Chapter 28

157 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
By: Lhanz

Chapter 28

"What the heck!" napamura si Leah habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa laptop nito.

"Hoy soon to be teacher huwag ka ngang magmura! Bad influence ka sa mga student mo!" binato ito ni Tasha ng tinapay sa mukha.

Kasalukuyang nasa kusina ang tatlo nang mga oras na iyon habang si Zean ay tulog pa.

"Oh my gosh! You won't believe this! Look!"

Iniharap nito sa dalawa ang laptop kaya naman ay sabay na napatingin ang dalawa doon.

"What the!"

"Sh*t!"

Napamura ang mga ito nang makita ang tinutukoy ni Leah.

"Is that true? O baka naman joke joke lang iyan?" parang ayaw pa ring paniwalaan ni Tasha ang nababasa nang mga oras na iyon.

"Hindi pa ba sapat na katibayan iyang mga comments diyan sa relationship status na iyan ni Kristof? He even told her how much he love that bitch!" si Leah.

"Kristof is already engaged with a girl named Samantha Perez? I can't believe this! That brute!" ikinuyom ni Tasha ang mga palad dahil sa matinding galit na nararamdaman.

"Hindi dapat ito pwedeng makita ni Zean. Siguradong masasaktan iyon. Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Cheska sa dalawa.

"I have an idea. Iblock natin si Kristof sa account niya." suhestiyon ni Leah.

"Nice idea Leah!" nag-apiran ang tatlo. At dahil kabisado ni Tasha ang email at password ng facebook account ni Zean ay nagawa nila ng walang kahirap-hirap ang plano nila.

"Paano kung magtanong si Zean kapag hindi niya mahanap ang account ni Kristof?" tanong ni Cheska.

"Eh di sabihing nagdeactivate ng account ang gagong iyon." sagot ni Tasha. "Wish na lang natin hindi niya kalkalin ang blocklist niya kundi patay tayong tatlo." napangiwi ito.

"So, what are we going to do now?" nakanguso at nababahalang tanong ni Leah pagdaka. "We're not going to tell her he's already engaged right?"

"For what? To hurt her? Of course we will never do that. Limang buwan na siyang nasaktan at nahirapan nang dahil sa hinayupak na iyon." si Cheska. "At hindi na natin hahayaang masaktan ulit siya."

"Naiinis ako. Gusto kong gilitan sa leeg ang bwisit na lalaking iyon." nanggigigil sa galit na sabi ni Tasha.

"Bakit ginawa niya iyon kay Zean? I can't believe na nagawa niyang magloko, paasahin at iwan sa ere si Zean nang ganon-ganon na lang." disappointed na sabi ni Leah. Maging sila ay nasasaktan na para sa kaibigang hanggang ngayon ay umaasa pa rin.

"Mula ngayon, tatanggalin na natin sa sistema niya si Kristof." ani Tasha. "Who's with me?"

"We're in!" duweto ng dalawa.

"Well then, let's start the plan of getting him out from her heart."

"At ipinapangako ko, pagsisisihan ni Kristof ang ginawa niyang panloloko at pag-iwan kay Zean."

__ __ __ __ __ __

"Kainis!" naiinis at problemadong pumindot-pindot siya sa laptop niya.

"Huy! Parang problemado ka diyan! Anyare?" salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Tasha.

Napatingin siya sa tatlo at pagkuwa'y problemadong napasabunot sa buhok.

"Hindi ko masearch yung account ni Kristof eh!" naiiyak na sagot niya. Kung pwede lang sana niyang ibato yung laptop niya ginawa na niya. Bakit ngayon pa kung kelan ay naghihintay siya sa message nito at kung kelan ito magoonline.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon