshadow eh!" maktol niya at napairap. Paanong hindi siya maiinis. Andami nang ipinahid ang dalawa sa mukha niya. Talo pa niya yata ang sasali sa pageant sa ayos na ginagawa ng mga ito sa kanya. Pwede namang simple na lang ang ayos niya. Bakit pa kasi kelangang magmake up?

"Tama na nga kasi iyan! Anong oras na oh! Malilate na si Zean! Baka nandoon na ang kadate niya!" ani Cheska at pumasok sa loob ng silid niya. "Hindi niyo naman siya kailangang ayusan eh, maganda na si Zean. She don't need that."

Pakiramdam niya'y gusto niyang magdiwang nang malamang nasa panig niya si Cheska. Napasimangot naman ang dalawa lalo na nang tanggalin niya ang inilagay ng mga ito gamit ang babywipes na nadampot niya sa mesa.

"Sayang yung effort namin," nakasimangot at hindi maipinta ang mukhang maktol ng dalawa.

"I didn't told you to do this." sagot niya. Hindi na lang umimik ang mga ito. Ilang sandali pa'y tumayo na siya nang matapos siya sa ginagawa. Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. She's still beautiful even without makeup. Simple lang ang suot niya. It's a floral dress paired with white doll shoes. Kahit simple lang ang ayos at suot niya ay litaw na litaw at kapansin-pansin pa din ang ganda niya.

"I think, you're ready. Let's go?" agaw ni Cheska sa atensiyon niya.

"Yeah," sang-ayon niya at sumunod na siya dito.

"Bye Zean! Goodluck sa date! Balitaan mo na lang kami! Enjoy!" pahabol na sigaw ng dalawa.

Isang kaway ang isinagot niya sa mga ito. Sana lang talaga ang mag-enjoy siya. She's hoping that this day will be a beautiful day not a disaster.

"Nervous?" tanong sa kanya ni Cheska habang nasa loob sila ng kotse nito. Ihahatid kasi siya nito sa restaurant kung saan sila magkikita ng kablind date niya.

"Nope."

"What are you feeling right now?"

Napaisip siya. Pilit niyang kinapa ang totoong nararamdaman sa puso niya. Mayamaya'y napabuntong hininga siya at tahimik na tumanaw sa labas ng bintana.

"I felt empty."

"Is it because of Kristof? Zean.."

Nang marinig niya ang pangalan ng binata ay tila may kumurot sa puso niya. Aaminin niya, may mga oras at panahon na naaalala niya ang binata. At sa tuwing naiisip niya ito , ay wala siyang ibang maramdaman kundi lungkot at sakit. Yun bang pakiramdam na walang saysay ang buhay niya. She really felt sad, stressed and empty the moment he suddenly disappeared in her life. Sa totoo lang, gusto niyang mabuhay nang tulad ng dati pero alam niyang mahihirapan na siyang gawin iyon dahil marami na ang nagbago. Dahil sa loob ng mahigit na apat na taon ay nasanay siya kay Kristof. And now that he disappeared, she just can't find a way back to her normal self and life. Yung siya noong hindi pa niya ito nakilala at minahal. Kung ganoon lang sana kadaling makalimot. Kung ganon lang sana kadaling iwaglit lahat ng pinagdadaanan niya. Kaso ang hirap eh. Paulit-ulit kasi siyang masasaktan habang nagtatagal. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya mararamdaman lahat ng iyon.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon