Chapter 54

121 3 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 54

"MOMMY? Are you okay?"

Tulalang nakatitig siya sa swimming pool nang lapitan siya ng anak niya. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin ang paglapit nito sa kanya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo doon. Pagkauwi kasi nila kanina ay dumiretso na siya doon upang magmuni-muni.

"Mommy?" kinalabit siya nito. Tila naman ay noon lang siya nahimasmasan.

"Yes baby? What is it?" nagtatakang tanong niya at nakangiting kinandong niya ito. Nakangusong pinakatitigan siya nito na tila ba pilit nitong binabasa ang laman ng isip niya.

"You look so bothered mommy," puna nito. "Is there a problem?"

Pilit siyang ngumiti dito. "Wala naman anak." Napanguso ito sa sagot niya.

"Eh bakit kanina ka pa tulala?"

"May iniisip lang ako anak," sagot niya. Niyakap siya nito.

"I'm always here for you mommy."

Napangiti siya sa sinabi nito at niyakap niya din ito ng mahigpit. "And I'm here for you too Gray, always." Ilang sandali pa'y nagpaalam itong maglalaro kaya naiwan siya doong mag-isa.

Napatingin siya sa singsing na nakasuot pa rin sa kanyang palasingsingan. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit tila may kung anong damdamin ang nagising sa kaibuturan ng puso niya nang makita niya ang singsing na iyon na naging bahagi din ng buhay at nakaraan niya sa loob ng maraming taon. Nang haplusin niya iyon ay tila may kumurot sa puso niya. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naming umukilkil sa isip niya ang mga binitiwang salita ni Kristof.

"As long as there's no ring on your finger, I'll fight what's mine. You are stolen away from me so I will take you back. Even if I'm going to commit a crime, I'll steal you away from him. Kahit ikamatay ko pa, wala na akong pakialam. Isa lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay Zean. At ikaw ang dahilan na iyon... Don't you think it's unfair to me that you returned this ring to me without my memory? I told you before that you will return this to me if I hurted you. Yes, I hurted you 5 years ago but that was out of my control. It's because my memory was stolen. They stole my memory so that you will be stolen away from me. Mark my word Zean, if those people succeed before, I will not let them win this time. I will fight no matter how much it cost me. Magkamatayan man Zean, babawiin at babawiin kita."

Muli siyang napasulyap sa tubig. Honestly, kanina pa may bumabagabag sa kanya. Maraming mga katanungan ang gumugulo sa isip niya matapos ang naging pag-uusap nila ni Kristof.

Naguguluhan siya sa mga sinabi nito kanina. Bawat katagang binitiwan nito ay tila mga puzzle na hindi niya mabuo-buo. Ano bang ibig nitong sabihin sa mga sinabi nito?

Someone stole her away from him? Who is that someone? Si Austin ba ang tinutukoy nito? Kanina ay gustong-gusto niyang tanungin si Kristof sa mga sinabi nito. Ngunit sa tuwing babalakin niyang ibukas ang bibig upang tanungin ito, he always gave her 'you-need-to-find-it-yourself look.' Paano niya malalaman kung ano iyon kung wala naman itong balak sabihin iyon sa kanya? For goodness' sake! Hindi siya manghuhula!

'Paano mo malalaman kung hindi ka naman gumagawa ng paraan para alamin ang lahat? Paano mo malalaman kung uupo ka lang diyan?' sa isip-isip niya.

"Yeah, I need to find it myself." Mabilis niyang pinagana ang utak at nag-isip ng gagawin. Naalala niya ang mga kaibigan. Mukha namang may alam ang mga ito lalo na at tila gumagawa ang mga ito ng paraan para paglapitin sila ni Kristof. At naalala niya, mukhang ayaw ng mga ito kay Austin, na tila ba may nagawang kasalanan ang lalaki. Siguro nga ay may alam ang mga ito sa mga nangyari.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon