Chapter 24

188 7 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 24

"What?" taas ang kilay na tiningnan niya si Kristof. Pansin niya kasi kanina pa ito tingin ng tingin sa kanya. Hindi tuloy siya makakain ng maayos dahil sa mga ginagawa nito. Nako-conscious tuloy siyang lumunok at ngumuya. Nang mga oras kasi na iyon ay magkasalo silang kumakain ng dinner.

Bahagya itong ngumiti sa kanya at pagkuwa'y umiling.

"Wala.. Masaya lang ako.. Because.. I just can't believe that.. You've already forgiven me."

Bahagya siyang natigilan sa sagot nito at pagkuwa'y tinitigan ito ng tuwid sa mga mata. Pilit na binabasa ang laman ng utak at emosyong nararamdaman ng binata. Wala siyang ibang mabasa doon kundi matinding saya. Saya na ngayon lang ulit niya nakita pagkatapos ng dalawang taon.

Masisisi ba niya ito kung iyon ang nararamdaman nito? Of course not. And honestly, hindi lang naman ito ang masaya eh. Siya din naman. Masaya siya ngunit ayaw niyang ipakita iyon dito.

Sa ginawa niyang pagpapatawad dito ay tila nakalaya siya sa lungkot at sakit na naramdaman at itinago niya sa mahaba ding panahon. And she just knew, she's free now. At handa na siyang magsimula ulit ng panibagong kabanata at pahina ng kwento niya. At sana lang ay hinding-hindi niya pagsisisihan iyon.

"Ang mabuti pa, kumain ka na lang diyan. Alam kong gutom na gutom ka." aniya at dinagdagan pa ng pagkain ang plato nito bagay na nagpalawak sa ngiti nito. Ang hudyo, mukhang kinilig pa yata. Nagkibit balikat na lang siya at hindi pinansin iyon kahit gusto na niyang humagalpak ng tawa sa mga iniaakto nito. Magana naman nitong inubos lahat ng pagkaing nasa plato nito.

Nang matapos silang kumain ay napagpasyahan nilang magpahangin na muna sa tabi ng swimming pool. Umupo sila sa gilid niyon at inilublob ang mga paa sa tubig. Bahagya siyang napangiti nang maalala ang nakaraan. Ganoon na ganoon ang nangyari noon. Remembering all the happy memories they have shared together in the past made her smile and feel happy. Pakiramdam niya'y muli na naman siyang nabuo at bumalik sa dating Zean.

"About the past.." simula ni Kristof at napabuntong hininga. "Kung pinakinggan mo lang sana ang mga explanation ko noon, di sana tayo na ngayon.. Di sana hindi tayo nahirapan at nasaktan ng sobra. We shouldn't have suffered that way all those years." malungkot na tumingin ito sa kanya.

"You can't blame me, nilamon ng galit ang puso ko Kristof. I was hurt that time." malungkot na sagot niya.

"I understand."

"Minahal mo ba talaga ako Kristof?" naluluhang tanong niya at tinitigan ito ng tuwid sa mga mata.

"Yes. Minahal kita at hanggang ngayon wala pa ring nagbabago doon."

Gusto niyang maniwala sa sinabi nito ngunit nang maalala ang nangyari sa nakaraan ay napangiti siya ng mapait.

"If you really love me then why? Why did you do that to me?" buong hinanakit na tanong niya dito.

"Because that's the only thing I know to protect you from Henry."

Natigilan siya sa sagot nito. Naguguluhang napatitig siya dito.

"Alam kong magulo. But let me tell everything to you from the very start." huminga muna ito ng malalim bago tumingin sa malayo na tila ba pilit na inaalala ang nakaran.

Siya naman ay tahimik lang na nakikinig at nakatingin dito. Pilit na iniintindi ang mga sibasabi nito.

"I fell in love with you the very first time I saw your picture. Bago pa natin mameet ang isa't isa, gusto na kita."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon