Chapter 38

124 2 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 38

"So, where do you want to go? Saan mo gustong kumain?"

Napalingon siya kay Kristof nang marinig ang tanong nitong iyon habang nakalulan sila sa kotse nitong papalabas ng university.

"Kahit saan." sagot niya at nginitian nito. 'I can go anywhere basta ikaw lang ang kasama ko.' dugtong ng isip niya. Iyon lang naman kasi ang tanging gusto niya. Ang makasama ito.

"Ok, ako na lang ang bahala." nakangiting sabi nito at ipinagpatuloy ang pagdadrive. She turned on the stereo at bahagya siyang natigilan nang marinig ang awit na narinig doon, Secret Love Song of Little Mix.

Their story is just like that song. Magkasama lang sila kapag wala si Samantha. Kulang na lang ay magkikita sila nang patago. Napabuntong hininga na lang siya at hindi pinansin ang awit. She doesn't care anymore. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagtunog ng cellphone niya kaya agad niyang dinukot iyon sa bag. Nakita niya ang pangalan ni Austin sa screen ng cellphone niya. Kasama niya si Kristof kaya nag-aalangan tuloy siya kung sasagutin niya iyon o hindi. Sa huli ay napagpasyahan niyang icancel iyon.

"Why? Bakit hindi mo sinagot?" nagtatakang tanong sa kanya ni Kristof.

Ikinibit niya ang balikat. "It's nothing. It's not that important at all." sagot niya at muling napalingon sa labas ng bintana. Nang muling tumunog ang cellphone na nasa kamay ay kumunot ang noo niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay lalong lumalim ang gatla ng noo niya nang makitang si Austin ulit ang tumatawag. Ano bang sasabihin nito?

"Sino ba iyan?" kunot ang noong tanong ni Kristof.

"Suitor ko," sagot niya. Upang matigil na pang-iistorbo ni Austin ay napagpasyahan niyang sagutin na lang ang tawag nito. Alam naman kasi niyang hindi siya nito titigilan. Knowing how persistent he is. "Hello Austin, napatawag ka."

"Nothing.. It's just that I missed you. Medyo matagal-tagal na rin nang huli tayong magkita at magkausap dahil pareho tayong busy. So kumusta? How are you?"

"Ok naman ako." tipid na sagot niya.

"Where are you by the way? Pinuntahan kita sa classroom niyo pero wala ka naman doon. Sabi ng classmate mo na nandoon, breaktime at vacant niyo. Iinvite sana kitang kumain sa labas ngayon." mahabang paliwanag nito.

"Ahm.. I'm sorry Austin.. Actually nasa labas na ako ng university."

"Huh? Anong ginagawa mo sa labas? Tell me exactly where you are at pupuntahan kita." anito. Napabuntong-hininga siya at pagkuwa'y napasulyap kay Kristof. Bahagya siyang natigilan nang makitang seryoso at hindi maipinta ang mukha nito. Kung bakit? Iyon ang hindi niya alam.

"Hindi na Austin. I'm with someone." sagot niya.

"Someone?" nagtatakang ulit nito. "With Cheska? Tasha? Leah? Friend? Friend who?"

"No, he's not one of my friend." sagot niya.

"He?" madiing ulit ni Austin. "So, he's a guy?" hindi man niya nakikita ang mukha ni Austin ay sigurado siyang hindi na rin maipinta ang mukha nito. Sa boses pa lang nito ay nahimigan na niya ang pagkadismaya nito.

"Yes." tipid na sagot niya.

"Who is that guy? Do I know him? I want to meet him now. Tell me where are you?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa mga inaakto nito. Why is he acting like he's her boyfriend? Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Masyado na itong nagiging mahigpit sa kanya gayong hindi pa naman niya ito sinasagot. At sa totoo lang, ayaw niya ng ganoon. Dahil una sa lahat, wala pa naman itong karapatan para higpitan siya.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon