Chapter 22

184 5 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 22

"Oh my gosh!"

"Sino iyang kasama ni Zean?"

"Ang gwapo!"

"Iiihhh!"

She rolled her eyes when she heard everyone's noise. Halos lahat na yata ng atensiyon ng mga taong nasa photoshoot ay nakatutok na sa kasama niyang binata. Most of them drooled as they stare at him. Nakaramdam siya ng inis. Kung alam lang sana niyang ganoon ang magiging reaction ng lahat, di sana ay pinagmascot na lang sana niya ang hudyo. Taas at salubong ang kilay na sinulyapan niya ang katabing binata. At halos ay hindi na maipinta ang mukha niya nang makitang kay lapad ng ngiti nito.

"Hi! Good morning everyone!" nakangiting bati nito at may kaway kaway pang nalalaman. Pakiramdam niya'y lalo siyang nanggigil sa mga pinaggagagawa nito. Anong akala nito sa sarili nito? Celebrity? Ngali-ngali na niya itong isubsob sa sahig sa matinding inis na nararamdaman nang mga oras na iyon. Tinalo pa siya nito sa pag-entrada. Masyadong pa-FC.

"Itigil mo nga iyan! Para kang baliw!" singhal niya dito.

"Bakit ba? I'm just happy and I want to be friendly with everyone you know."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Kailan ka pa naging friendly?" bulong na tanong niya.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Bahala ka na nga diyan." inirapan muna niya ito bago niya ito iniwan. Naglakad siya palapit sa mga kasamahang hanggang ngayon ay maang na nakatitig pa rin kay Kristof. "Pakitakip ang mga bunganga. Papasukin na iyan ng mga langaw. Ano? Magsisimula na ba tayo o tititigan niyo na lang siya?" untag niya sa mga ito. Tila noon lang natauhan ang mga ito. Bumalik ang mga ito sa kanya-kanyang nakatokang gawain. Napahalukipkip na lang siya nang wala sa oras at nilapitan si Tasha na hanggang ngayon ay wala pa rin yatang balak kumurap.

"Siya ba si Kristof?" nanlalaki ang mga matang tanong sa kanya ni Tasha. "Grabe ang gwapo niya!" kinikilig na hinatak-hatak nito ang laylayan ng suot niyang damit. "Ipakilala mo naman ako oh. Sige na. Hihihi.."

"Landi nito. Tumigil ka. Babatukan na kita." banta niya dito.

"Bakit? Jelly ka?" pang-iinis at panunukso nito.

"Of course not! Why should I?" sikmat niya dito.

"Weh? Puso mo. Highblood ka teh. Tumataas na naman ang presyon mo." naiiling na sagot nito. "Huwag kang mag-alala, di ko siya aagawin sayo. Siyempre love mo yan eh kaya ibabalato ko na lang siya sayo. Para naman magkaroon ka na ng love life."

"Ikaw gusto mo magkaroon ng blackeye?" taas ang kilay na tanong niya.

"Ikaw naman, di ka na mabiro. Chill. Teka maiba ako, bakit nandito siya?" nagtatakang tanong nito. "Wait, siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong maglagi sa bahay niyo?" panghuhula nito.

"Yeah, siya nga. Wala nang iba."

"Kaya naman pala. Sabi ko na eh, meron kang inililihim sakin. And I was right." naiiling na sabi nito at napapitik pa sa hangin. "Bakit di mo man lang sinabi sakin ha?"

"Dahil alam kong kukulitin mo lang ako. Katulad ngayon. Teka nga, bitawan mo nga iyang damit ko. Pinupunit mo na eh!" singhal niya dito at tinabig ang mga kamay nito sa laylayan ng suot niyang damit.

"Sorry naman daw." napanguso ito.

She just rolled her eyes and sighed.

"Zean come on, mimake up-an ka na namin." tawag sa kanya ng make up artist na kasama nila.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon