Chapter 30

198 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 30

Pagbukas niya ng locker niya nang araw na iyon ay natigilan siya nang bumungad sa kanya isang papel. Nagtatakang kinuha niya iyon at unang tiningnan kung kanino iyon galing. Napangiti siya nang mabasa ang pangalan ni Austin. Sumandal siya sa locker at sinimulang basahin ang sulat nito para sa kanya.

Zean,
I was born in this world and was neglected by my own parents because they don't love each other. Kaya yun, lumaki ako sa poder ng lola ko sa London. I grew up with so much hate and jealousy with everybody and everything. Ganon talaga siguro kapag pinagkaitan ka ng pagmamahal. Yung pakiramdam na ang unfair ng lahat ng bagay sa mundo kasi meron sila tapos ikaw, walang-wala.
And honestly, I never believe in love because I felt so empty and worthless. I was being neglected and everyone left me. Lumaki akong walang alam sa pagmamahal na iyan so I just thought, I don't have the capacity to love. Lahat ng bagay dinadaan ko sa laro at biro kasi alam ko love is not important and it didn't exist at all. But then my belief and my perception in life changed when I met you. You're sad and empty like me. Just then I felt something strange inside my heart. Something I can't explain nor ignore. And it's telling me to take care of you and to make you whole again.
I may not be blessed with love from my parents but I think I can be a blessing to someone and give unconditional love to her.
Zean alam kong masyado pang maaga but I can't help it anymore. Isang buwan na rin tayong nagkakasama. At sa bawat araw na iyon lalong lumalala yung nararamdaman ko at narealize ko na I want to be your better half.
And I realize that despite all the pains and sadness I have felt before, I still have the capacity to love and be happy again. Zean, I don't want to count stars with you. Because I want to count white hairs with you. And I want to count how many steps we're going to take until the end of this story. Zean sana, bigyan mo ko ng pagkakataon para iprove sayo na totoo ang mga sinasabi ko. Na mahal kita. Maghihintay ako sa sagot mo Zean. Hihintayin ko yung araw na mahalin mo rin ako.
Love,
Austin

Nang matapos niyang basahin iyon ay saka lang niya narealize na lumuluha na pala siya. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa buhay nito. Sa kabila pala ng masayahing aura at mukha nito ay nakatago ang isang madilim at malungkot na kwento. At aaminin niya, labis siyang nalulungkot sa pinagdaanan nito. Because she know, Austin is a great and a nice guy. He never deserve to suffer that way.

"Iihh!"

"Oh my gosh!"

"Ang sweet naman nung guy!"

Nakuha ng mga tilian at hiyawan ang atensiyon niya kaya nagtatakang iniangat niya ang tingin. At ganon na lang ang pagkabog ng dibdib niya nang makita si Austin na nakatayo sa harap niya at may hawak na bouquet ng puting rosas. Naglakad ito palapit sa kanya.

"Zean, can I court you?" tanong nito at bahagyang ngumiti sa kanya bagay na nagpalabas sa isang biloy nito sa pisngi. Nang iabot nito sa kanya ang bulaklak na hawak nito ay tahimik niyang tinanggap iyon.

Handa na ba siyang buksan ang puso niya para sa iba? Handa na ba siyang magmahal ulit? At handa na ba siyang palitan si Kristof sa puso niya?

Hindi naman mahirap mahalin si Austin eh. Mabait ito, sweet, thoughtful, loving at caring. Mga ugali at katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Katunayan niyan, may nararamdaman din siya para dito. Hindi nga lang siya sure kung ano iyon. Isa lang ang sigurado siya, hindi pa iyon ganon kalalim katulad ng nararamdaman nito sa kanya.

"Zean?"

Huminga muna siya ng malalim bago siya ngumiti dito. Sana lang ay tama ang maging desisyon niya.

"Hindi naman masama kung bibigyan kita ng pagkakataon na iprove ang sarili mo sakin. Yes Austin. You can court me," nakangiting sagot niya.

"Yes!" sa matinding tuwa nito ay niyakap siya nito ng mahigpit. "Thank you Zean!" Natawa na lang siya sa naging reaction nito. "I promise hinding-hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon