Chapter 15

200 6 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 15

"So how's your stay here Vhanezza Laureanne Marquez?"

Nagtatakang iniangat niya ang tingin mula sa binabasang libro nang marinig ang boses lalaki sa harapan niya. Sino ba itong bigla na lang sumusulpot para istorbohin ang pananahimik at pagbabasa niya. Pakiramdam niya'y nanindig ang balahibo niya at nakaramdam siya ng takot nang bumungad sa kanya ang nakakalokong ngiti ni Henry. Base palang sa ngiti nitong iyon ay mukhang mayroon itong masamang binabalak sa kanya.

"Is it fun and good? So far?" dagdag na tanong nito at walang sabi-sabing umupo ito sa bench na kinauupuan niya. Bahagya siyang lumayo dito dahil labis siyang kinakabahan sa presensiya nito. Mukhang napansin nito ang takot at pag-aalinlangan sa kanya kaya lalo lang itong napangisi. "By the way balita ko, Audrey and Kristof broke up because of you. Is that true?"

"That's not true." depensa niya sa kung ano man ang naiisip nito.

"Really?" Tila hindi naniniwalang taning nito. "Iyon ang kumakalat na rumors sa school ngayon. Knowing how famous they are. Mabilis lang kumalat ang balita kung sila lang naman ang topic. But you know may mas malala pa sa balitang iyon." nakakaloko ang ngiting dagdag nito.

"W-what?"

Tinitigan siya ng lalaki na tila ba pinag-aaralan nito ang mukha niya.

"That Kristof is courting you."

Napamaang siya sa narinig. Siya? Nililigawan ni Kristof? At saan naman nito nakuha ang balitang iyon? Hindi naman siya nililigawan ni Kristof eh. Gusto niyang tawanan ang sinabi ng lalaki ngunit mas pinili niyang manahimik na lang.

Akmang magsasalita sana ito ngunit nagring ang phone niya kaya hindi nito naituloy ang balak nitong sabihin. Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa. Nang makita niyang si Kristof ang tumatawag ay nagpaalam na siya kay Henry at agad na iniwan ang lalaki doon nang hindi man lang hinintay ang sagot nito.

"Hello?"

"Where are you? Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Not yet. I'm here at the quadrangle." sagot niya.

"Good then. Sabay na tayong maglunch." yaya nito bagay na nagpangiti sa kanya.

"Sige."

"Puntahan mo na lang ako dito sa canteen. Maghahanap palang ako ng vacant table."

"Ok." sagot niya at pinatay na ang tawag. Nakangiting tinungo niya ang daan papuntang canteen. Ilang sandali pa'y nakarating na siya doon kaya agad niyang ikinalat ang tingin sa malawak na canteen. Nang matanaw niya si Kristof na nakangiting kumakaway sa direksiyon niya ay tila lumukso ang puso niya. Kumakabog ang dibdib na lumapit siya sa kinaroroonan nito at umupo sa katabi nitong upuan.

"What do you want to eat?" tanong nito.

"Anything." tipid na sagot niya.

"Ok, ako na lang ang bahala. Today is my treat." nakangiting sabi nito.

"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong niya.

"Wala naman. Gusto lang kitang itreat. Ayaw mo ba?" tila dismayadong tanong nito.

"Hindi naman." sagot niya. She doesn't want to ruin his mood kaya payag na lang siya sa gusto nito. "Sige na, ibili mo na ako ng pagkain. I'm starving." nakangusong angal niya. Napangiti ito sa sinabi niya.

"Of course, just wait here my princess." nakangiti at tuwang-tuwang iniwan na siya nito.

Tulala at hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon