Chapter 31

159 5 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

(A/N: Oh ung mga maka-Kristof jan.. heto na.. nagbabalik na siya.. hahaha tingnan ko na lang kung matutuwa kayo.. hahaha enjoy and goodluck.. :-D

Chapter 31

Nang araw na iyon ay masayang namamasyal sila ni Austin sa isang kilalang mall nang ilang sandali pa'y hatakin siya nito patungo sa isang jewelry shop doon.

"What are we doing here?" nagtatakang tanong niya sa binatang kay lapad ng pagkakangiti sa kanya. Imbes na sagutin ang tanong niya ay iginiya siya nito patungo sa kinaroroonan ng mga bracelet.

"You choose."

"But-"

"No more buts Zean." nakangiting pigil nito sa balak niyang pagtutol. "Pumili ka na diyan kung anong gusto mo. Iiwan na muna kita diyang mamili. May titingnan lang ako sa banda roon."

"Pero-"

"Assist her please," baling nito sa sales lady. Ang balak niyang pag-hindi dito ay nawala dahil doon.

"Yes sir."

"Pagbalik ko, dapat nakapili ka na ok?" Nginitian muna siya nito bago siya tuluyang iniwan doon.

"Ang kulit talaga nun." napailing-iling na lang siya habang sinusundan ito ng tingin. Napabuga siya at napatingin sa sales lady na nakangiti sa kanya. Seems like she doesn't have a choice. Knowing how persistent Austin is.

"Ano po bang type niyo diyan ma'am? Ito po, maganda po ang kalidad at designs nito." may ipinakita ito sa kanya ngunit hindi niya iyon type kaya ibinaling niya sa iba ang tingin at tiningnan ang lahat ng bracelet doon. Ilang sandali pa'y nakuha ng isang bracelet ang atensiyon niya. It's a silver bracelet na mga designs na garnet stones.

"Miss, may I see that one, please." itinuro niya ang natipuhan niyang bracelet. Kinuha naman nito iton at ibinigay sa kanya.

"Maganda rin iyan ma'am. Iyan po ang mabili naming bracelet ngayon."

Napatango-tango siya sa narinig. Tahimik niyang pinagmasdan ang hawak na bracelet. Sobrang naku-cute-an talaga siya sa bracelet na iyon lalo na at may designs iyon na imga puso. Abala siya sa pagsipat niyon nang may tumabi sa kanyang lalaki.

"Excuse me miss, may I see those couple ring?"

Hindi niya maintindihan ngunit bigla na lang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ng lalaki. Parang pamilyar kasi ang boses ng lalaki.

"Ah yes sir!" agad namang tumalima ang sales lady at inassist ang lalaki. Kinuha nito ang tinutukoy ng lalaki. "Heto po."

"Do you think my girlfriend will like it?"

"Of course sir!"

Dala ng matinding kuryusidad ay inilipat niya ang tingin sa katabing lalaki. At pakiramdam niya'y tumigil sa pagtibok ang puso niya at napasinghap siya nang makita ang mukha nito. Nakaside view man ito sa kanya ngunit gayunpaman, ang anggulo ng mukhang iyon ay hindi niya nakalimutan kahit kailan. Paano nga naman niya makakalimutan ang lalaking tanging minahal niya ng sobra-sobra.

Sa isang iglap ay tila bumalik sa kanya ang lahat ng sakit at hirap na nararamdaman niya. Apat na taon. Apat na taon siyang naghintay dito. Bakit ngayon lang ito bumalik? At bakit hindi nito sinabi sa kanya? Bakit hindi man lang nito ipinaalam na umuwi na pala ito? Nagdagsaan na sa dibdib niya ang sari-saring emosyon nang mga oras na iyon. Dala na rin ng pagkagulat ay nanginginig, nanghihina, nanlalamig at kinakapos siya ng hininga sa kinatatayuan.

"K-Kristof." lumuluha at mahinang usal niya sa pangalan ng binata. Nanghihinang nabitiwan niya ang hawak na bracelet. Nahulog iyon sa paanan niya. Dala ng matinding gulat at pagkataranta ay mabilis siyang yumuko upang pulutin sana iyon. Dahil doon ay nakalimutan niyang may salamin pala sa harap niya. Sa bilis ng mga pangyayari ay sumalpok ang noo niya doon. "Ouch!" daing niya at napaupo sa sahig habang sapo ang nasaktang noo.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon