Chapter 8

278 9 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 8

Nang mga oras na iyon ay nakalulan sila ni Kristof sa kotse papunta sa pinapasukang paaralan. At katulad kahapon ay pareho silang tahimik at walang imikan. Kung nau-awkwardan siyang makasama ito kahapon, mas malala naman ngayon. At dahil iyon sa nangyari kagabi.

"What if I say yes? I like you! Are you happy now?!"

Napabuga siya nang pilit na sumiksik sa isip niya ang mga binitiwan nitong mga salita kagabi. Hanggang ngayon ay tila ayaw pa rin niyang paniwalaan ang mga sinabi nito. Parang napakaimposible naman kasi niyon. Sino ba namang tao ang susungitan ang taong gusto niya? Siraulo na lang ang gagawa niyon.

Kaya ayaw niya talagang paniwalaan iyon. Papaano nga ba naman siya maniniwala dito lalo na at ang sama-sama naman ng naging pakikitungo nito sa kanya. At saka isa pa, kakakilala lang nila noong isang araw. Ang bilis naman siya nitong nagustuhan kung nagkataon. At hindi siya ganon katanga para maniwala na lang dito ng ganon-ganon na lang. Ano ito? Sinuswerte? Marahil ay pinagtitripan lang siya nito.

Palihim niyang sinulyapan ang katabing lalaki sa gilid ng kanyang mga mata. At nakita niyang nakasandal ito sa upuan habang may nakasapak na earphone sa magkabilang tenga nito. Marahil ay nakikinig ito ng music doon. She don't doubt about her intuition, mukhang hilig naman yata kasi nito ang pagsasoundtrip.

"Naboboring ka ba Zean?"

Napasulyap siya kay Manong Kanor nang marinig itong magsalita.

"Medyo malayo pa ang biyahe. Gusto mo bang buksan ko na lang muna ang radyo?"

"Sige po." tugon niya at nginitian ito. Agad naman itong tumalima sa sinabi niya. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang isang awitin sa stereo. Itinutok niya doon ang atensiyon habang tahimik na tumanaw sa labas ng bintana upang aliwin ang sarili.

"I don't know but I think I maybe fallin' for you, dropping so quickly,
Maybe I should keep this to myself, waiting 'til I know you better,
I am trying not to tell you, but I want to,
I'm scared of what you'll say, so I'm hiding what I'm feeling,
But I'm tired of holding this inside my head."

Bigla siyang natigilan nang marinig ang lyrics ng kanta ni Colbie Caillat na Fallin' For You sa stereo. Bawat katagang naririnig doon ay parang tumitimo sa isip at sa puso niya. Paano naman kasi, the song reminds her of Kristof and his feelings towards her.

He likes her so easily and he's keeping it for himself because he's afraid of her reaction especially they've treated each other in a bad way.

"I've been spending all my time just thinking about you,
I don't know what to do, I think I'm fallin' for you
I've been waiting all my life and now I found you,
I don't know what to do, I think I'm falling for you.
I'm falling for you."

Napabuga siya at mariing ipinikit ang mga mata. She wanted to ignore the message of the song but she just can't help it. It seems like a part of her wanted to embrace and cherish that song.

"As I'm standing here and you hol-"

Kumunot ang noo niya nang bigla na lang nawala ang pinakikinggang musika. Kunot-noo at nagtatakang napalingon siya at ganon na lang ang pagsalubong ng kilay niya nang makitang pinatay pala iyon ni Kristof.

"Why did you turned it off?" taas ang kilay na singhal niya dito. Ngali-ngali na niya itong pektusan sa matinding inis at gigil dito. May pinapakinggan na nga itong music sa cellphone nito tapos ngayon ay papakialaman nito ang pinapakinggan niya.

"It's so lame and pathetic." anito at nakahalukipkip na sumandal sa upuan matapos nitong tanggalin ang suot na earphone sa tenga.

"Lame and pathetic? Duh! You're so hopeless! Masyado mo kasing dinidibdib eh!" she blurted out.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon